Chapter 1:
*Janella's POV*
"Manong sa Western Field lang po." nagbayad ako kay kuyang driver na Uber sa pagkakaskasero.
May karera? May karera? Nagmamadali si kuya? May date? May shooting?
Humikab ako, pero syempre, may poise. Napuyat kasi ako kaka-movie marathon eh. Diba? Mag-marathon daw ba bago matulog? Actually, 12 ako natapos. Yung huli kong pinanuod ay yung Titanic. At grabe lang, di ako makaget-over kay Jack at Rose. Sayang kasi eh. Namatay si Jack. Huhu. Iyak na tayo! Charot lang. Uber iyak kaya ako nun, halos maubos ko nga yung isang roll ng tissue eh. OA? OA?
"Neng, nasa Western Field na tayo." napatingin ako kay manong driver tapos napatingin ako sa labas ng bintana, oo nga nuh?
Bumaba ako tapos pumasok ako ng campus at naglakad ala-Shamcey Supsup. Tsunami walk ang peg ko eh? Bakit ba? Pero echos lang yun, sabihin pa nilang takas ako ng mental diba? Sa ganda kong to?
Um-Oo ka kundi kakalbuhin kita! Charot. Mamblackmail daw ba?
Hello Philippines, and Hello World! Oh diba? Pumi-PBB? Ako nga pala si Janella Chelseah Lim, ang pinaka- magandang babaeng nabubuhay sa balat ng lupa.
=_=
Bakit parang biglang humangin ng malakas? Bumalik ba si Yolanda? Echos lang.
Ako si Janella Chelseah Lim, isang typical high school girl na nahihirapan sa Algebra at nagtataka kung bakit pa naimbento yun samantalang di naman yun tinatanong pag iniinterview ka sa trabaho, at isa pa, hindi rin naman yun naipambibili sa tindahan, bakit kailangan pang pag- aralan.
Tamad gumawa ng homeworks at projects na pinapagawa sa school at madalas sa hindi, nangongopya na lang sa kaibigang matalino bago ang pasahan, pero pag madamot si kaibigan, mapipilitang gawin si homework at magkaroon ng eyebags sa puyat pero hindi pa rin natatapos, or worse, di pa rin alam kung pano yun gagawin.
Konti lang din ang mga kaibigan ko, ayoko kasi sa PLASTIC. Yung parang anghel pag nakaharap ka tapos kun g ano-ano na palang sinasabi sayo pag tumalikod ka na.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Kiss
Teen FictionEvery story that ends in "..And They Lived Happily Ever After" starts with a "Once Upon a Time". Posible bang mag-end din sa "And They Lived Happily Forever and Ever" ang kwento kong nagsimula sa "Once Upon a Kiss"? O magiging Bitter rin ako na nani...