For sure nagkaroon na kayo ng first puppy love ....eh ang second puppy love???puppy love nga lang ba ang maituturing sa story na ikwekwento ko ngayon sa inyo?
uumpisahan ko na :))
---
elementary days...
ako si Elaine Alfonso
mayroon akong first puppy love ..siya si Louie Anderson.matangkad,kayumangi ang kulay,ang gwapo ng mukha...siya yung tipo kadalasan ng mga babae dito sa campus mysterious type siya..at mala Daniel Padilla ang aura niya.sino ba naman ang Hindi kikiligin sa kanya.
kung may puppy love ako mayroon din akong super hate na lalaki at kaibigan niya si Louie siya si John Dimitri Garcia.matangkad ,mapang-asar,papansin,sabi nila mommy at ng mga kaibigan ko pogi daw pero yuck eeewww...Hindi ko yun nakikita ah basta nakakainis siya.hadlang siya sa pagiibigan namin ni Louie noon.
dumating pa nga yung oras na sa sobrang pagtataray ko sa kaniya siya lagi ang nakikita ko nakakainis.
--
canteen
naghahanap ako ng table na kakainan namin kasi nasa pila pa ang mga kaibigan ko so ako ang maghahanap hanggang sa dumaan ang bwisit na john na yun!!
" kuya john!" what the !?kapatid ko yun ah sino ba may sabing kaibigan niya ang kapatid ko Tssssss.
"Zac, dito tayo " tawag ng magaling na yun sa kapatid ko.
napansin niyang nakatingin ako sa kanila ng kapatid ko kaya nginitian niya ko at inaaya pa na maupo sa tabi nila
"no way" pagtanggi ko at inirapan ko siya and guess what?!!!
pagtingin ko sa right side ni john si Louie pala iyon at nginitian niya din ako pero......bigla siyang napayuko pagirap ko
naku naku naku akala niya siya inirapan ko.
tapos sila john nag point ng finger tapos ni-wave nag sign na ( lagot ka :p)
huhuhu (T.T) that's the end of the love story between Louie and me...kasi daw....akala niya lumaki ulo ko dahil akala niya inirapan ko siya....
kaya ayon wala na
tapos ayon tuloy parin sa pangungulit sakin si john ...nanliligaw "daw" siya sakin as if naman totoo yun diba..pag may culminating activity kami sa TLE subject namin every week at ibinibenta namin yun lagi niyang binibili ang lahat or tinutulungan niya kong magbenta PERO may kasamang pang-aasar iyon.
nabansagan / natawag pa nga kaming "Hanzel couple" alam niyo ba yun ? yung biscuit?
kasi ganito iyon kinailangan namin ng overtime sa paggawa ng mga crafts namin para sa Christmas program namin sa school.
at yung grupo na lang namin ang hindi tapos .
- break time-
"Ellly ,sabay na tayo mag merienda?" sabi ni john paglapit niya sakin
Oo kagrupo ko si john at wala ni isang friend ko ang kagrupo ko pero lalaki at dalawang babaeng Hindi ko close ang kagrupo ko.
"eh, ayoko tatapusin ko na lang to para wala na kong gagawin" ayoko lang talaga siyang makasabay
"sigurado ka? para magkaenergy ka kailangan mong Kumain diba"
"Oo pero ayoko okay?" sagot ko
"sige ganito na lang dadalhan na lang kita ng pagkain ,ano gusto mo ?pasta?rice?ano ulam" aysh.....ang kulit
"wag na nga ayokong kumain" pagtataboy ko sa kanya
"biscuit na lang! john mahilig yan sa biscuits" ayshhhh epal naman itong baklang ito ohhh.
"ganun ba? salamat ganda "sabi ni john Kay Ronald bakla
"you're welcome papa john :)" cheee ang landi
umalis na siya at pag balik niya tinabihan niya ko sa upuan inabot ang biscuit na Dala Dala niya na Hanzel mocha and chocolate.
" ah eh...hehe Hindi ko kasi alam ang gusto mong flavor eh kaya ayan bumili ako ng magkaiba" kinuha ko ang biscuit at ibinalik sa kanya
"ayoko,sayo yan Hindi naman ako nagpapabili eh"
nakangiti parin siya ayokong tumanggap ng kahit ano galing sa kanya.
"wala kasing panulak john!!! "sigaw ni Ronald epal talaga kahit kailan.
"ay Oo nga wait lang elly bibili ako .ano gusto mo juice,yakult,or tubig?" bakit ba nagkakaganito siya Hindi naman ganito ang nakilala kong john na mapangasar.
"wag na ayoko nga sabi eh" binalik niya yung biscuit sa kamay ko. ayoko nga eh Hindi ba siya makaintindi?
pagkaabot niya muli ng biscuit binitawan ko iyon at napatingin sakin lahat ng mga tao sa room at kahit ang adviser ko.
na kakahiya kaya lumabas ako at nagpunta sa playground at nagpahangin.
Simula noon nagkaroon na ng Hanzel couple...
wala kaming pinagbago away lang kami ng away .ang totoo ako lang talaga ang umaaway .nagbago na siya hindi na niya ko inaasar at alam ko sa sarili ko na hinahanap hanap ko iyon .iba na siya seryoso na siya at masyado na siyang nagiging mabait sakin.
At sa huli ginusto ko na naging mabait sa kanya . Thanks giving pa sa school namin noong unang beses na tumanggap ako ng bagay galing sa kanya.nagdadakawang isip pa nga ako noon. Ang celebration kasi namin noon ay dinaan sa pagbibigay ng isang bagay para sa gusto mong pagbigyan .kung kanino ka nagpapasalamat o ano pa man. Tuwang tuwa ako sa mga bata sa school namin may mga grade 1 & 2 at kinders na yumakap at nag thank you sakin na may kasama pang gifts.Hindi ang mga gifts ang kinatuwa ko,dahil ito sa pagthank you nila at masaya silang naging ate nila ako.naging malapit ako sa mga bata .at masaya ako soon. At si john si john ang huling lumapit sakin at Hindi ko alam kong anong tawag sa pakiramdam ko na iyon .Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o ano.kung ngingiti ba ako o magtataray gaya ng naksanayan.
Tapos ...nakita ko ang kamay niya na into unting inaabot ang isang kahon.
Isang kahon ng chocolate Hindi ko namalayan nakadampi na ang mga kamay ko sa kamay niya at nagdadalawang isip akong kunin ito.napangiti ako Hindi dahil sa masasarap na chocolates na iniaabot sakin kundi dahil sa saya at kilig na nakatingin kami sa isat isa at habang pilit niyang inaabot sakin ako naman ay pilot na ibinabalik at tinatanggap.ang gulo ko noh? Hindi ko kasi mapagdesisyona kung tatanggapin ko Hindi pero sa huli .sabay kaming natawa sa pagtanggap ,abot at balik na ginagawa namin. Para kaming Ewan .
"Tanggapin mo na yan alam kong favorite mo ang chocolates" he smiles
"A a ano" I stuttered
" you're welcome basta kahit grumaduate na tayo wag mo akong kakalimutan" tumalikod na siya at naglakad palayo
"John! I hate you " ang ungrateful ko " but thank you" pahabol ko . And and I smiled .
At kinindatan niya ko as usual.
"Sira!" I shouted
I never knew that would be the last time I talked ,laughed ,smiled and thanked him. After the graduation the day after the thanks giving day.wala na kaming balita sa isa isa.we never talked ,chat or what our relationship is complicated Hindi ko alam kung friends ba kami or magkaaway. But theres these things I'm sure about ,he cares'for me and I do care for him too but in our own extra ordinary ways of showing that we cared.gaya ng asaran at pagmamaldita.
(a/n)
Hi please vote comment and share this story. Sana nagustihan niyo ang first part. ;)
BINABASA MO ANG
Mr. Kabute, Facebook user
Romancethis story is about elly and her love story.kung pano niya nalampasan ang heart aches....yung experiences niya sa buhay... at alam kung kiligin kayo sa mga kakilig kilig na tagpo sa story.pwedi ding maiyak kayo sa sakit na Naramdaman ni elly dahil n...