Kamusta ka na?

112 5 0
                                    

para po ito sa mga taong nabroken hearted. this one's for you

(NOT EDITED)

~F.Y~

---

Ano nga bang pinakamasakit na break up? Yung taong mahal mo talaga na di mo kayang iwan at talikura? Yung nararamdaman mo, the way you felt wanted, the he tells you that you are beautiful and suddenly you are, the way you felt like for the fist time, someone actually wants to be with you, loves you and need you? Yun bang mga taong nakaclose mo habang kayo pa? or yung memories nyo?

Ilang oras ka na bang umiiyak? Isa? Dalawa? Tatlo? Buong maghapon? Ilang araw ka ng hindi kumakain? Ilang araw ka ng hindi makatulog? Ilang araw ka ng hindi makausap ng maayos? Ilang araw ka ng tulala? Ilang araw ka ng hindi makatulog sa gabi?

Ang sakit pala noh? Kapag iniwan ka ng taong pinagkatiwalaan mong hindi ka iiwan. Kapag yung pangako niya, biglang napako. Yung tipong kahapon anjan pa siya tapos ngayon paggising mo wala na. Hindi mo alam kung bakit. Hindi mo alam kung papaano. Hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Kung anong nangyare, kung bakit ka niya iniwan. Gusto mo pang maayos. Gusto mo pa siyang balikan.Pero ayaw niya na ehh. AYAW niya na. AYAW na niya SAYO.

Ang sakit, lalo na kung biglaan. Yung tipong hindi mo inaasahan. Nakatatak pa rin ba sa isip mo? Kung paano niya tinalikuran lahat? Ang bilis niya bang umalis? Di mo manlang nalaman na mawawala siya, di niya manlang ba dinahan-dahan para nakapaghanda ka? Di ka siguro sanay ng biglaan ano? Hiniling mo ba na sana dahan dahan nalang nawala?

Ang sakit pala. Naniwala ka kasi agad sa mga salita nyang... "PROMISE hindi kita IIWAN kahit anong mangyare." o di kaya "Promise di ako magsasawa sayo" Ang sakit pala noh? Promise, Promise, Promise. Tanginang promise yan!!! kaya ikaw, oo ikaw na nagbabasa, Sa susunod, wag kang umasa pag pangako lang ang pinanghahawakan mo.

Nadisappoint ka ba? Nagexpect ka kasi. Mataas kasi ang expectations mo sa kanya. Kaya nung iniwan ka niya, ayan Nadisappoint ka lang. Kasi hindi mo akalain na magagawa niya sayo yung bagay na sinasabi niyang hinding hindi niya gagawin. Nahihirapan ka na ba ulit magtiwala? Magmahal ulit? Ayos lang yan. Sa una lang yan.

Ikaw kasi, naniwala ka agad, sa sabi nilang  iba siya. Bakit hindi mo muna kasi siya kinilala? Ngayong wala na kayo? Nagsisisi ka ba? WAG!. Pointless kung pagsisisihan mo ang isang bagay na ginusto mo din naman.

Ngayon, andaming tanong na bumabagabag sa utak mo. Minahal ka ba niya talaga? O hindi niya lang gusto maging mag-isa? O siguro, masyado kang mabuti para sa ego niya? O kaya naiparamdam mo sa kanya yung mga gusto niyang maramdaman, pero minahal ka ba niya? gaano ka kasigurado?  You don't destroy people you love. Kung talagang mahal ka niya, ipinaglaban ka niya. Kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan. Kung talagang mahal ka niya, di ka niya iiwan. Siguro nga, MINAHAL  ka niya. MINAHAL. past tense, MINAHAL.

Galit ka ba sakanya? Hindi noh? Gusto mo magalit pero hindi mo magawa. Masyado ka kasing mabait. Ayan tuloy, inabuso ka. Ang galing ng mga lalake noh? Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes. Pusatahan tayo, sinisi mo sarili mo no? Na ikaw ang may kasalanan. Hindi ikaw, kayong dalawa. Siguro may pagkukulang ka, pero siya din naman sayo, hindi ba? Hindi mo manlang na isip na mas madaming better sakanya pero siya ang pinili mo at iniwan ka niya para mas pumili ng mas better. Nakakagago ba?

Iniisip mo pa siya noh? Kung okay lang ba siya, kung kumain na ba siya, kung anong ginagawa niya, Kung malungkot ba siya o masaya, kung nakamove-on na ba siya, kung meron na ba siyang bago o ikaw pa rin ba, Ang unfair naman sayo nun, ikaw ba, iniisip niya? Iniisip niya ba kung okay ka lang? Kung kumain ka na? Kung anong ginagawa mo? Kung malungkot ka ba o masaya? kung nakamove-on ka na ba? Kung may bago ka na ba? HINDI. Kasi wala na siyang pakialam sayo.

Kamusta ka na? Ayos ka pa ba? Siguro kung nabasa mo 'to at nasaktan ka, hindi pa. Pero ayos lang yan. Magiging okay ka din, Hindi naman minamadali yan. Darating din yung time na mapapagod ka din. Maiisip mo din na tama na, tama na. Siguro sa ngayon, hindi ka pa handa magmahal ulit, magtiwala ulit. Syempre, nasaktan ka eh. Pero maniwala ka sakin. Merong dadating sa buhay mo na magpapaniwala ulit sayo. Hindi nga lang ngayon, wag mo nang hintayin. Hindi yan hinihintay, kusang dumarating yan. Darating din yan sayo, at makakalimutan mo siya. Darating din sayo, na hindi talaga kayo para sa isa't-isa . Tandaan, kapag may umaalis, may dumadating na mas better. God doesn't give you the people you want, he gives you the people you need. To help you, to hurt you, to love you, to leave you, and to make you the person you were meant to be. Sa susunod na tatanungin kita kung kamusta ka na, dapat okay ka na ha? Dapat di ka na iiyak, dapat kapag binasa mo ulit 'to, di ka na nasasaktan, dapat tinatawanan mo nalang.

O siya, Kamusta ka na ba?

Masaya ka ba?

Malungkot?

Namimiss mo na siya?

Nagsisisisi ka pa ba?

Nakamove on ka na ba?

Nagmomove on?

Magmomove on?

Kamusta ka na?

Naka usad na siya, Dapat ikaw din

Kamusta ka na?

----

©2014

-ForgottenYou17

Kamusta ka na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon