[PROLOGUE]
May mga pahina sa buhay na maaaring nagpapasaya sayo,
maaring nagpapaiyak sayo.
oh maaaring nananakit sayo.
Pero sadya ka nalang bang susuko?
Pipilasin ang mga pahinang sadyang di nagpapagaan sayo.
Pero di mo ba naisip na bago mo pilasin ang pahinang may di magagandang pangyayari,
maari mong ituloy sa susunod na pahina ang mga magagandang mangyayari.
Upang maisulat ang iyong happy ending.
-------
[CHAPTER 1: Childhood sweetheart]
INTRODUCTION:
Kahit bata pa ako (Kahit bata pa ako)
Alam kong minamahal kita (Minamahal kita! )
Hindi ito isang laro 'di ako nagbibiro
May puso rin ako,
Kahit bata pa ako
Anu ba 'tong nararamdaman bakit gan'to?
Sa t'wing nakikita kita ako'y napapahinto
Ako'y natataranta, at kinakabahan
Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan
'Di ko maintindihan kaya't lumapit sayo
At nang una kang makausap ni-nerbiyos ako
At nawala na lang bigla ang aking kaba
Nang may nakita akong ngiti sa iyong maamong mukha
Nakipagkilala ka't inabot ang iyong kamay
Hangga't sa pag-uwi tayo ang magkasabay
Masayang nagkukulitan habang nag kukwentuhan
At kahit kailan hindi ko 'to malilimutan.
\Naalala ko nung Grade 4 ako, may classmate akong crush ko.
Si Christian. ♥
Yung tipong bibitbitin niya yung bag ko pag uwian,
ililibre niya ako ng palamig sa labas ng school,
o kaya naman sasamahan niya ako sa canteen.
Kapit bahay ko lang siya, kaya minsan kalaro ko siya sa amin.
Minsan kalaro ko siya sa kanila.
madalas namin laruin?
Bahay-bahayan :')
Si Christian ang tatay,
ako naman ang nanay.
Bata palang kami pero gusto na ako ng mama niya na maging kami in the future.
Hindi ko pa noon naiintindihan ang mga bagay na iyon.
Basta kami ni Christian, masaya.
Classmate sa umaga,
Playmate sa hapon,
Textmate sa gabi.
Oo textmate, hahaha :)
Naaalala ko pa yung cellphone namin noon.
Ako yung nokia na may antenna.
Siya naman 3210.
Hindi pa uso ang group message.
Simpleng mensahe lang sa isa't isa.
Yung kamusta ka?