"Have you ever heard of the story of a fairy who loves a man who already has an owner?"
Sabay sabay namang nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko. At dahil uto-uto rin ako, walang alinlangan kong tinaas ang kanang kamay ko.
"What do you think about it?" Sabay sabay namang nagsalita ang mga kaklase ko kaya sobrang ingay. Napahalukipkip na lamang ako at tahimik na nakikinig.
"It's unfair Ma'am." Ani ni Jasmin na pasimpleng sumulyap sa taong nasa harapan niya.
Psh! Pareho lang pala tayo ng sitwasyon. How cruel the world is, right.
"Why do say so Miss?"
"Unfair, because 'Thinkerbell' loves him so much but he choose to divert his attention to Wendy. Si Wendy na kakakilala pa lamang niya--"
Before she could finish her words, agad akong nagtaas ng kamay nagpapahiwatig na may gusto ako sabihin at ng bigyang permiso ako ni Maam na magsalita ay malugod akong tumayo.
"Tama ka naman doon, Jasmin. It's unfair diba? Kasi ikaw yung nandoon na matagal ng nagmamahal sa kanya but he chooses the new girl? Which is Wendy. Pero ganyan talaga ang buhay, unfair, hindi porque gusto mo o mahal mo ay makukuha mo na. Hindi ganon ang buhay, Jasmin. At nasasayo rin naman ang desisyon kung ipagpapatuloy mo pa rin ang unfair na sitwasyon o uusad ka na lamang at mag-jmpisang magmove-on." Huminga ako ng malalim bago muling magsalita
"And i, Thank you!"
Sunod sunod naman na tawanan at hiwayan ang namayani aa silid aralan namin. Napangisi naman ako dahil maging si Ma'am ay napatawa, tila yata naaliw siya ng husto sa talumpati ko.
°~°~°~°~°~°~°~°
Pasimpleng kong dinukot ang bente pesos ko sa bulsa ng aking palda bago ko ito pasimple ring inabot kay Madrigal, na agad rin naman niyang isinilid sa bulsa niya at tuluyan akong lagpasan. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa marating ko na cafeteria at hinanap ko ang paborito kong tindihan ng pagkain. Ang Palabokan ni Tiyay, ang weirdo ng pangalan, kasing weirdo ng nagtitinda. Wala naman akong reklamo doon, dahil napakasarap ng palabok na kanilang ibinebenta. Kung mapapatayo nga ako kung sakali ng karinderya aba, ilalagay ko sa menu itong palabok. Ang sarap eh, sobra.
Nasa ikatlong subo na ako ng aking palabok ng bigla na lamang iyong lumipad. Agad naman napakunot ang noo ko ng bumagsak iyon sa sahig, akmang tatayo na sana ako at kukuha ng panibagong tinidor ng ang container naman ng palabok ko ang biglaang lumipad.
"Palabok ko!" Pabulong na aniko sa sarili
Napaangat naman ako ng tingin sa nang-gagalaiting si Stav. Napataas bigla ang kilay ko ng makita ko sa likuran niya si Stacy. Ano na naman kayang problema ng payasong to?
"Hoy! Fallon! Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!" Talsik laway na sigaw niya! Yuck! Umuulan ng laway, punyemas!
Pinahid ko ang likuran ng palad ko sa mukha at noo ko bago ko inirapan si Stav. "Hoy ka rin Gustavio Blongio the Third! At ano na naman bang ginawa ko jan sa payasong yan? Ha?! Nauulol na naman ba kayo at ako ang pinagdidiskitihan niyo? Ano suntukan na lang oh?" Asik ko rito at tinaas ko pa ang mangas ng blusa ko at inipit ang buhok na nalaglag sa mukha sa likod na tenga ko.
Napaatras ng bahagya ang payaso at ang punyemas na malaking tartar na to sa inasta ko! Nako! Nako! Nang gigil ako ah.
Awkward naman silang dalawang natawa sa inasta ko bago magtatakbo papalayo. Parehong namumutla ang dalawang ulupong.
Napabuga na lamang ako ng hangin bago ko napagdesisyonang umuwi na lang. Nakakapagod makisalamuha sa mga tao roon sa eskwelahan, kundi tartar at payaso ang nakaka-engkwentro ko mga weirdo naman. Hays!
