Toot~~~Toot~~~Toot~~~
Ilang araw ng commatose si MoniqueAko nga pala si Kim Dela Fuente. Ako ang BFF ni Monique, Monique Concepcion. ngayong taon nasa 3rd Year High School na kami. Isa akong malaking babae! as in MALAKI talaga! sabihin na nating David and Goliath kaming dalawa ni Monique. Ako c Goliath at sya si David. Mas malaki pa ako sa nanay ko.
Grabe, naiiyak talaga ako sa tuwing nakikita ko kung anong kalagayan nya ngayon. Hindi ako sanay ng nandito sya, sa isang puting kwarto, punong puno ng mga gamot at may nakatusok na hose sa kamay nya. Sanay akong nakikita syang laging nakangiti at lagi akong binibigyan ng pas-asa. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao, bakita kailangan sakanya pa mangyari ito!
Masakit sakin makita sya ng ganito ang kalagayan. Kahit na ayaw kong nakikita syang ganito ang kalagayan, pinangako ko sa sarili ko na pupuntahan ko sya araw-araw! aasa ako na magigising din sa balang araw at handang bigyang liwanag muli ang buhay ko!
Naging magkaklase kami ni Monique since grade 4. Pero dahil na rin sa katahimikan nya, at may iba pa akong close friend nung time na yun. Kaya hindi kami naging ganun ka lapit sa isa't-isa.
Tuwing recess at lunch, lagi kong nakikita si Monique na tumutulong sa mga panghapon na section sa pag akyat ng mga bag nila sa rampa.
Nung tumuntong na kami ng Grade 5, naging last section ang close friend ko na si Aileen. So kailangan kong mag adjust. Pero sa katunayan, nung hindi ko na naging kaklase si Aileen, Grabe! laking kaginhawaan saken nun, dahil sa tuwing may pinapa assignment samin or kahit quiz, lagi nya kong kinakalabit para lang mangopya. Ngayong school-year medyo naging close ko si Monique.
One time tinanong ko si Monique. sabi ko:
Kim: Monique, bakit ang tahitahimik mo. Na trauma ka ba?
Monique: trauma? hindi ako na trauma. Honestly, nde ko rin alam eh. Basta alam mo ba nung grade 2 ako may naka service ako, Pangalan nya Paulo. Grabe, ang HYPER nung taong un. Parang na poposses na ewan! Pero sa maniwala ka man at sa hindi nung grade 3 ko lang sya nakilala kasi naging ka klase ko sya. Kasi pag nasa service, as in Totally WALA talaga akong kinakausap.
Kim: Paulo? as in Paulo Fariolan? yung naging kaklase natin nung grade 4 tayo?
Monique: Oo sya nga!
Kim: Lufet mo teh'
Nung mga oras na yun, sabi ko sa sarili ko. Grabe! ano sya pipe o bulag?! ni hindi manlang nya kinikibo yung makulit na yun. Pero kung sa bagay. Napaka mahinhin kasi ni Monique. Kaya siguro naging close sila nung isa pang tahimik at lagi pang binubully sa room namin, si Louise
Grade 6. Naging ka klase ko ulit si Monique. Lumipat ng eskwela yung kaibigan kong c Aileen. hayahay ang buhay! Pati pala ung bestfriend ni Monique na c Miel lumipat ng eskwela. Kaya heto kaming dalawa, Forever Alone. Naging kaklase ulit namin ni Monique c Paulo. Magkakatabi kaming tatlo sa seating arrangement. Grabe, first day of school palang PROJECT na kagad! WAGAS talaga yung teacher na yun! tapos may kung ano ano pang pinapagawa. may nalalaman pang by partner-partner para dun sa project! nakakairita lang talaga yung teacher naming yun sa bangs ni Dora. unexpectedly, kaming dalawa nalang pala ni Monique ang walang kapartner, so ano pa nga bang choice ko, mag iinarte pa ba ko?! eh okay rin namang kasama to si Monique eh! maaasahan naman sya. ang akala ko magiging partner lang kami tuwing subject ng filipino, pero ang hindi ko inaasahan ay magiging "PARTNERS IN CRIME" ko sya.
Tatlo lang kaming laging magkakasama, si Monique, si Paulo at ako. Lagi kaming tahimik. At halos kaming tatlo lang ang laging naguusap, kaya ang akala tuloy ng mga kaklase namin, weirdo kami. Kaya hindi ko maikakaila na talagang naging close kaming tatlo sa isa't-isa.