May gala kami ng mga kaibigan ko ngayon. Walo kami ng mga kaibigan ko. Apat kaming babae, bali tatlo lang pala kasi isa ay bakla. Napag-usapan namin na gagala kami sa mall na magka-kaibigan.
Nakasakay na kami ng van ng biglang pumreno ng malakas ang driver ng sinasakyan namin.
"Kuya ano ba! Pakidahan dahan naman jan oh!" sabi ni Kent
Si Kent ang unang-una kong nakilala noong bagong pasukan pa lamang namin.
"Pasensya na kayo, bigla kasing may tumawid na itim na kotse eh." sabi ni manong driver na napa buntong hininga pa.
"Sige kuya, sa susunod pakitingin naman ng maayos ang dinadaanan ng hindi na ulit mangyari 'to." sabi naman ni Adrian.
Napaisip ako bigla kasi nakita ko yung lalaking nagd'drive. Nakangisi ito sa'kin na tila may masamang plano pero hindi ko 'to inisip at hindi ko na din sinabi sa mga kaibigan ko kasi alam kong magagalit lang sila.
After 2hours na byahe, nakarating din kami sa isang malaking mall kung saan nandoon na ang lahat, may ride's, may mga bilihan at malawak ito.
"Nandito na tayo mga bata, magsikilos na kayo." sabi ng driver namin.
Agad naman na ginising kami nila
Mics at Roxanne. Agad din akong nagising pero ang kaibigan naming baklita ay hindi. Mahimbing pa ang tulog nito.Sinampal ito ng mahina ni Roxanne na agad naman niyang kinagising na akala mo'y nakipag sabunutan sa kalye.
Tumawa naman kami ng makitang bruhang bruha ang itsura ng aming baklitang kaibigan. Nga pala ang pangalan niya ay Princess Dela Cruz, 'di niya tunay na pangalan.
Agad din kaming bumaba at kinuha nila Kent at Adrian ang aming mga gamit. Sina Jeric at Richard naman ang aming mga tagapag-luto.
Si Jeric ay bukang bibig ang pag luluto, si Richard naman ay laging nasa gym kaya malaki ang kanyang katawan.
Papasok na kami sa mall ng may humarang sa'min na lalaki.
"Hello I'm Mr. Adam. Ako ang makakasama niyo ngayon." sabi nito. Weird na nakasalamin ito at 'di ko alam pero mukang nakakatakot 'tong lalaking to.
"Nice to meet you po Mr. Adam." wika ni Kent at Adrian na natatawa pa.
"So, lets go na." sabi ni Roxanne na nagpapaganda pa.
Sumunod kaming magka-kaibigan sa kanya. Una ay pumunta muna kami sa mga rides at umikot muna kami ng saglit, nang napansin ko ang lalaking nakita ko na nakasay sa itim na koste.
"T-teka ito yung lalaki kanina a." bulong ko sa sarili.
Ng tinawag na kami ni Mr. Adam ay naglaho na lang siyang bigla.
"Ang weird." sabi ni Mics na naka pulupot ang kamay sa aking braso.
Iniwan na namin ang aming gamit sa loob ng isang kwarto, 'di namin alam na meron palang ganto sa mall. Agad kaming lumabas at pumunta sa mga rides.
"Tara naaa! Excited na 'kong sumakay sa rides, saan tayo unang sasakay guys? Sabi ni Princess na tuwang-tuwa na kala mo'y bata.
"Mauna kana kung saan mo gustong sumakay." wika ni Richard.
Natawa naman kami sa sinabi ni Richard na halatang tuwang-tuwa rin sa sinabi niya kay Princess.
Inirapan ito ni Princess at pinitik ang buhok na kala mo'y long hair.
"Tara na nga." wika ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.
Una naming sinakyan ang surf dance. Una-unahan kami kung sinong dalawa ang sa gitna uupo. Apat kasi ang upuan nito.
"Kami ni Shane sa gitna. "sabi ni Roxanne sa kanila.
"At kami naman sa magkabilang gilid ni Kent at Jeric." wika ni Kent.
Sa likod naman namin ay nakikipag-talo si Princess kay Mics na gustong katabi ay si Richard na crush na crush niya.
Habang biglang nag salita ang isang lalaki."Magsisimula na, paki padlock naman lahat ng inyong seatbelt."
Na tigilan ang dalawang nag aaway ng marinig ang sinabi ng isang lalaki.
At nag simula na nga itong umandar. Natawa ako ng pagkatingin ko salikod ko ay yakap yakap ni Princess si Adrian na pilit na inaalis ang nakapulot na kamay ni Princess sa kanya.
Nakita ko din ang itsura ni Mics na kala mo'y wala lang sa kanya ang nangyayari sa dalawa.
Natapos ang sinasakyan namin na rides at nakapulupot pa rin si Princess kay Adrian.
At ang iba naman naming kaibigan ay halatang nahilo."Dun naman tayo sa isang yon." wika ni Kent at sumangayon naman ang mga kaibigan namin.
"Teka lang guys." napatingin kami kay Richard na napatigil sa paglalakad.
"Eh, kung itry kaya natin muna dun sa horror booth."
Napangiti sila Roxanne at Mics ng makita ang horror booth."Dun nalang tayo guys!" tuwang-tuwa na sabi ni Adrian.
Si Princess naman ay biglang yumakap sa'kin na animo'y takot na takot.Papasok na kami sa horror booth ng biglang pigil samin ng isang lalaking nag ngangalang Daniel.
"Sigurado ba kayo na tutuloy kayo jan?" napatingin kaming lahat sakanya. "One's na pumasok ka sa booth na yan eh, kailangan mong tapusin ito. Kailangan niyong makalampas sa pagsubok ng booth na yan." wika nito na ikinahalakhak ni Kent at Jeric.
"Oo naman pre. Salamat sa pagsabi ng ganyan." wika nilang dalawa.
Napangisi ang lalaking nagsabi sa'min no'n."Well it's your choice." wika ni Daniel.
Papasok na kami ng paglingon ko ay wala na siya.
Nakita ko ang itsura ni Mics at Roxanne na bakas sa mga muka ang excitement ngunit may takot."Sigurado ba kayo dito?" wika ni Princess na takot na takot.
"Just sshh kana lang nandito na tayo eh. " wika ni Jeric.
Ng sumigaw bigla si Princess na may nakitang kalansay na statwa ay nagulat kaming lahat.
"Para kang tanga Princess!" sabi ni Roxanne na mahahalata mong galit.
"Sorry na, nabigla lang. " sabi ni Princess.
Napa-buntong hininga ako.
May nakita sila Mics at Roxanne na kurtina at sa likod no'n ay may maliwanag na ilaw. May nakasulat ito na "goodluck".
Pagbukas ng kurtina ay may nakita kaming isa pang kurtina.
Nakapasok na kaming lahat sa unang kurtina na biglang sumarado ang pinto nito."Aba may pinto pala to ba't may kurtina pa. " wika ni Kent na animo'y natutuwa pa.
Pag pasok namin sa isa pang kurtina ay may isang malaking building na tumambad sa'min. Nakapagtataka na paanong may building ito na nakalagay dito?