Panaginip o Bangungot

498 7 0
                                    

Panaginip

-

 Alas dose na ng gabi ng mag salita ang mama ni Rachel para matulog na ito , patay na ang mga ilaw at tanging tunog ng mga electricfan na lang ang maririnig mong ingay at ang tanging liwanag na lang ay ang bukas na laptop .

 “Rachel patayin mo na yang laptop at matulog ka na ala una na oh” sabi ng mama nya napatingin naman ito sa orasan , kahit na may kalabuan ang mata nito ay nakikita nya padin ang kamay ng orasan kung saan ito nakaturo . Minsan may pagka OA talaga ang mama nito dahil kahit alas dose pa lang ng gabi ay sinasabi na ala-una na ng madaling araw .

 “Opo , ito na nga eh” naiinis na sagot ni Rachel , nakailang ulit na kasi ang mama nito at naririndi na sya . Sanay na mag puyat ang huli dahil sa bakasyon . Pagkatapos nitong mapatay ang laptop ay hindi muna ito humiga sa kama (foam) na nakalatag na sa sahig , bagkus ay umakyat muna ito sa kwarto nila upang kuhain ang cellphone na matagal ng naka charge . Madilim na din sa kwarto nila dahil patay na ang ilaw at katulad sa baba nila electricfan na lang din ang maririnig mo dahil pati ang kuya nya ay tulog na .

 Nag lalaro ng cellphone si Rachel , madalas syang napapatingin sa CR nila na bukas ang pinto . Madalas mapunta ang paningin nya doon ng hindi nya alam ang dahilan kunway parang may nakatingin sa kanya kaya sya madalas mapatingin dito.

 “Sino ba ang huling gumamit nitong CR at hindi isinara ang pinto tsk tsk” sambit nito sa kanyang isip . Tuwing gabi kasi bago sya matulog ay hindi talaga nya maiwasang mapatingin sa CR nila , kapag bukas kasi ito ay makikita mo ang bintana nito na walang takip na ang tanging lumalagos doon ay ilaw na nagmumula sa poste .

 “Matulog na , magpupuyat ka na naman eh” sabi ulit ng mama nito ng makitang may ilaw na nag mumula sa cellphone nito . Naglalaro kasi ito ng 2048 puzzle para antukin at sakto naman sa pag sasalita ng mama nito.

 “Opo , ito na nga eh” sagot ni Rachel . Sakto yung pag sasalita ng mama nito dahil inaantok na din sya pero kahit na ganun ay hindi padin ito makatulog . Nilagay ni Rachel yung cellphone sa tabi nya at pilit na ipinikit ang mata . Nag iimagine ito ng kung anu-ano para makatulog pero wala pading talab dahil kahit na dinalaw na ito ng antok at nakapag hikab na ng ilang ulit ay hindi ito makatulog .

 **

Dear kuya ,

 Kapag nabasa mo ito siguradong wala na ako dito sa mundo pero gusto kong tandaan mo na mahal na mahal ko kayo . Sorry sa mga nagawa ko , gusto ko buksan mo yung facebook ko at ipost mo ang kung ano ang nakasulat dito .

 Email: chellawp@yahoo.com

Password : mahalkoangtambayanngmgaadikadmins

 Para kay Girlinlove / Jade Pitogo (Pakitag sa kanya ito kuya ha)

Hi ate Jade , sayang hindi ako umabot sa last meet up mo L , hindi na kita makikita pa . Pero gusto kong tandaan mo na nandito lang ako lagi pero ngayon ay nasa tabi mo lang ako para gabayan ka . Simpleng fangirl mo lang ako na nangarap na maka bonding ka kahit isang araw lang at maging kaibigan ka pero mukhang isa lang yung natupad sa pangarap ko nakasama ka ang maging kaibigan mo , sayang pero wala eh . Wag kang malulungkot , I will your forever obsfan . Sana mag enjoy kayo sa Saturday , at sana maging successful author as well as attorney in future .

 Para kay Kkabyulism / Memae Bigbang *Aramae* (Pakitag din sa kanya ito kuya friend ko sya sa facebook)

Hi ate memae (mi-mey ang pag pronounce author of Why Can’t It Be) siguro kapag nalaman mo ito wala na ako , sorry kung hindi ko na matutupad ang promise ko sayo na ako ang unang mag papapicture ng book version ng WCIB at hindi ko na mapupuntahan ang mga upcoming BS mo L . Hindi man lang ako nag karoon ng chance na Makita ka in personal at makabonding pero masaya ako na nakilala kita at naging admin mo . Mahal na mahal kita author .

Horror Stories Compilation [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon