PROLOUGE
Abalang abala ang mga tao sa hardin ng bahay ng mga de Asis. Ayos dito, ayos dyan. Ang mga katulong ay abala sa pag-aayos ng lamesa habang ang iba ay abala sa pag-aayos ng iba pang kinakailangan sa party.
"Ito, ilagay mo dun. Dapat nakalagay ng maayos." utos ng ginang sa isang katulong. "Opo." sagot naman nito.
...
**Tok tok**
Busy sa pag-aayos ng sarili si Ress ng may kumatok. At nakita niya ang asawa.
"Ready baby!?" tanong nito.
"I think. I guess I'm done." nakangiting tugon nito sa asawa.
"You look beautiful. As always." papuri nito.
"Sus. Bola." nahihiyang sabi nito. Kahit 4 na taon na silang kasal ay hindi pa rin siya sanay na pinupuri siya ng asawa, na noong hindi pa sila kasal at magkaaway pa sila ay palagi siya nitong inaasar at kinukutya.
"I love you." masuyong bulong nito sabay halik sa noo nito.
"I love you too." masuyong tugon nito.
"Let's go!? Ready na si Mireille. She's excited." masayang sabi nito.
Nakita nilang nilalaro ni Ezekiel ang kanyang kapatid. Tuwang-tuwa naman ang isa. Nilapitan na nila ito.
"Mama, look." tinuro nito si Mireille. "O? Bakit!?"
"Mireille is smiling. My sister is beautiful. Just like her kuya." proud na sabi nito.
"Yes, baby. Mireille is beautiful and my son is handsome just like Papa, right?" sabi naman ni Andrew sa anak na lalaki.
"Maybe. But I'm more handsome, Dad." tawang-tawang sabi nito sa ama.
"Huh! Talaga lang ha!? Okay, let's ask your mom." sabay baling nito sa asawa. "Sinong mas gwapo, ako o siya!?" She gave her wife a please-i-beg-you-look.
"Sorry Dad, but Ezekiel is more handsome than you." nakangising sabi nito sa asawa habang si Ezekiel ay tuwang-tuwa.
"Yehey. I'm more handsome. Mireille, kuya is handsome right!?" nakangiting tanong nito sa kapatid. Ngumiti naman si Mireille habang tumatawa. "Look Dad, she believe her kuya is handsome than papa."
"Hay, okay. You win. Now, let's go. The party will start after 10 minutes. Bumaling ito sa anak na babae na ngayon ay bitbit na ni Ress. "Happy Birthday, Darling." sabay halik sa noo nito.
"Happy Birthday to You, Happy Birthday to You
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday, Mireille."
Masayang-masaya kumain ang mga bisita. Usap dito, usap doon. Kain dito, kain doon. Hanggang sa isang pangyayari na nakapagbago sa lahat. Ang dating masayang party ay nauwi sa sigawan.
"Wag. Please."
"No."
"Please, I beg you."
Sabi nito sa mga naka-itim na lalaki na pumasok sa kanilang pamamahay. Pumunta ang pinaka-leader ng grupo sa mag-asawa. Tinago ni Andrew ang asawa't anak.
"Anong kailangan niyo!?" matigas na tanong nito sa lalaki. "Sorry, pare. Napag-utusan lang." Sabay senyas nito sa tatlong lalaki na kasama nito. Sinuntok ni Andrew ang isa nung tinaka nitong lumapit. Pero naiwasan nito. Hindi na lang namalayan ni Andrew na nasuntok na siya. Tumba.
"Andrew!" napasigaw na lang si Ress. "Ano bang kailangan niyo!?" tanong nito pabalik sa lalaki.
"Hindi po pwedeng sabihin. Utos po." sagot nito. Nabigla din si Ress ng kilala siya nito."Si Tito, siya ba ang nag-utos nito!?" Hindi tumugon ang lalaki. Bumaling ito sa isa pang lalaki, kunin niyo na. Lumapit ang isang lalaki kay Ress, habang ang isa naman ay sa mga anak nito.
"Please, wag niyo silang gagalawin. Kunin niyo lang ang lahat ng gusto niyo wag lang sila." sbi nito habang pumipiglas.
Umiiyak na si Ezekiel at Mireille. "No, don't touch my sister. You old man." sinisikap nitong protektahan ang kapatid pero ano bang magagawa ng isang bata sa isang mamang napakalakas. Naihiwalay na ng lalaki si Ezekiel sa kapatid. Todo na ang iyak ni Mireille.
"Mama." Sabi nito habang umiiyak. "Please, wag niyong kunin si Mireille." Umiiyak na ding sabi ni Mireille. Pero huli na ang lahat. Wala na silang nagawa. Si Andrew na nakatulog na. Tiinurukan ng pampatulog para hindi makahadlang sa kanilang gagawin.
"Mireilleee!" sumisigaw na si Ress. Wala siyang magawa. Napakahina niya. Hindi niya naipagtanggol ang anak. "Mama, si Mireille." umiiyak na sabi ni Ezekiel. Niyakap na lang ni Ress ang anak. "Makikita natin siya, Kiel. Makikita natin siya." bulong nitong sabi.
**
Abala ang lahat. Hindi para sa party kundi dahil sa paghahanap kay Mireille. Laman na din ito ng balita. Being the top rich family in the Philippines hindi iyon maiiwasan.
Lumipas ang isang pang araw, isang linggo, isang buwan. Sumuko na ang mga awtoridad. Wala silang matanggap na lead kung sino ang kumuha kay Mireille.
**
"Mereille, sana okay ka lang. Sana wala silang ginawang masama sayo. Mahal ka ni Mommy." Umiiyak na sabi nito. Niyakap na lang ni Andrew ang asawa.
"Hush. Tahan na. Kung sila ay sumuko, hindi tayo. Hahanapin pa rin natin siya, Ress. Hindi ako papayag na hindi natin makikita si Mireille."
Mahahanap ka rin namin Mireille, anak. Pangako. Bulong nito sa sarili.
--
Sorry for typos, sa wrong spellings, sa grammar. ^_^