IKALAWANG KABANATA

9 1 0
                                    



"Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live." -Norman Cousins

—————

YSABEL'S POV

"Maraming salamat po sa pag-attend."

"Salamat din Hija."

"Salamat po sa suporta nyo. Thank you po!"

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi nyo ng Mommy mo Hija."

"Salamat po sa pag-aalala."

"Sana po ay patuloy nyo pong suportahana ang aking Ina."


"Kay gandang dalaga mo naman."

"Nako! Salamat po!"

Magiliw kong pakikipag-usap sa mga attendees ng program habang nakikipagshake hands pa sa kanila. Kakatapos lang ng campaign ni Mommy at andito kami sa baba ng stage upang pasalamatan at batiin isa-isa ang mga dumalo.

"Ate Ysa! Pwede po ba magpapicture? Idol na idol po kasi kita. Follower nyo po ako sa Facebook, Instagram at Twitter. Kyahhhhhhh!!!(pembarya arot hehe -otor) ang ganda-ganda mo po pala talaga sa personal Ate Ysaaaa!! Kikilig ako ahihihih" ani ng dalaga na biglang lumapit sa akin.

"Ay sus! Salamat hehehe. Sige sige ayos lang." nakangiti kong sambit. Inabot muna nung babae sa kasama nya na I think bestfriend nya ang cellphone bago lumapit nang tuluyan at umakap sa akin ng mahigpit.

"1, 2, 3, say cheese!"

Wala namang kaso sa aking ang mga ganitong request kaso naaawkwardan at nahihiya ako dahil tulad lang din naman ako nila. Normal na dalaga lang. No need to be idolized.

"Salamat po Ate Ysa! Napakasimple nyo po tapos ang ganda nyo pa! OMG na talaga!! Sige po. Salamat pong muli. Ingat po kayo sa pag-uwi." pagpapaalam nung babae.

"Nako walang anuman. Salamat din! Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"Lea po. Lea Ocampo."

"Salamat ulit Lea! Ingat din kayo sa pag-uwi. Babyeee~" I smiled to them as I bid my goodbye while waving.

"Nawa'y pagpalain ka ng Diyos Ingrid upang maisakatuparan mo ang iyong mithiin para sa ating bayan. Ipagdadasal ko sa Maykapal na sana ay ikaw ang maluklok sa pwesto para tuluyan nang umunlad ang bansang ito."

Inalis ko na ang tingin ko kina Lea at binaling sa matandang babae na ngayo'y kausap ni Mommy. She's 70+ I guess. Maliit at kulubot na ang balat nya. Nakasuot ito ng simpleng bestida na kulay pula na halos pakupas na. Mayroon din syang puting balabal na nasa kanyang ulo. Halatang mahina na si Lola dahil akay-akay na siya ng isang babae na mukhang nasa mid-40s ang edad. Sa tingin ko ay anak nya iyon.

"Nako! Maraming maraming salamat po sa pagpunta at pagsuporta sa akin Inang. Pinapangako ko pong hindi ko kayo bibiguin. Matalo man o manalo ay ipagpapatuloy ko po ang aking adhikain para sa ating bansa. Para po ito sa inyo. Ang labang ito ay alay ko po sa inyo. Sama-sama po tayo sa paglalakbay kong ito kaya huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo papabayaan." wika ni Mommy sabay akap sa matanda.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CONTIGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon