Good Bye Babes [one shot]

60 1 0
                                    

Guys hindi ko po ito story, nakita ko lang po ito sa facebook ( Bakit Bestfriend Ko Pa :''( ), gusto ko lang po i-share, kasi po super nakakaiyak lang po.

Boy: Hi baby!! Kamusta ka na? Ang saya saya ko

ngayon!!

Girl: Teka lang text ka na lang mamaya. Busy ako kasi sa thesis namin.

Boy: Ehh mamaya na yan baby. Usap muna tayo. Miss na kasi kita ehhh.

Girl: Kailangan ko ngang matapos to, kasi nga malapit na ang due nito.

Boy: Sige na baby, minsan lang naman ako man lalambing ng husto eh. Gusto kita makasama

ngayon, ipagpabukas mo na lang yan. Please?

Girl: Ano ba kase?! Bigyan mo naman ako ng oras sa sarili ko oh?! Hindi mo ba naiintindihan?! Project ko to! Thesis namin!! PWEDE BA? ORAS NAMAN!! HINDI NAMAN IKAW LAGI SAYO IIKOT ANG MUNDO KO!! WAG MO NGA MUNA AKO ITEXT!!

Boy: Sorry baby. Mahal na mahal po kita. Sige po.. Sorry.. Text na lang kita mamaya.

Boy: Hi baby, hindi ko matiis na hindi ka itext. Gusto ko po talagang makausap ka. Gusto ko maging masaya ulit.

Boy: Hi baby, hindi ka parin nag rereply.. Kamusta na po thesis mo diyan?

Boy: Baby... Di ka pa rin nag rereply.. Nag aalala na po ako sayo.

Boy: Baby 10pm na... Dalawang Oras ka ng hindi nag rereply sakin, ui miss na po kita. I love you

po.

Boy: Uhm baby.. I love you. Sana po ok ka lang diyan. Andito lang ako palagi, malapit na kitang laging makasama.

Girl: Diba sabi ko sayo mag tetext ako sayo pag tapos na ko dito sa THESIS ko?! Hindi mo ba naiintindihan yun?!!? Ano bang mahirap sa BUSY at hindi mo maintindihan?! Parang wala ng bukas eh. Ang OA mo naman! Pwede ba?! Matulog ka na lang!

Boy: Sorry baby.. Ok po.. Goodnight po sayo. I love you.. Mag iingat ka palagi, lagi kitang babantayan. Andito lang ako, hindi ako mawawala sayo.

(Kinabukasan)

Girl: Baby, gising na po. Sorry po kagabi sa mga nasabi ko. Busy lang talaga ako. Kain ka na po, papasok na ako.

Girl: Gising ka na, papasok ka na. Text mo ko pag gising mo.

Girl: Ui, bakit hindi ka pa nagtetext. Break na namin. Pumasok ka ba? Wala ka bang load? Ui... Text naman.

Text Ng Mama Ng Boy: Anak.. Iniwan na niya

tayo.. Iniwan na ko ng anak ko at iniwan ka na rin

ng kasintahan mo. Iniwan na niya lahat ng mahal

niya sa buhay. Nasabi ba niya sayo na may taning

ang buhay niya? Ngayon ang pangatlong taon na

ibinigay ng doktor sa kanya, akala namin hindi

totoo, wala naman kasi makakapagsabi ng buhay

ng isang tao. Pero nagulat kami, hindi na rin

kinaya ng puso niya. Ginigising namin siya

kaninang umaga, hindi na siya nagigising. May

huling text pa nga sayo, na hindi na send ito ang

sabi niya sayo anak "Mag-iingat ka palagi,

masaya ako sa pupuntahan ko, huwag kang iiyak.

Pasensya hindi ko sinabi sayo, ayaw kong

ipaalam sayo dahil ayaw kong mamroblema ka sa

kalagayan ko, pati sa thesis mo, ayaw kong

dumagdag. Hindi ko alam kung swerte pa kong

sisinagan ng araw bukas. Araw-araw akong

nagdadasal na sana bigyan niya ako lagi ng araw

para makita ka, araw para makasama ka,

sobrang mahal kita. Sayang, yung huling araw ko

dito di man lang kitang nakausap. Pero

naiintindihan kita. Baka nga naman ikabagsak mo

pa yan. Sorry talaga. I love you baby, promise

me. Magiging matatag ka. Nasa tabi mo na ako

ngayon."

True story daw po yan eh. Hope you liked it :'( :'(

Take Note: hindi ko po ito story.

Good Bye Babes [one shot]Where stories live. Discover now