Krings' POV:
Ako'y excited maghahayskul na ako. Brigada eskwela na naman. Ito ako nagsisimulang maghanda para sa brigada eskuwela. Syempre public school lang ako. Mahirap lang kasi kami. Ang tatay ko'y construction worker samantalang nanay ko naman house wife. Sasabay ako sa kapitbahay namin na magbibrigada eskuwela rin. Palabas na ako ng bahay ng makita ko si Pina nag-aantay na papunta sa bahay namin dahil susunduin na ako para umalis, 6:30 ng umaga kami nang makaalis at makasakay ng jeep. Mga nasa 30 minuto lang ang layo ng bahay namin patungo sa eskuwelahan na papasukan namin. Nang di ko namamalayan na pupuno na pala ang sakay naming jeep. Nang dumating kami sa kanto ng aming paaralan naglakad pa kami papasok nang mga 5metro ang layo. Ayan! Naku! Laking gulat namin ni Pina sa sobrang dami na ng tao na handang linisin ang paaralan para sa pasukan. Unang ginawa namin syempre nagparegister muna. Ay! Oo nga pala kasama namin nanay ni Pina. Siya ang magsisilbing presentative naming dalawa ni Pina para sa isasagawang oplan linis sa paaralan. Kaya naman kaming dalawa Pina tambay. Sumasama lang kami kasi kailangan ng estudyante eh.
————makalipas ang unang tatlong araw ng brigada eskuwela ————