Chapter 12 [Hearts and Minds]

31 1 0
                                    

Junjee's Note:

Sorry kung matagal-tagal akong hindi naka UD. May summer pa kase ako eh. Para sa pasukan for 4th year. Sorry talaga readers, sana hindi kayo magsawa o nagsasawa sa story ko'ng 'to.

Thank you >3

Mwach!

*******

Chapter 12 - Hearts? Or Minds?

Kris's POV

"Pokpok? Tapos ka na ba diyan?"-mamaw

"Naku naman!! Hindi pa nga eh, sabi. Tsk." ang kulit talaga nang mokong na to.

Ako ang nauna sa CR eh, tapos arrrggghhh!! >___<

Ayoko na talagang makasama ang halimaw na to.

"Dalian muna kase diyan. Ihing-ihi na ako"- siya

"Haaaayyy!! Nagliligo pa nga ako eh, intindi?" alangan naman eh s-stop ko ang pagliligo ko? Hindi pa nga ako naka pag shampoo.

Kase naman ang laki nang bahay nila pero iisang banyo lang naman?

Tsk. Buhay nga naman oh!

"Dali na kase. Arggghhh!!" sabi niya na halatang ihing-ihi na talaga.

"Sige na nga, naaawa ako sayo eh. Pero HOY! Bago ako lumabas nang banyo. Tumabi ka diyan at lumayo ka. Baka kung anu na naman kase ang gagawin mo sakin na ka manyakan!"-ako

"Hoy! Mahiya ka nga sa sinasabi mo. Feeling mo naman. Tsk. Wala naman ako'ng makukuha diyan eh. Walang kurba!!"-siya

Pagkasabi niya nun parang uminit ang dugo ko. Parang gusto ko siyang patayin at kagatin. Ha! Ewan ko ba, bakit ngayon lang to nangyari sakin??  >_<

.

.

.

.

Lalabas na ako nang banyo nang walang suot na damit kundi naka towel lang ako. Kahiya!

"Oh. Ayan na huh? Siguro naman maka ihi ka na. Tsk. Kaawa ka kase eh"-ako

"B-bakit yan lang ang suot mo?" sabi niya na parang kinakabahan. Bakit?

"Bakit? Masama ba?" pataray kong sabi. Aba! Pakialam niya sa buhay ko.

Tumalikod na lang siya at umalis sa harap ko. Tapos may sinabi pa siya eh. Hindi lang ako sigurado.

Oo. Masama. Baka ilang minuto lang tuluyan na akong magmahal.

.

.

.

Jacob's POV

Dug♥ Dug ♥

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ko siyang naka towel lang. Ewan ko kung bakit. Pero sng bilis bilis talaga. Akala ko nga ilang segundo lang lalabas na ang puso ko.

Mabuti pang tawagin ko Rein dahil sa nararamdaman ko'ng ito.

Hindi ko na talaga kaya. Hinding-hindi na. Suko na ako. Sabi ko sa sarili ko.

Dial 09********

Ako:

Dre, hindi ko na talaga kaya ang ipinapagawa niyo sakin. Tama na 'to.

Rein:

No. You can't do that. Dare is a Dare. So, you have to do it. Or else, ikaw ang matatalo.

Me:

Wala na bang ibang paraan pa?

Sana meron. Sana. Heto talaga ang pinagsisisihan ko sa buhay ko.

Rein:

No, there's no other way. Okay, bye.

Bestfriend ko ba ang kinakausap ko ngayon? Akala ko ba naiintindihan niya ang nararamdaman ko?

Si Stefen kaya?

Ah. Wag na. May problema na nga yung tao. Dadagdagan ko pa.

Naku naman! Bahala na nga.

.

.

.

.

Kumatok ako sa kwarto ni Kris. Kailangan ko 'tong gawin. Ngayon na!

Kaya umayos ka Jacob. Umayos ka. Sabi ko sarili ko.

"Pokpok? Tulog ka na ba?"

Pero wala pa ring sumagot galing sa kanya.

"Hoy, pokpok!! Tulog ka pa ba?"-ako

"Masyal muna tayo oh, please. Bored na kase ako rito at wala rin ako'ng pwde makasama sa ngayon." malungkot ko'ng sabi.

Ilang saglit lang, bumukas yung pinto pero walang Kris na nakita ko kundi pintong bumukas.

Pumasok ako kahit walang pahintulot sa kanya. Chance ko na 'to para maka 2 points na ako.

Nakita ko siyang naka higa at tulog na tulog.

Ang ganda pala niya pag sa malapitan kaya nga kanina nang nakita ko siyang na ka towel lang dun ko na realize na ang sexy pala niya.

"Hmmm... H-hindi. H-hindi kita mahal." aba! Nanaginip pa ang pokpok.

Aalis na sana ako nang may naisip ako. Kumuha ako nang ballpen at papel.

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos nun, bumalik ako sa kwarto. Haaaaay, Ang gulo talaga nang isip ko, sheda!!

Alam nang puso ko kung kanino ito tumitibok at ngayon alam ko na kung sino. SIYA! ANG UNANG BABAENG TUMIBOK NANG GANITO KABILIS ANG PUSO KO.

P-pero..

Sabi naman naman nang utak ko.

Wag mo siyang mahalin. Iyan ang makakasira sa gagawin mo. Tandaan mo yan!!

Arrrggghhh >_<

Letsing buhay naman ito oh! Kung kailan pa TUMIBOK ANG PUSO KO. Doon naman TUTOL ANG ISIP KO.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Anu ba ang pipiliin ko?

PUSO KO? o ISIP KO?

.

.

.

Ah! Bahala na si Lord God sakin.

******

Next Chapter:

Chapter 13 ( Nightmare )

Ms. Lesbian turns into Beautiful HotChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon