~dylene mild almario
Saan ko ba dapat simulan?
Sa gitna na nando'n yung pagmamahalan?
Sa unahan na nando'n ang pagkakaibigan?
O sa huli na hindi ko na ata pangangarapin pang muli.
Gusto kong ikwento magmula sa umpisa hanggang sa huli,
Sa kung paanong mas papangarapin ko pang manatili nalang sa umpisa. Keysa ipagpatuloy ang nasa gitna at muli tumuntong ang kwento sa huling kabanata. Uumpisahan ko ang kwento sa kung saan ay karamihang nagsisimula-kaibigan. Isang salita na halos maaaring sakupin ang mundo ko.
Maaaring guluhin ang nananahimik kong puso.
Dahil kung bakit sa lahat ng pwede kong makilala ay sa'yo pa talaga? Na kung bakit ang dahilan ng labis ko ngayong pagmamakaawa, ikaw talaga? Na kung bakit ayaw kong ipagpatuloy pa ang kwentong ito hanggang huling kabanata. Ikaw na naging kaagapay ko,
Takbuhan ng isang tulad ko.
Ngunit bakit tila sa paglipas ng panahon,
Sumasabay ang puso ko sa pag-alon.
Na kung ako ay sumasabay sa paglipas ng araw,
Ang hinahanap naman ng puso ko'y ikaw.
Ikaw at ako, 'yan sana ang ninanais ko.
Hanggang sa umabot sa puntong ikaw rin pala'y may gusto.
Gusto mo ako, may gusto rin naman ako sa'yo.
Pero tila lahat ay malabo.
Walang matatawag na "tayo"
Ikaw at ako ay meron sa mundo
Pero walang "tayo"
Noon, kung iyan lang ang nagpapakirot sa puso ko,
Mas lalo pa atang nagkaroon ng mabigat na dahilan para masira 'to. Dahil sa unti-unting paglipas ng araw,
Unti-unti kang naglalaho.
Unti-unting ika'y lumalayo.
Tangi ko na lang nakikita ay isang tuldok.
Tuldok na sa isang salaysay ay nangangahulugang "tapos na"
Ibig sabihin din ba nito na ang ikaw at ako'y wala na?
Malamang ay Oo nga.
Dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko na maabot ang kamay mo.
Hindi ka na maaninag ng mata ko.
Hindi ka na mahilig nitong aking puso.
Kaya ngayon, tila ang utak ko'y nagsisisi sa nangyari.
Ninanais kong bumalik sa umpisa
Kung saan ay kaibigan pa kita.
Na kahit kaibigan na lang kita.
Kahit dun nalang talaga.
Dinadalangin ko na sana maibalik pa,
Yung kwento ko na nasa umpisa at hindi na umabot pa sa huling kabanata.-----------------------------------------------------------------
Fb:kristelle ramos
Ig:kristelle2202
Twitter:kristelle_22
YOU ARE READING
BOOK OF POEMS
PoetryNot all the poems that are written here is mine.Yung iba gawa ng mga kaibigan ko na gustong ishare yung mga ginawa nilng tula