Biyernes ng umaga ay nalate ako ng gising kaya naman halos magkanda bali-baligtad ako sa salas sa kakamadaling maghain ng almusal. Nang maubos ko ang pagkain ko agad akong nagtungo sa lababo para maghuga ng pinagkainan. Late na naman ako, ba't hindi ko na lamang sulitin diba? Saka, isa lang naman sa major subject ang first subject ko ngayon. Major subject na paniguradong boring na naman.
Nang masigurado kong maayos na nakasara na ang buong bahay ay dali dali akong naglakad papalabas ng compound namin upang maghintay ng tricycle sa labasan. Agad namang bumungad sa akin ang napakatahimik na kalsada. Walang senyales ng kahit na anong pampublikong sasakyan.
Napahawak ako sa buhok ko ng liparin ito ng hangin ng dumaan ang isang truck sa kilid ko, bahagyang napaatras ako dahil isa iyon sa ten wheeler truck. Wala akong laban doon pagnakataon, pipi ako pag natumba iyon sa akin.
Muli akong napatingin sa wrist watch ko at mas lalo ko pang dinalian sa paglalakad dahil baka maabutan ako ng bell para sa second period. Baka hindi na ako papasukin sa gate at magkaroon pa kami ng meet and greet ng principal.
Nang marating ko na ang classroom ay agad akong naupo ng mapansin kong wala na roon si maam, mabuti naman kung ganoon.
"Ang aga mo para sa alas nuebe ah." Sarkastikong bungad sa akin ni Miguel. Bahagya akong tumagilid at ngumisi sa kanya.
"Oh? Buhay ka pa pala? Hahahaha!" Mapanuyang wika ko sa kanya, agad namang napawi ang ngiti niya sa akin at inignora na lamang ako. Ha! Buti nga sayo
"Titania Samirle Fallon! Ang aga mo ah!" Umakbay siya sa akin at agad ko naman iyong tinanggal sa balikat ko.
"Tigilan mo nga ako Rae Mariano!" Asik ko rito bago ko pitikin ang tenga niya.
"Ang sungit mo naman Tania! Hahaha kaya ka iniiwan eh." Tiningnan ko siya ng masama ng marealize niya ang kanyang sinabi ay agad siyang awkward na ngumiti sa akin at nag peace sign. "Hehehe"
Pagsapit ng hapon ay wala naman kaming ganoong klase. Kaya naman kanya kanya kami ng kwentuhan ng kung ano ano. Nang maubusan na kami ng ikwekwento sa isa't isa itinuon ko na lamang ang pansin ko sa cellphone ko at naglaro na lamang rito.
"Ano? Co... low .. sus? " Agad akong sandali na napatigil sa ginagawa ko at palihim na nakinig sa nag-uusap sa likuran ko.
"I love you, Colowsus!" Ani pa nito at humagikgik
Napailing na lamang ako at napatingin kay Rae na ngingiti rin sa harapan ko. Napangisi na lang din ako. Parang gusto kong matawa, pero baka magmukhang weird lang ako dito, kaya wag na lang.
"Tama ba? Co...low..sus" mahina muli nitong banggit sa pangalan.
Iiling iling ko silang hinarap. "Colosues Ronscasval" aniko bago muling nagpatuloy sa nilalaro ko.
"Ahhhh! Salamat, masearch nga to sa facebook." Ani niya pa
"Crush mo?" Napa-angat ang tingin ko kay Rae ng magsalita ito, tinapunan niya naman ako ng tingin bago muling ibaling ang mga mata niya sa kausap.
Nang hindi sumagot ang kausap niya ay muli siyang nagsalita. "May girlfriend na yan eh." May bahid ng mapanlokong ngisi sa labi niya.
"Eh ano naman? Isesearch ko lang naman eh."
"May girlfriend na yan...." Sinadya niya bitinin ang mga salita niya, mukhang alam ko na to ah.
"Si Tania." Namayani ang katahimikan sa likuran ko at sa hindu maipaliwanag na dahilan palihim na naman akong napatawa. Shit! Haha
"Tania?"
"Tania." Ani pa ni Rae at itinuro ako.
"Siraulo!" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Mamaya maniwala sayo yan." Sabi ko pa
"Edi mabuti, ang gwapo gwapo kasi niyang si Cole. Lapitin ng mga manok." Manok o chicks. Mga trip talaga nitong si Rae, unique. Kaya kami nito nagkakasundo eh.
Umismid ako sa kanya. "Gwapo nga pero gago." Aniko na sinang-ayunan naman niya.
YOU ARE READING
Broken wings
Non-FictionDear Peter, How are you? Me? Im not fine... ...when im not with you