Natapos yung tatlong subject na nakatameme lang ako habang nakatingin dito sa mokong na'to grabe ang gwapo talaga ng Hilaw na'to.ilang beses nya din akong sinigawan, at ilang beses din kaming napagalitan ng advicer namin sa tatlong subject na yun.Inaano koba sya!?
"Bat ba tingin ka ng tingin?!, alam ko naman na maganda ako pero bitch please?! Don't me!" Luh? Siraulo tong lalaki na to ha! Diko naman sya inaano eh, tinitignan ko lang naman sya.at dahil crush ko sya diko sya aawayin."wala naman akong ginagawa sayo eh, alam mo ang gwapo mo!" Tapos tyaka ko kinurot yung pisngi nya.
Namula naman yung mukha nya sa inis, yah! Cute. "Ano ba! Don't touch my pretty face!" Agad namang nagliwanag yung mukha ko nang nag pout sya Wahhhhhh!!!! Ang gwapo talaga nya! Tapos umakto pa syang nasasaktan, bat ba ang gwapo gwapo nya?! Bakit?!
"Lahhh!! Ang gwapo!, masakit ba?! Sorry diko sinasadya! Ang cute cute mo kase eh!" Totoo naman ha, buti nalang walang advicer.sana palagi ko syang nakikita at nakakatabi."Duh?, maganda kaya ako" sa tingin ko kailangan ko ng isang tao para mapagtanungan ng maraming bagay tungkol sa isang to.
Pero kahit ano pang malaman ko, wala akong pake kasi gusto ko talaga sya.
"Ok, class dismiss." Yay! Breaktime na! Nakita ko si sasa sa may tapat ng pinto namin, nakaalis na pala si mandy diko manlang napansin -,- kumakaway saakin si sasa, wait parang andami naman ata nila?. "Gabgab, tara na! Nagugutom nako!" Sabi sakin ni sasa sabay hila sa wrist ko, grabe naman to parang ngayon lang nya ako nakilala, feeling ko matagal na kaming magkaibigan.nakasunod naman saamin yung iba, i think sila yung kasama ni sasa kanina nung nagtanong ako sa kanya. Apat yung nakasunod saamin.
Pero infairness ang ganda nilang lahat, bagay ako sa Squad nila, char!.
C A F F E T I R I A
Andito na kami sa Caf ngayon, bumili kami ng pagkain ni sasa tyaka ni rica, diko pa sya masyadong kilala. Alam ko lang name nya, nakwento din ni sasa kanina na magkakalapit lang daw pala ang bahay namin. Kaya daw mapapadalas ang pagbisita ko sa kanila nasabi ko din na mas mabuting ako nalang ang pupunta sa bahay nila, mabuti na din yon para hindi ma open yung topic saakin kapag natanong nila yung tungkol sa family ko, ayaw kong magmukhang kaawa awa sa mata ng mga babaeng ito.si tita lang kase ang kasama ko sa bahay, walang gustong kumupkop saakin kung hindi si tita lang, my mom and dad don't like me. Naiintindihan ko naman, kase isa lang akong pagkakamali ng isang gabi, or should i say, One night stand.nalaman ko din na balak daw akong ipalaglag ng mom ko nung 4 months nako, buti napigilan ni tita.
Simula nung maging 10 ako, kay tita na ako lumaki hanggang sa magdalaga na ako, di kasi matanggap ng Kapatid ko sa ama at ina na may kapatid sila sa labas, diko rin sila masisisi.But kahit ganoon im still love them.
"Gabgab right? Bat ang tahimik mo? Dimo pa nagagalaw yang pagkain mo oh?." Sabi saakin ni sino ba'to? I gave her a Who-are-you-look? Agad naman syang napatawa, tapos sabay na tumingin sa mga kasama nya."Guys, magpakilala tayo sa kanya." Tapos umayos na sila ng upo.
"Hi! Rica Dela cruz, you can call me ricric. Ang cute kase kapag may tumatawag saaking ricric." Sabi ni rica yung kasama naming bumili ni sasa.nilahad naman nya yung kamay nya saakin para makipag shake-hands, agad ko namang tinanggap yon.
"Ally dela fuentes." Sabi nung babaeng mahaba yung buhok, tulad ni rica maganda din sya.
"Akemi takagi, Half japanese ako. Pero diko nakilala tatay ko." Agad namang nalungkot yung facial expression nya, well nakakalungkot naman kase talaga e. Hanggang batok yung haba ng buhok nya, kissable lips. Maputi tapos mapula pula pisngi, Besh!! Ang ganda!
"Ara dela cruz, pinsan ko si ricric. Ahahahahaha!" Mga besh, mas maganda to :'< pramis nakakaiyak. Mahaba din yung buhok nya, siguro mga hanggang bewang, Maputi sya, those eyes nakakaakit bes.
Siguro kapag ako naging lalaki, liligawan ko silang Lima kasama si Sasa.Ang ganda kasi talaga nila sobra. "Hmm.. Gabby eunice arrelano, 15 philippines!" Natawa naman silang apat. May nakakatawa ba?, Ang awkward naman kase ng atmosphere kaya gumawa ako ng way para hindi na magkailangan.
Agad kaming nagkwentuhan pagkatapos kumain, may isang oras pa kami para makkakilala, at dahil dakilang desperada ako,nalaman ko din na....
Na....
Na....
"BAKLA SI MANDY?!"tapos sabay sabay silang napatango.
"Oo, simula nung nakipagbreak sakanya yung ex girlfriend nya, dun na sya nagpakabakla." Sabi ni ara habang umiinum sya ng juice.
"Marami ngang nagtataka, according to our usiserang classmate, wala naman daw pinag-awayan yung dalawa. Bigla nalang daw nag pa transfer si beshy sa ibang school." Sabi ni rica habang nakapangalumbaba sa mesa, agad ko namang tinabig yung kamay nya "ricric masama yun, wag kang magpangalumbaba" tapos natawa nalang din sya.
"Para kang si Stacey." Sabi ni ally na tahimik lang sa paguusap namin kanina."sino si stacey?."tanong ko sa kanya.
"Kaibigan namin dati, ex ni mandy." Napa nganga ako don, nakakahiya! Kaibigan pala nila yung ex ni mandy, kung anu-anong tinatanong ko kanina about sa kanya.
"Wala na kaming balita sa kanya simula nung nagtransfer sya sa ibang school." Sabi ni akemi, nakakagulat naman yon!Biglang may pumasok sa caffetiria, si mandy nag hart hart nanaman yung mata ko ♡-♡ Grabe! Ang gwapo nya talaga, kaya lang medyo namumula yung pisngi nya, patay.pumunta sya sa table namin nila sasa tapos doon sya umupo.
"Oh? Andito ka pala ugly creature, tignan mo kung anong ginawa mo sa face ko." Maka ugly creature sya ha, pasalamat sya crush ko sya, kaya lang bakla, well wala akong pake!, basta ang alam ko crush ko sya period.
"Hi mandy! Ang cute cute mo." Tapos pinisil ko ulit yung pisngi nya tapos nagalit nanaman sya sakin. "How there you!, don't you ever eva touch my face!." Maarti pa nyang sabi, bibigwasan ko'tong hilaw na bakla na'to eh.
Hindi talaga ako naniniwala na bakla sya, gusto ko totong maggaling aa kanya."mandy, bakla kaba?" Nagulat naman sya sa tanong ko sa kanya.inagaw muna nya kay ara yung juice na iniinom nya tyaka nya ako tinignan.
"Yes, Bitch please don't me." Tyaka nya ako inirapan, HALAAAAAAAA!! di maari! Mandy bakit ikaw pa?! Hah?! [/Cries but swaeg; pero ok lang yan, Mwahahaha!
"Ano ako parin ba magiging crush mo pagkatapos mong malaman kung ano talaga ako? Maghanap ka nalang ng iba dyan, titigil kana ba sa pagpapacute sakin?." Hah! In your dreams.
"Kung sa tingin mo, Pagkatapos ng nalaman ko titigilan na kita. Pwes nagkakamali ka masyado akong loyal sayo, kaya wala kang magagawa.at tyaka gaya nga ng sinabi ko loyal ako sayo, hindi ako maghahanap ng iba kase ikaw lang ang gusto ko, tyaka hindi din ako nagpapacute sayo noh!, aminin mo na din kase, crush mo din ako!" Sabi ko sabay pisil ulit ng pisngi nya ang cute!!
"Yak! Eww eww!" Umaarte pa syang pinapagpagan yung pisngi nya tapos tyaka sya tumingin saakin at inirapan pako ng gago?!
"Ahhmmm, Guys una na ako, mag tatime na e.salamat din sa inyo! Una na kame!" Tapos tyaka ko hinila si mandy, nung una pumapalag pa ang bakla, tapos ayun di sya manalo nalo saakin nagpahila nalang din sya.
MWAHAHAHAHA! Mandy, mapapasaakin ka din [/evil smirk;
·♡·♡·♡·
Mwahahaha! Thankyou sa pagbabasa! Lovelot's! Harthart!♥
-AGirlHasNoName♡
BINABASA MO ANG
Hoy Ikaw! Oo Ikaw! Crush kita.(On-Going)
Teen FictionDiko naman akalain na maiinlove ako sa isang tulad mong... tulad mong... tulad mong... "Mandy, bakla ka?" "Yes, Bitch please don't me" Di maari WAHHHHHHHH!! Di pwedi to! Bat naman sa dinami dami pa ng bakla at dapat maging bakla bakit ikaw pang hila...