chapter 2-when love begins

102 11 2
  • Dedicated kay Millefeuille Miel
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Lumabas na kami sa secret place "daw" ni Ales. Sa main entrance na kami dumaan at hindi doon mismo sa likuran ng school. Sus, meron din palang lagusan na hindi mahirap daanan. Konektado pala ito sa garden ng school. Tamang tama na lunch narin namin kaya dumirecho na kami sa cafeteria.

" bes anong sayo? maghanap ka na lang ng table para di kana mahirapan. Ako na lang mag oorder ng mga kakainin natin. Nga pala, sasabay satin si Sophia." napasimangot na naman ako ng marinig ko ang pangalan niya. Ba't ba hindi niya ako makita hindi bilang isang bestfriend niya.

" ok lang naman sakin. Sige hahanap muna ako ng table natin : umalis na ako para maghanap ng vacant table. Martyr na siguro ako. Pero kailangan.

Umupo ako sa part na medyo walang tao. Nakayuko lang ako at pilit na inaalis sa akng isipan ang mga alala namin ni Ales. Hindi dapat ako magkakagusto sa kanya dahil may iba na siyang mahal pero ba't ganito? kahit anong pilit kong kalimutan siya mas lalo lang akong napapamahal sa kanya. Malaking gulo ito kapag itutuloy ko pa. Mas lalo lang akong nasasaktan dahil sa pinanggagawa ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namlayan na nasa harap ko na pala si Ales. Hindi lang pala siya, kasama niya pa si Sophia.

Nakangiti ito sakin pero alam ko na peke lang iyon. Kahit kailan naman kasi e hindi kami naging mag kaibigan dahil sa ugali nito. She treat me as rival dati pa. Ewan ko ba sa kanya eh.

" oh bes tulala ka diyan? "tanong nito sakin sabay lapag ng dala nitong tray. Binigay niya sakin ang kanyang inorder na vegetable salad. Hindi kasi ako ahili kumain ng mga meat.

Umupo ang mga ito sa harapan ko at nagsimula nang kumain. Nakatitig lang ako sa kanila habang kumakain ang mga ito. Subuan, pahid ng mga sauce sa gilid ng labi. Dapat matagal na akong nasa ganyang posisyon.

Naiinggit ako sa tuwing nakikita ko silang masaya at ako hindi. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nasa harap ko sila. Kahit kailan hindi ko masabi kay Ales na mahal ko siya dahil alam kong lalayo ito sakin.

Natatakot akong mag-isa na lamang sa buhay. Nawala na sakin si mama. Ayokong mawala rin si Ales sakin. Hindi ko kaya kung wala siya.

" bes, ok ka lang?? " nagising ako mula sa pagkakatitig ko sa kanila. Nakatingin ang mga ito sa akin. Si Ales naman halatang nag-aalala samantala si Sophia naiinis.

Inayos ko na alng ang aking pagkakaupo at nginitian sila.

" ok lang ako. Madami lang akong iniisip. " sabi ko sa kanila at nag simula ng kainin ang aking pagkainin. Tumango na lang si Ales. Binilisan ko na lang ang pagkain para makalayo na sa kanilang dalawa.

" uhmm. una na ako. Meron pa kasi akong tatapusin na papers " paalam ko s kanila. Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Ales. Kinilig ako sa anyang ginawa ngunit di ko ito pinahalata sa kanya.

" sama na tayo. Patapos narin kami ni Phia eh " mag-aayos na sana siya ng gamit ng pinigilan naman ito ni Phia. Napainis ako sa ginawa nito.

" babe, diba sabi mo tutulungan mo ako sa mga assignments ko? you promised. " nag alanganin naman si Ales kung sino sa aming dalawa ang pipiliin niya. Lahat na lang ba ng oras ako na lang palagi ang magpaparaya? Hindi ba pwedeng ako naman ang maging masaya?

" ok lang Ales kung hindi mo ako samahan. Kaya ko naman sarili ko eh. Turuan mo na lang Sophia sa mga assignments niya. " sabi ko sa kanila sabay talikod. Kasabay non ang pag-uunahang pagpatak ng aking mga luha dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Umalis ako sa school dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang nakikita ang mahal ko na merong mahal nang iba. Tinext ko na lang si Ales na hindi na ako makakapasok sa next class dahil may emergency sa bahay. Sinabihan ko na lang ito na siya ng bahalang mag sabi sa mga guro namin. Mabuti na lang at wala na itong maraming tanong sakin.

Silent LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon