ONE

851 37 1
                                    

Jaelyn Smith's POV

Ang sakit...sobrang sakit..

Alam mo ba yung feeling na ipagpalit ka ng syota mo? Tapos ang malala pa eh sa lalaki ka ipinagpalit.

"Hoy bakla ka! Ibalik mo sakin si Blaze!" sigaw ko kay Curt na kasalukuyang kumakain sa canteen, ang lalaking nang agaw ng boyfriend ko.

Oo wala akong pake kung gumawa ako ng scene dito. Mang aagaw siya! Leche.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko nga inagaw ang boyfriend mo" ang tanging sagot nya.

"Eh bakit siya nakipag break sakin? Tapos kayong dalawa ang laging magkasama. Sasabihin mo parin bang di mo siya inagaw?!"

Sinigawan ko na siya't lahat lahat pero hindi nya parin inaamin ang kadiri nyang kasalanan. Nag fake gasp pa tlga ang mokong.

"Hala! Baka ung boyfriend mo ang bakla? Halaaa"

Pigilan nyo ko! Onti nalang masasapak ko na toh.

"Please lang ibalik mo na siya saakin. Di ko kayang mabuhay nang wala si Blaze" pag mamakaawa ko sakanya.

I don't care if i look like a psychopath. The only thing that matters now is my relationship with Blaze.

Huminga siya nang malalim at hinila ako paupo sa tabi nya. Aapila sana ako pero bigla nyang sinalaksak sa bunganga ko yung tinapay nya dahilan para mabilaukan ako.

"Ganito nalang. Tutulungan kita makipag balikan kay Blaze" Nabuhayan ako ng diwa sa sinabi nya.

"Talaga ba? Seryoso ka?!"

"Oo nga. Ayaw mo?" Dahil sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya.

"Salamat Curt! Salamat!"

3 Weeks Later

Sa loob ng tatlong linggo naging magka-close kami ni Curt. Pero epal parin siya sa buhay ko -.-

To: Bakla
Hoy bakla! Asan ka? Mag reply ka nga!

To: Bakla
Taksil ka. Sabi mo tutulungan mo ko? Liar.

Kanina ko pa tinetext toh si Curt pero ang tagal sumagot. Hindi sila pumasok ngayon ni Blaze kaya eto ako ngayon, nag luluksa kasi hindi ko nakita si Blaze :(

Nagising ang diwa ko ng tumunog ang cellphone ko. Meaning may nag text sakin.

From: Bakla
Di nga ako bakla. Kiss kita jan eh

To: Bakla
Kadiri ka! Asan si Blaze? Nag tanan na kayo noh?!

From: Bakla
Gaga kaba? Hindi. May sasabihin lang ako.

Hindi ako nag reply kasi dumating na yung teacher namin. Asan kaya yung dalawang yun? Miss ko na si Blaze :3

Hinintay kong matapos ang klase bago ko nireplyan si Curt.

To: Bakla
Anong sasabihin mo?

From: Bakla
Miss mo na ko?

To: Bakla
Hindi. Si Blaze namimiss ko :'>

Nakakapag taka lang kasi ang tagal nya ngayon mag reply. Kadalasan mga 3 secs. Lang may reply na siya eh.
Bahala siya jan Hahanapin ko nalang si Blaze.

LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon