Friendzone.

2 1 1
                                    

Pasensya ka na.
Mahal naman talaga kita pero ayaw kong mawala ka.
Mahal kita bilang kaibigan.
Mahal kita bilang kapatid.
Mahal kita bilang ikaw.
Mahal kita bilang lalake.
Pero etong nararamdaman ko ang ikinatatakot ko.
Natatakot ako na umamin din sayo.
Natatakot ako na suklian ang pagmamahal na pinaparamdam mo.
Natatakot ako na maramdaman mo ang totoong nararamdaman ko sayo.
Ang duwag ko.
Naduduwag akong sabihin sayo ang totoo.
Naduduwag ako na baka dahil sa nararamdaman ko sayo ay magkalayo tayo.
Matapang ako pero bakit pagdating sayo ang duwag duwag ko?
Magiging kuntento nalang ako sa ganito.
Sa pagiging magkaibigan, magtatagal tayo.
Pero kung susundin ko ang sinasabi ng puso ko, may posibilidad na balang araw ay maghiwalay tayo.
Oo, magiging masaya tayo pero kung ang kapalit naman nito ay ang habang buhay na malalayo sayo ay mas pipiliin ko nalang na itago to.
Itatago ko nalang ang nararamdaman ko sayo.
Nakita ko sa maaamo mong mga mata ang sakit nung araw na umamin ka sakin pero tinanggihan ko.
Nakita ko kung pano ka lumunok ng ilang beses para mapigilan ang hapdi na nararamdaman mo.
Nakita ko kung pano mo pinigilan ang pagpatak ng luha sa mga palad mo.
Pero pasensya na, kase alam ko na dito lang tayo magtatagal.
Okay lang kung pagsisisihan ko ang desisyon kong to basta alam ko na mananatili ka sa tabi ko.
Mananatili ka sa aking tabi kahit bilang isang kaibigan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friendzone.Where stories live. Discover now