Break Time

230 9 11
                                    

Dahil break time na pumunta muna kami ni Kier sa canteen para bumili ng snack, habang naglalakad kami ay na pansin namin ng kambal ko na halos lahat ng studyante sa hallway ay nakatingin samin kasi nga kambal kami.

Mga naririnig namin sa bibig nila ay ang mga salitang "Uyy, ang cute naman nila" "Ang pogi naman" "Kambal sila?" "Ano kaya pangalan nila" "Ang cute talaga nila" "Anong section sila" 

Hindi naman sa pag mamayabang pero sobrang saya talaga namin ng kambal ko kasi maraming nakaka appreciate sa ka gwapohan namin, gwapo naman talaga kami sabi ni mama at papa at yun kasi ang kadalasan naming naririnig sa bibig ng mga taong nakakakita samin. hehehe at ang saya lang namin kasi maraming gustong makilala kami at yung iba gusto makipag kaibigan sa amin ng kambal ko at sobrang sarap talaga sa feeling pag may kambal kasi nga ang bilis namin ma pansin dun sa school kasi nga iba kami sa kanila kasi kambal kami.

Nung nasa canteen na kami para bumili ng snack biglang may dumaang babae sa harap namin ng kambal ko na sobrang cute, chinita at maputi, basta ang ganda talaga niya at ang cute niya mag salita kasi may binili rin kasi siya sa canteen at narinig namin ang boses niya! Na love at first sight agad kami ng kambal ko, kasi yun pa naman ang hinahanap namin ng twin ko sa isang babae.

Pag tingin ko kay Kier nakatulala na lang siya kaya binatukan ko siya...

"Hoy! Ano na nangyari sayo para ka yatang nakakita ng multo." -Kevin

"Hindi multo ang nakita ko, isang anghel na bumagsak sa lupa." - Kier

"Sino? Yung babae na dumaan sa harap natin na chinita?" - Kevin

"Oo! Oo! Siya nga, bakit? di ka ba nagandahan sa kanya?" - Kier

"Ako? Syempre na gandahan ako sa kanya sa sobrang ganda niya ay parang napa slowmotion ang mundo." - Kevin

"Unggoy, diba yun ang hinahanap natin sa isang babae?" - Kier

"Oo, Ano ngayon?" - Kevin (Di ako nagpahalata sa kambal ko na nagustohan ko yung babae na yun kasi gusto ko na ako ang unang makakilala sa kanya)

"Anong ano ngayon! Dapat kilalanin natin siya para maging close tayo sa kanya." - Kier

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pusong Lito (Twin Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon