Venus

13 0 0
                                    

"Venus!" agad naman akong napalingon sa pagtawag sakin ng kaibigan ko na si Nica. Nag-aayos ako ngayon ng gamit naming magkakaibigan, nasa debut party kasi kami ngayon ni Rhea, kaibigan namin nung high school. "Ano, mag-aayos ka na lang ba jan o sasama ka saming magswimming?"

"Matatapos na ko, saglit lang! Susunod na lang ako." sabi ko sa kanya at maya maya'y sumunod na din papunta sa pool.

Nakalublob ang kalahati ng katawan ko dahil nakaupo sa hagdan ng poo habang pinapanuod ko ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Rhea habang nasa pool, malaki laki din itong resort at nasa private pool kami, gabi na masyado at walang gaanong nag-ooccupy ng iba pang mga private pools. May mga kaibigan kaming umiinom sa gilid, kumakanta, nagtatawanan at nakikipagkilala sa isa't isa.

"Venus! Nica! Tara dito!" pag-aya samin ni Rhea kasama niya ang ibang mga kaibigan na mukhang pauwi na. Tunakbo ako papunta kay Rhea.

"Rhea, bakit?"

"Samahan niyo naman ako, ihahatid ko lang sila sa gate. Uuwi na kasi sila eh..." sabi ni Rhea sabay tingin sa dalawa niyang kasama. "Venus, Nica, si Klein nga pala at saka si Jasper. Klein, Jasper, si Venus at Rhea." sabay tawa ng nakakaloko nitong si Rhea.

Nasa tapat na kami ng gate ng biglang nagsalita si Klein.

"Hi!" sabi sakin ni Klein, nakakaloko din ngumiti tong si Klein eh. Medyo mataba siya, pero gwapo naman, long hair at saka mukhang comedian, malakas ang appeal eh.

"Uhmm, hi din?"

"Kumakanta ka ba?"

"Nako, bihira lang ako kumanta eh medyo mababa lang kasi boses ko saka acoustic lang ang tingin kong bagay sa boses ko."

"Gusto mo bang sumama sa choir? Enjoy dun eh!" sabay tawa niya.

"Ah, eh, baka hindi kasi ako payagan nila mama eh. Saka balita ko kila Rhea gabi daw ang practice. Medyo mahigpit kasi sa bahay eh.

"Ganun ba, pwede ko bang makuha yung number mo?" nag-aalangan na tanong niya.

"Uhm, oh sige." binigay niya ang phone niya at tinype ko naman ang number ko.

"Thank you. Sige ha, alis na kami! Salamat ulit!" Sigaw niya habang lumalakad palayo samin nakangisi pa ang loko. Pati tuloy ako, hindi mawala ang ngiti sa labi ko at natatawa na din ako.

"Wahahaha! Oo na sige na! Tumingin ka sa dinadaanan mo! Baka madapa ka. Dali!!" Nagwave din ako sa kanya. Ewan ko ba pero ang bilis gumaan ng loob ko sa kanya.

"Oyyyyyy! Ikaw ah. May boyfriend ka Venus, wag kang ganyan." nakangising sabi ni Nica pero halatang kinikilig din katulad ni Rhea.

"Oo, alam ko Nica. Ano ka ba wala lang yun. Tara na at pumasok. Naku naman kayong dalawa eh. Issue eh!" sabay tawa naming tatlo na parang ewan.

At yun ang una naming pagkikita. Ewan ko ba pero masaya ako.

-

Now na lang ulit. <3

Tuloy tuloy na tong story ko.

Thank you sa pagbasa! :D

-Cath

Unchained Melody (Prologue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon