uAndito ako ngayon sa cafeteria ng school namin.
Tulala at nakatitig sa dalawang tao na nasa harap ko.
Si Daniel na bestfriend ko at girlfriend nya na si Carla.
Oh Shit! GIRLFRIEND nya!?
“It’s good to finally meet you! Daniel is always telling me stories about how great bestfriend you are.”
great bestfriend
great bestfriend
great bestfriend daw!?
Parang last month lang sabi nya sakin mahal nya ako tapos kung maka-kwento sya dito sa Carla na to parang napaka-ulirang bestfriend ko!?!
Wala akong panahon na makipag-plastikan sa kanya no! Tinaasan ko lang sya ng kilay. Psh. Minsan lang po ako magtaray kaya pagbigyan nyo na. Pleast lang.
“Oooh. I see. Ang friendly mo naman.”
Psh. Inirapan ko lang sya.
“Matagal ka bang naghintay?” tanong naman ng gago kong bestfriend. Oh well. EX Bestfriend na ngayon.
Alam nya kasi na ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako ng matagal.
Actually, kadadating ko pa lang naman nung dumating sila. Hindi naman kasi yun yung problema ko eh! Ayoko lang talaga yung binalita nya sakin at itong tukong kasama nya!
I chose not to answer him. Bahala syang mag-isip kung anong gusto nyang isipin. >.<
“Babe, I’m hungry na.” sabi ni lintang Carla habang nakapulupot sa braso ni Daniel.
“Bili lang ako ng pagkain ha?” tumayo na si Daniel at pumila sa bilihan ng snacks.
“Bakit ang taray mo sakin?” tanong ni Carla na halatang pissed off na.
“Hindi naman”
“Sobrang opposite to ng sa mga kwentoni Daniel sakin”
“Wala ako sa mood.”
“Ok.”
Nakaramdam naman siguro ang bruha kaya tumayo na sya at lumapit kay Daniel. The next thing I knew eh si Daniel na ang naka-upo ngayon sa harap ko.
“Ok ka lang ba?”
OK!? Fuck Shit ka! Matapos mo kong iwasan ng halos isang buwan tapos ngayon ka lang ulit makikipag-usap sakin after mo kong talikuran noon na hindi mo man lang ako hinayaang makasagot sa tanong mo tapos ngayon may ipapakilala ka sakin na babaeng maganda at sexy na girlfriend mo na na parang tuko kung makakapit sayo tapos tatanungin mo ko kung ok lang ako!? Malamang HINDI! Suntukin kaya kita jan gago ka!
BINABASA MO ANG
BEST boyFRIEND[one shot]
Teen FictionWhat if one day magising na lang ako na hindi na pala "friend" lang ang tingin ko sayo? Yung mararamdaman ko na mahal na din pala kita? Pero pano kung pag dating ng araw na yun... lalapit ka at sasabihin mo... "Kath, meet my girlfriend Carla." Huli...