For you.

15 2 11
                                    

Hinayaan kita kase alam ko na sa akin ay hindi ka masaya.
Binigay ko ang buong puso ko sayo.
Ngunit kalhati lang ng puso mo ang natanggap ko.
Ginawa kitang mundo pero bakit sayo ay parang kontinente lamang ako.
Nagsumamo ako para lang marinig mula sayo ang salitang "Mahal kita" pero nanlumo ako nung isinunod mo ang salitang "Paalam na."
Hiningi mo ang kapatawaran ko bago mo ako tuluyang bitawan.
Medyo naguluhan ako.
San ka ba nahingi ng paumanhin?
Sa pagpaparamdam mo sakin na hindi ako ang iyong kailangan o dahil pinaniwala mo'ko na ang lahat ng pinakita mo ay dapat kong paniwalaan?
Hindi kita masisi kase hindi naman ako kagusto-gusto.
Hindi kita masisi kase hindi naman ako kagandahan.
Hindi kita masisi kase ganito ugali ko.
Pero sana sa paglipas ng panahon, makaramdam ka ng pagsisisi dahil sinayang mo ang katulad ko.
Sinayang mo ang taong totoong nagmamahal sayo.
Ramdam ko na hindi naman ang pagmamahal ko ang makakabuo sayo.
Ramdan ko na kalhati lang ng puso mo ang inalok mo sa akin nung ako'y pinaibig mo.
Ramdam ko na naging panakip butas mo lang ako.
Ramdam ko na hinihintay mo nalang akong bumitaw sayo.
At kahit ramdam ko ang mga yon, hindi pa din ako sumuko.
Kase sa tuwing naririnig ko mula sayo ang salitang "Mahal kita" dun na uli ako nag-uumpisang magpakatanga.
Pero dahil nakakasawa na, ititigil ko nato.
Ititigil ko na to kase pagod na pagod nako.
Ititigil ko na kase wala namang patutunguhan to.
Ititigil ko na to at wala nakong balak ipagpapatuloy pa.
Pero hindi porket ititigil ko ang pagmamahal ko sayo ay titigil na din ang buhay ko.
Magpapakatatag ako.
Magpapakasaya ako kahit s'ya na ang kasama mo.
Hanggang dito nalang.
Tanginamo. Makaka-move on din ako sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For You.Where stories live. Discover now