This whole damn situation started out of boredom but ended up in heartbreak. I have been a jerk and because of that, I lost someone special to me. Someone who stayed by my side no matter what happens. Someone who loved and cared for me. Someone that I loved and will love, but is now long gone.(Flashback)
I’m so bored.
Kakatapos lang soccer practice namin and we have nothing more to do. We decided to stay at the field for a while para magpahinga at saka tumambay na rin. We were just sitting there and talking until our topic drifted to crazy stuffs like bets. Hindi na ko sumali sa kanila. Instead, I just listened and laughed with them. Napansin naman ng mga kaibigan ko ang pananahimik ko and they said that I’m such a killjoy. Dapat daw sumali din ako. I don’t have a choice so I did. Tinanong ko sila kung anong pagpupustahan namin. Nagkatinginan naman sila and smiled evilly with each other. Sinabi nilang kailangan mapasagot ko at maging girlfriend ang isang Shaila Noreen Vasquez.“Sino yun?” nagtatakang tanong ko naman sa kanila.
“Hindi mo kilala yun, pare?” hindi naman makapaniwalang tanong ni Shawn.
“Hindi” sagot ko naman sa kanya.
Pinakilala niya naman kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Classmate pala namin yun.For three F*cking years. Ang nakakapagtaka, bakit hindi ko alam? Matalino daw. Laging dean’s lister. Nagpapasa ng projects one week pagkatapos binigay ng mga prof namin. Weird! Mahiyain din daw masyado. Loner, kumbaga.
“Oh, ano namang problema dun? We all know that no woman can resist my charms” natatawa kong sabi at nag pogi sign.
“Naku! Iba to pare” ani nito at tinanong ko naman kung bakit iba ang isang to sa ibang babae. What makes her challenging?
Kasi daw, loner na nerd ito at hindi pa nagkaka-boyfriend. That makes her challenging. Ilag ito sa mga lalaki. Kailangan mapa-oo ko siya within a month and if I fail, he’s going to take my car. But if I win, I get to have his yacht. Cool, right?I spent three days, watching and observing that girl. Her life is so boring. School, library at bahay lang ang lagi niyang pinupuntahan. No friends and no social life. My total opposite. I don’t think I can do this but I should try. Babae pa rin naman siya. And no one has ever resist my charms.
“Hi, Noreen” bati ko sa kanya habang nagbabasa siya ng libro sa ilalim ng puno ng narra malapit sa field. Tumingin naman siya sa akin tiningnan niya ako na para bang may dalawang sungay na nakakabit sa ulo ko. I just flashed my killer smile showing my perfect set of pearly-white teeth. Pero kumunot lang ang noo nito.
“Hi, I’m Jake Perez” at nilahad ko ang kamay ko sa harap niya. And again, tiningnan niya lang ito. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.
“Kilala kita. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ka narito at bakit mo ko kinakausap?”tanong nito sa kin. Ngayon ko lang siyang narinig magsalita at ang ganda ng boses niya. Nag-smile ulit ako at sinabi kong magiging partner kami for the project sa isang subject namin. Thanks to Shawn, malakas ito sa isang babaeng prof namin kaya pumayag ito sa hiling na Shawn na pagpartnerin kami nitong si Noreen.
Habang ginagawa namin ang project namin ay sinimulan ko na rin ang plano namin. Natapos namin ang project namin within a week pero nagpatuloy ang pagiging magkaibigan namin. I also told her na liligawan ko siya. Noong una ay hindi siya makapaniwala, pero dahil papasa na akong maging artista at idagdag pa ng charms ko ay napaniwala ko na rin siya.
It was the last of our bet at ngayon ko rin tatanungin si Noreen para maging girlfriend ko. Nghanda ako ng surprise. Isang dinner date sa isang mamahaling restaurant. At gaya nga ng sinabi ko, walang babaeng nakaka-resist sa charms ko. She said ‘yes’ to me.
Nahirapan din ako ng kaunti dahil kailangan kong tiisin ang pagiging cheesy. Nagbigay ng chocolates, flowers at stuff toy pati na rin panghaharana ay nagawa ko na. And for the record, hindi ko pa nagawa ang mga ito sa ibang babae dahil sila ang naghahabol sa kin. But it was worth it dahil nasa akin na rin sa wakas ang yacht ni Shawn.