Leave Your Lover

13 1 3
                                    

I don't have much to give, but I don't care for gold
What use is money when you need someone to hold?

"Reese!" Tawag ko sa bestfriend kong kasama ang kasintahan niyang si Andrew. Pareho silang bumaling sa'kin at si Reese ay agad na lumaki ang ngiti pagtama ng kanyang mata sa akin.

"Trev, hi!" Humakbang siya palapit. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ni Andrew. Ngumiti ako pabalik. "Happy birthday!" Bati niya pa.

"Salamat," hinagod ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Si Andrew naman ay tinanguan ako.

"Happy birthday, pare."

"Thanks, dude." Tumingin ako sa soccer field kung saan sila nakatingin kanina. May practice ang pep squad at rinig na rinig ang cheer nila.

Balak ko sanang yayain si Reese na kumain sa labas kasama ang pamilya ko, pero mukhang may plano na siya para mamaya. Pero hindi naman masamang sumubok, diba?

Don't have direction, I'm just rollin' down this road
Waiting for you to bring me in from out the cold

"Do you have plans, Reese?" I blurted. Tumingin siya sa'kin habang si Andrew ay nakatingin parin sa pep squad sa field.

"What plans?"

"For this afternoon? Kain sana tayo, my treat. Isama mo nalang si... Andrew." I saw the way her eyes lit up when I said his name. I glanced at my wrist watch at nakitang dapit hapon palang naman. Aabot pa kami sa dinner time.

Nakita kong tumango si Andrew kaya't hinatak na ako ni Reese habang nagtatanong kung saan daw ako manlilibre. Dala ni Andrew ang bag nilang dalawa habang si Reese ay hawak lamang ang cellphone niya.

Napakaganda ni Reese. Habang iniintay ang pagdating ni Andrew dala ang sasakyan niya ay nagkaroon ako ng oras na titigan siya. Nakatungo sa phone si Reese at nagti-text habang ako ay pinagmamasdan siya. Ang matangos niyang ilong, ang natural na mapulang labi, ang malambing na mata at ang mahaba niyang buhok na ngayo'y nakapuyod. Napakabait pa niya. Swerte ang makakatuluyan niya.

You'll never know the endless nights
The rhyming of the rain

Nang dumating ang sasakyan ni Andrew ay agad na nauna sa paglalakad si Reese.

"Drew," tawag niya sa kasintahang nag-aayos ng gamit sa compartment ng sasakyan. Pinagmasdan ko siyang naglalakad palapit kay Andrew. Her hair swayed with the wind. Her voice synced with the calm breeze.

My heart hurt.

Or how it feels to fall behind
And watch you call his name

Humarap sa kanya si Andrew ng may nagtatanong na ekspresyon. Sinabi niyang makikisakay ako dahil hindi ko dala ang sasakyan ko, kahit ang totoo'y sinadya kong iwan iyon sa kabilang kanto ng school dahil sa kagustuhang maglakad sa pupuntahan kasama si Reese.

Si Reese ang nasa shotgun seat habang si Andrew ang nagdadrive. Ako ang nasa likod at nakatanaw sa labas ng bintana. Sa isang sikat na pizza parlor nalang ako manlilibre dahil iyon ang paborito ni Reese.

Sinilip ko ang kamay nilang dalawang magkahawak. Walang anu-ano'y bigla na lamang bumigat ang nararamdaman ko.

Naalala ko 'yong araw na napagtanto kong mahal ko na si Reese. Iyon rin ang araw na sinagot niya si Andrew sa panliligaw nito. Hindi naman ako nagreklamo dahil isa lang naman akong matalik na kaibigan at hindi niya naman alam ang nararamdaman ko. Isa pa'y mabuting tao si Andrew. Hindi pa tumatakbo sa'kin si Reese na umiiyak dahil sa kanya simula noong naging sila.

Leave Your LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon