12.

209 3 0
                                    

Goodevening! Sabi ko naman sainyo, maguupdate ako. :)  first update for tonight. then later ulit after ng PAI. :) 

Enjoy! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AFTER 1 WEEK

DANIEL'S POV

Grabe. Sobrang nakakapagod sa work ngayong week. Madami kasi nagpapasa ng paperworks at madaming company ang gustong makipag-collaborate samin. Kaya ayun, pagod. 

Lalo na si Kath. Ewan ko nga kung bakit eh, pero araw araw sumasakit ulo niya ng bongga.

At nagpapabili kay yaya ng mangga galing sa puno at gustong gusto ng mga maaasim. Wow ah. Humihilig siya maasim. Ano meron? Hahahaha!

Nagring ang phone ko. Tumatawag sakin yung assistant ni Kath.

"Sir, sir!!"  grabe naman.

"Uy, Miles. Chill lang. Ano meron?"

"Si Ms. Kath po. Si Ms. Kath po."

Nagulat ako nang nabanggit niya ang pangalan ni Kath.

"Miles, ano nangyari kay Kath?"

"Nasa clinic po siya ngayon. Hinimatay po siya. Ewan namin kung bakit. P-p-per-o-o nung paglabas niya ng office, bigla pong tumumba"

"Ha? O sige, pupunta na ako diyan!"

Kinakabahan ako. Kinakabahan ng sobra. Ano nangyari kay Kath? 

Andito na ako sa clinic. Nakahiga si Kath dun sa kama at pumunta naman ako dun sa nurse.

'Nurse, ano po nangyari kay Kath?"

"Uhm sir. No need to worry. You just need to go to the doctor and magpacheckup po kayo." and she smiled.

Pumunta na ako kay Kath. Umupo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Kath, buti nalang wala nangyari masama sayo. Papa-check up tayo bukas ah. Tamang tama. Saturday naman bukas."

Unti-unting bumubukas ang kanyang mga mata. 

"Kath, baby. Are you okay?"

"Hmm, oo. Okay na. Let's go home na. I wanna sleep na."

"Oo, uwi na tayo. Papa-check up tayo bukas ah."

Tas inalalayan ko na siya papunta ng kotse. 

KATHRYN'S POV

Nakauwi na kami ni Dj. Pero nahihilo ulit ako. Haaay. Ano bang meron? 

Bigla ako nakaramdam na nasusuka ako kaya tumakbo ako sa CR at sumuka nga ako.

Nagtoothbrush ako para mawala yung scent nung suka ko tas nagpisik ako nung pabango para mawala amoy sa banyo.

After ko gawin yun, pumunta ako sa kitchen. Kumuha ako ng mangga tas kumain ako with matching bagoong. 

After nun, nagtoothbrush ako agad. At nagshower at humiga na.

Nung nakahiga na ako, tumabi na sakin si Dj at kinausap na ako.

"Kath, nagsuka ka kanina?"

"oo eh, naramdaman ko kasi na nasusuka ako kaya ayun nasuka talaga ako."

"At gusto mo ng maaasim?"

"yep. Ang sarap eh. You want?" tas tumawa ako.

"Kath, this isn't funny. I'm serious. But.."

"But?"

"I think you're pregnant?"

Napatahimik ako sa narinig ko. Impossible naman yun. 

At hindi pwede. Hindi pwede na mabuntis ako sa age ko na ito. 

Patay ako kay mama at kay kuya pag nangyari yun.

Ang sabi nga ni mama dapat ay mabuntis ka sa tamang age. Magpakasal ka sa tamang age. Pero hindi naman ito ang tamang age para mangyari yun.

"Kath, natulala ka diyan?"

"Ahh sorry. haha! Inaantok na kasi ako eh. Tulog na ako ah. Good night." tas tumalikod na ako sakanya. 

"Wala kiss ko?" sabi niya.

Bigla kasi ako nailang sa sinabi niya eh. Kaya nagkunwari nalang akong tulog. Pero hindi ko siya natiis.

Kaya humarap ako sakanya at kiniss siya. Smack lang naman.

"I love you Kath."

"I love you too. So, let's sleep na ah?" tas pumikit na ako.

KINABUKASAN

KATHRYN'S POV

10AM na at nakapagayos na kami ni Dj para pumunta sa Pangasinan's Medical Hospital. Yun kasi ang pinaka matinong hospital dito kaya dun gusto ni Dj na magpacheckup.

Sana hindi ako buntis.

Hindi pa kasi ito ang tamang oras at panahon para dun eh. :(

Pero kung buntis nga ako, sana panagutan ako ni Dj.

SANA..

Andito na kami sa hospital. At andito na kami sa upuan sa labas ng room nung doctor.

Maya-maya, tinawag na kami ng doctor ni Dj. Pumasok na kami. At ayun. Simula na.

AT KINAKABAHAN NA AKO.

Maya maya tinawag kami ulit ng doctor at tinanong namin kung bakit nga ba ako nahilo at mahilig sa maa-asim at bakit ako nagsusuka.

At ang sabi ng doctor?

"Congratulations, Ms Kath and Mr Daniel. Ms. Kath's pregnant." at tumayo siya nakipagkamay kay Dj at sakin.

Buntis ako? Buntis ako? Hindi pwede 'to.

"Dj, CR lang ako ah."

"Sige hintayin kita dito."

At naglakad na ako papunta ng CR.

Napatingin ako sa tiyan ko sa mirror. Hindi lang talaga ako makapaniwala na buntis talaga ako.

Pag nalaman ito ni mama? Patay na.

Goodluck saakin.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na po. :)))))) guys, nagiging corny na yung story ko. =)))) sorry po. :( :))

sana nagejoy kayoooo!! :)

Fated to Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon