= Keiko's POV =
Habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko, sa mga puwang nito'y nakita ko na nagliwanag. Nag-angat ako ng ulo at nakita ko ang anino ng lalaki na nakakapit sa pader at umaaninag sa pwesto ko.
"Keiko, ikaw na ba 'yan?" lumapit siya sa'kin, "Ayos lang ba ang baby ko?"
"K-kuya..."
Ayon lang ang kaya ko'ng sabihin sa kanya at wala ng iba. Niyakap ko siya at hinagod niya ang likod ko.
"Nandito lang naman si Kuya eh, 'kung may problema ka, nandito lang si Kuya." sabi niya at itinayo ako sa pagkaka-upo ko sa sahig, "Hala, sige! Akyat ka na sa kwarto mo't magpahinga. Mag-aayos na ako sa trabaho."
Pero hindi ako umaalis sa pinagkakatayuan ko at tinitignan ang likod niya na papunta sa kwarto niya. Muli siyang tumalikod at nakita ako'ng nakatayo pa 'rin.
"Whenever you feel fine, just give me a call. I'll try to buy you your favorite." huli niyang sabi at humawak na sa door knob ng kwarto niya.
"Mama..." iyak ko.
Naramdaman ko na nagdilim ang aura ni Kuya at binuksan na ang pinto niya... at naiwan ako na nakatayo pa 'rin kasunod ng napakalakas na pagsara ng pinto sa likod niya.
"Mama..."
~
= Rei's POV =
"Rei!! Watch out!!"
Napalingot ako sa pinanggalingan ng tawag at nakita ko ang bola na lumilipad papunta sa mukha ko. Pupwesto pa lang ako para salagin ng kamay ko ang bola pero huli na...
"S-sorry, Rei!" sabay dampot ng bola.
*SIGH*
"Ok ka lang?"
Mula sa pagkakayuko ko, nagkatinginan kami at natakot siya sa mga mata ko.
"INIIWASAN KO NGA MASAPAK NG 'KUNG SINO 'DYAN SA TABI-TABI, IKAW NAMAN 'TONG MAGPAPATAMA NG BOLA SA MUKHA KO?! ANO BA!!!"
*DEEP SIGH*
"Pero wala na tayo magagawa... natamaan na ako eh."
Tumayo ako at naglakad na lang palayo. Badtrip na buhay naman 'to ugh? Bakit naman ang napaka-gwapo ko pa'ng mukha?
~
= Louie's POV =
"Ang lame ng buhay mo, kapatid!" - Maurus
"Wala tayo magagawa... wala naman talaga magandang gawin eh."
"Bakit 'd ka na lang lumabas at manghila ng chicks?" - Maurus
Sinamaan ko nga ng tingin.
"Kuya! Pwede ba? Ilang taon na ba ako? Igaya mo pa ako sayo. Labas ka na nga lang sa kwarto ko!"
"Ikaw naman... 'd na mabiro! Alam ko naman na dalawang babae na ang pinoproblema mo," lumapit siya sa'kin at inakbayan ako, "hindi mo na kaylangan mamingwit pa sa labas. Haha!!" lumayo siya at papalabas na ng kwarto ko, "Bye! Pakisabi na lang sa tatay mo, 'd ako uuwi ngayong gabi!"
Walang kwentang anak, kapatid at lalong-lalo na, walang kwentang tao! Babaero na nga, wala pang trabaho...
"Dagdag problema ka lang eh! Psh."
BINABASA MO ANG
Behind Her [ʜɪаτυѕ ♕ ɢ]
Romance"For now... let's just be friends." Makakayanan mo ba sabihin sa lahat ng tao na friends lang kayo kahit sa loob-loob mo, gustung-gusto mo na ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya at sa iyo lang siya? Anong pipiliin mo? Friendship or romance? Your...