Chapter Two

542 7 4
                                    

A/N: Hi! I'm back. Pasensya na po kung ngayon lang ulit makakapag-update. Busy-busihan lang ang PEG. :) Enjoy. :)

____________________________________________________________________________________

Five years ago...

Tahimik na nananghalian ang pamilyang Agpangan ng tumikhim ang padre de pamilya.

"Jai, I need to talk to you."seryosong saad nito sa anak.

"Okay Dad. Tungkol saan po ba?" nagtatakang tanong niya.

Napatingin ang kanyang ama sa kanyang ina na kanina pa parang balisa.

"Sa study room na lamang tayo mag-usap." pagkatapos ay bumalik na ito sa pagkain.

Walang kaalam-alam si Jai na ang sasabihin ng kanyang ama ay ang babago sa buhay niya.

"You will marry Mr. Dungo's son in three months time."

Hindi nakaimik agad si Jai sa sinabi ng ama. Kasal? She's only twenty-one. Hindi niya pa nga na-eenjoy ang buhay dalaga tapos ipapakasal siya nito. Lalo na sa hindi niya kilala.

"Dad, are you kidding me? Marriage? No! I will not marry anyone unless mahal ko. Hindi ako papayag, Dad."

"Jai, anak. Please. Ito na lang naiisip kong paraan para mapalagong muli ang negosyo natin. Unti-unti na kasing umaalis ang mga investors natin. Please anak." nagmamakaawang sabi ng kanyang ama.

Hindi alam ni Jai kung maawa ba siya o maiinis sa ginawa ng Daddy niya. Alam niyang palugi na ang kompanya nila. At handa siyang tumulong para lang lumago ito muli, pero hindi sa paraang gusto nito.

"Dad, there's a lot of ways para mapalago ulit ang business natin. Bangko. Pwede tayong umutang sa bangko. Or your colluegues. Wala na po ba kayong mauutangan?"

"Marami na tayong utang sa bangko, anak. Si Mr. Dungo na lang ang pag-asa natin. Handa siyang pautangin tayo ng capital, pero kailangan maikasal sa'yo ang anak niya."

"Pero, bakit ako, Dad? Bakit hindi na lang si Joj?"

Ang tinutukoy niya ang kakambal niyang si Joj.

Joj, sis, sorry. Peace!

"Alam mong may boyfriend na ang kapatid mo. Ayaw ko namang masira ang relasyon nila ng dahil sa negosyo."

"Pero okay lang sa inyo na ako ang mahirapan? That's so unfair, Dad. Hinding-hindi ako magpapakasal sa kung sino mang ponsyo pilato yan. Dad, I'm sorry. Pero yan po ang desisyon ko."

Pagkasabi noon ay patakbong lumabas si Jai ng study room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now