Prologue

9 1 0
                                    

Chinito

"I want to join in an organization too, Gee. Gusto ko kasama ko kayo ni Asher,"bulong ko sa best friend ko na si Nathan.

Freshmen acquaintance party ngayon kaya nasa auditorium kaming lahat na freshmen nang college of Engineering.

"I'll try, Gee, 'di kasi sila nag-aaccept ng kung sino-sino lang. They choose those who are qualified to be recruited,"pabulong din na sagot ni Nathan.

"Ouch ha?! Basta, promise me na gagawan mo ng paraan na makasali ako ha?"

"Oo na! I'll talk to Kuya Karl," napipilitang sagot niya.

Na-excite naman ako sa sagot niya, "Siya ba ang president?"

"Nope. Siya yung team leader ko. Yung kay Asher naman is si Kuya Mon. You'll be in a team also kapag nakapasok ka na."

Hindi na ako nakasagot dahil tinawag na ang block namin para sa aming intermission number. Hindi naman ako binigo ni Nathan because the next week after that he introduced me to Ate Ruth.

"Gee, this is Ate Ruth. You're gonna be under her team,"pagpapakila ni Nathan sa kasama niyang babae na mukhang 2-3 years older than us. She was pretty with curly hair and chinky eyes under those glasses.

"Ate, this is Elisha, my classmate," baling naman ni Nathan sa kasama niya.

"Hi po, Ate Ruth," nahihiya kong bati nang iniwan na kami ng kaibigan ko. Nakakaintimidate kasi ang presence ni Ate Ruth.

"Hi, Elisha! Sabi ni Nathan na gusto mo daw sumali,"nakangiting sabi ni Ate Ruth. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

"You're from the college of Engineering, right? My brother's from there also, baka kilala mo. You're batchmates, eh," she added. Mukhang seryoso lang pala siya pero madaldal din kapag nakausap mo na.

"What's his name, Ate?"tanong ko na pilit pinapantayan ang enthusiasm niya sa kwentuhan kahit na medyo kabado pa ako deep inside.

"Vin Madrid. Actually Vicente Madrid ang real name niya, he just likes being introduced as Vin, para gwapo pakinggan," mahaba niya pang sagot sa tanong ko.

"I'm not familiar with his name. Maybe, he's not from our block," I said, trying to remember the names ng mga blockmates ko na nasaulo ko na dahil sa paulit-ulit na 'Introduce Yourself' activity noong first week ng klase.

"Irregular student kasi siya, baka sa ibang subjects lang kayo magkaklase. Nathan said na classmate ninyo ata sya sa Drawing. Pareho kasi silang Civil Engineering ang major." And Nathan failed to share this information with me?

Pilit kong inalala ang mga nakasalamuha ni Nathan behind my back,"Ah! I think siya yung chinitong katabi ni Nathan." I remembered that suplado looking guy na katabi ni Nathan noong drawing class namin. I could finally see the resemblance. In all fairness, good genes. Pareho sila ni Ate Ruth na maputi at makinis. They both have curly hair and chinky eyes. I wonder if they are half-Koreans pero parang tunog Pilipino naman ang last name nila. "Hindi ko agad nakita yung pagkakahawig ninyo," dagdag ko pa.

The next weeks after that, Ate Ruth and I usually met during my vacant. I enjoyed being busy during the afternoon and I got to spend it with my friends since we were in the same organization.

"Parang nagsisisi akong nag-engineering ako. Minors pa lang ang hirap nang igapang ang grades ko." parang naiiyak kong reklamo sa dalawang bestfriends ko.
Kakatapos lang ng major exam namin sa Trigonometry noon at nagpaiwan pa kaming tatlo sa classroom para magkuwentuhan tungkol sa naganap na kalunos-lunos na exam.

"Ako nga, pinilit ko pa ang parents ko na dito ko gustong mag-aral sa city. Education sana ang gusto nilang kunin kong kurso." saad naman ni Nathan.

"Saan ba kayo nahihirapan? Sa Trigonometry?"tanong ni Asher.

Sa aming tatlo, si Asher ang pinakamasipag mag-aral at pinakamasayahin sa amin. Nakilala at naging kaibigan namin siya ni Nathan dahil sa isang library work noon.

Habang kami naman ni Nathan ay unang nagkakilala dahil friendly siya at nagkataong nagkasabay kami ng daanan pauwi sa kanya-kanyang dorm noong first week pa lang ng freshmen year. Naging 'Gee' ang bansag ko sa kanya dahil sa akala ko noong una ay binabae siya. Hindi naman siya nagalit bagkus ay tinawag niya rin akong 'Gee'.

Pareho kaming tatlo na university scholars kaya mas naging malapit pa kami dahil magkakasama kaming mag-aral. Mas tumatag pa ang aming pagkakaibigan dahil sa pareho kaming galing sa probinsya kaya ang isa't isa ang naging sandalan.

I eventually had to quit in that organization because I had to focus on my academics. I have an average to maintain for my scholarship and Ate Ruth was so kind to understand my situation.

"Na-miss ko kayo, guys!"bungad ko kina Nathan at Asher. Second semester na at by majors na ang sections. Civil Engineering student si Nathan at ECE naman si Asher. Wala naman akong masyadong close pa sa mga kasamahan ko sa Chemical Engineering.

"Isang building pa rin naman tayo eh!" natatawang sabi ni Asher.

"Kahit na, yung iba dyan may iba nang best friend."parinig ko kay Nathan.

Dahil magkakaiba na kami ng schedule, tuwing after class nalang kami nagkikitakita. Si Nathan naman at Asher ay magkasama sa dorm kaya doon kami tumatambay tuwing vacant gaya ngayon.

Sa aming tatlo ay mas palagi kong nakakasama si Nathan dahil masyadong masipag mag-aral si Asher kaya palaging busy. It was lunch time pareho naming vacant ni Nathan when he texted me na sabay kaming maglulunch at may kasama daw siya.

I had an idea kung sino ang isasama niya dahil recently ay siya ang palaging naiikwento ni Nathan sa akin. Nang nakita ko na silang papalapit sa table namin ay nakumpirma ko na tama ang hula ko.

"Himala, Gee, ikaw ang naunang dumating. Excited?"bungad agad ni Nathan sa akin. "By the way, Gee, this is Vin. Yung brother ni Ate Ruth, remember?" pagpapakilala niya sa kasama niya.

Mas matangkad siya kay Nathan at agaw pansin naman talaga ang nakakainggit niyang kutis. Para silang kape at gatas kung magkatabi. Chinito at pinkish ang lips kaya mas lalong nakakainggit. He had this snob aura kaya nailang na akong titigan pa siya.

Well, he was kinda cute.

UncalculatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon