She's my ANGEL in Disguise (short story)

3.3K 87 34
                                    

THEA'S POV

5 mins.

4 mins.

3mins. 

Hindi ko maiwasang hindi mapakali habang tinitignan ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan.

2 mins.

Inilagay ko na ang lahat ng gamit ko sa aking bag. Para mas mabilis ako makaalis ng classroom. Pinapadyak-padyak ko ang aking paa,syet, malapit na mag-time!

1 min.

Tumingin na ako sa pintuan. This is it. Walang makakapigil. Walang kokontra

30 seconds...

Para akong driver na nag-aantay ng Go Signal sa stop light. Hindi mapakali ang buong katawan ko. Bakit ba ang tagal ng oras kapag nagmamadali ako?

10 seconds..

Mahigpit kong hinawakan ang aking bag pag at naka-handa na itong masukbit sa aking likuran.

5 seconds...4....3...2...1..

Tumunog ang bell ng school. Hudyat na tapos na ang first subject namin. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Grabe,Thea, maligalig ka masyado.

"Ms.Soriano,ayan ka nanaman." napailing sa akin ang professor ko. "Okay, class, just make sure to pass your homework first thing in the morning tomorrow. Especially you Ms.Soriano" nakangiting sabi ni Mam Valentino sa akin.

"Yes,Ma'am. Copied. Noted. Have a good day ahead,Ma'am!." paalam ko dito bago tumakbo papalabas ng pintuan ng classroom.

"Wag kang magmadali,bata ka. May ilang minuto ka pa naman." sigaw nito sa akin bago pa ako makalayo at makababa ng hagdan. Sanay na sya, na ganito ako kaligalig kapag Martes. Na para akong kabayo na may karerang kailangan habulin.

Hindi ko na ininda ang heels na suot ko ngayon at ang mabatong daan. Walang wala tong paltos na makukuha ko sa prize na naghihintay sa akin kapag nakarating na ako sa field.

"Abot pa..." napangiti nalang ako na mukhang tanga. Hawak hawak ko ang aking dibdib dahil sa sobrang hingal. Nasa gitna sya ng field at nilalaro-laro ang bola gamit ang kanyang paa.

Syet naman,Dustin. Swerte ng bola, kahit papaano nakakalapit ng ganyan sayo. Kahit pa sapatos mo lang nakakadikit dyan,susmaryosep,sapatos MO pa din yan. Kay Dustin Blake De Leon din yan.

Naupo ako sa gilid ng field habang pinagnanasahan ang lalaking dahilan ng mga paltos ko sa paa. Dahil sa kanya, kahit magkanda-sugat-sugat na ang paa ko dahil sa pagtakbo,ayos lang. Kailangan ko kasi syang maabutan habang naglalaro o nagpa practice dito. Dito ko lang sya natitigan ng ganito. Hanggang dito lang sa gilid ng field maari ko syang titigan ng ganito.

A third year-industrial engineering student and soccer player. His name is Dustin Blake De Leon. And he is the guy of my dreams. The one who will take my first touch,first kiss,first momol and everything. He will be my first in everything. Haha.

But kidding aside, he's the guy i am crazy inlove with.

Unang araw ko noon sa College. Dahil sa transferee ako ay wala akong ka-alam-alam sa pasikot-sikot ng school. Ang tanging guide ko lang ay ang hawak kong certificate of matriculation. Puro mga initials lang ng building at room ang nandito kaya halos magkanda-hilo-hilo ako sa kakahanap.

"Miss!!! Ilag!!." bago ko pa magawa ang sinabi ng tumawag sa akin ay naramdaman ko nalang ang malakas na pagtama ng bola sa aking ulo. Napaupo ako sa gilid ng field. Nakakahilo,parang may mga bituin na sa paligid ko.

"Miss." naramdaman ko ang pagtapik nya ng mahina sa pisngi ko. "Miss?okay ka lang?." tanong pa nya.

Gusto kong manapak ng tao ngayon. Sinong matinong tao ang magtatanong ng ganon sa ganitong sitwasyon?

She's my ANGEL in Disguise (short story) (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon