Finding #1 OPENING PARTY

24 6 0
                                    

° Enjoy Reading guys! Please vote or comment if you like it. It will be so much appreciated °













Jeannie's Pov

"Tara Nie sayaw tayo." aya sa akin ng kaibigan ko na si Daianne, andito kami sa opening party ng school namin. Palagi itong ginaganap bago mag magsimula ang klase.

"Sige ikaw nalang Ann, ayaw ko sumayaw eh." sabi ko sa kaniya.

"Eh? Okay basta diyan ka lang ha babalik din ako mamaya." sabi niya bago siya umalis.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at umalis na siya papunta sa dancefloor para makipagsayaw sa mga kakilala namin na naandito.

Naingayan ako sa atmosphere sa loob kaya pumunta nalang ako sa labas para magpahangin.



"Buti pa dito sa pool area ang tahimik." mahina kong sabi sa sarili ko.

Medyo tahimik sa pool area dahil walang tao at nasa loob silang lahat nagsasayaw. Napag-desisyonan ko na dito muna ako mag stay pansamantala.

Tinanggal ko na ang dollshoes ko na red at nilagay sa tabi ko at isinawsaw ang aking mga paa sa pool. Mabuti na lang at naka-shorts ako na maong kaya malaya akong makakapagbasa ng paa.

Ayaw ko muna makipag-party sa kanila sa loob dahil wala ako sa mood. Parang gusto ko muna mapag-isa at mag muni-muni lang sa labas habang nakatitg sa mga bituin. Mabuti nalang at lumabas ako dahil nakaka-relax ang ambiance dito.



"Hello Miss pretty."

Bigla ako nagulat sa pagsulpot ng isang lalaki sa likod ko. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Nilingon ko siya at napansin ko na nakabukas na ang suot niyang green polo shirt dahilan para makita ang kaniyang mga abs sa dibdib. 

"Shems lord may pandesal sa harap ko! self kalma di mo kilala yan." pagbabanta ko sa sarili ko

"Ahmm Hi?" pag-aalilangan kong sabi.

Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo at isinawsaw din ang mga paa niya sa pool. Kagaya ko ay nakasuot din siya ng maong na shorts hanggang tuhod niya kaya malaya niyang naisasawsaw sa tubig ang mga paa niya.

Natawa ako ng kaunti dahil wala siyang suot na sapatos. "Ayy.. feel at home si kuya."  isip- isip ko.



"What's your name babe?" pagtatanong niya sakin.

Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naamoy ko ang alak sa bibig niya. Mukhang lasing na siya kaya kung ano-ano na ang pinagsasabi niya.

Akmang hahalikan niya na ako ng itulak ko siya ng mahina sapat na para makalayo siya sa akin.

"Hoy! Manyak lumayo ka nga sa akin." pasigaw kong sabi at nakaduro sa kaniya.

Pero tumawa lang ito at hinila ako sa braso upang palapitin uli sa kaniya.



"Why? What's the matter? I know you like it too, pakipot ka lang." sabi niya ng naka smirk sa dulo. Come with me may gagawin tayo." dagdag pa niya.

Bigla niya akong hinila sa pagkakaupo at itinayo, hindi na ako nakapalag dahil binigla niya ko gamit ang lakas niya.

Natatakot ako sa gagawin niya sakin, lasing siya at wala sa wisyo plus manyakis pa siya na gusto magsamantala sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito kaya walang makakakita sa amin.

Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya. Buti nalang at biglang lumuwag ang kamay niya kaya natanggal ito. Pagkatapos ay tinulak ko siya ng malakas kaya natumba siya dahil na rin sa kalasingan niya. Sinamantala ko na ang pagkakataon at nagmadali na akong tumakbo bago niya pa ako maabutan.

UNFORESEEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon