ONESHOT 2 - Mother's Day
MAMA NI YSABELLE'S POV
* Kring Kring *
Tumayo na ako at pinatay ang alarm .
[ NOTE : Sa second floor ang kwarto ng mama ni Ysa , katabi ng kwarto ni Ysabelle ]
Maglilinis pa ako ng bahay ,alam ko namang tulog pa si Ysabelle . Tamad yun eh ,hayy ..
* Bukas ng pintuan *
O_____________O
Ang kintab ng sahig .
Halos nakikita ko na ang repleksyon ko .
Gising na si Ysabelle ?
H-I-M-A-L-A-!
Bumaba ba ako ng hagdan at nakita ko sa bawat hagdan na nagkalat yung mga pictures namin ni Ysabelle .
Hayy .. Kahit na napakakulit ng batang yan , mahal na mahal ko yan .
Napangiti nalang ako habang pinupulot yung mga pictures at naglakad na papuntang kusina .
* Lakad Lakad *
Magluluto pa kasi --
O_____________O
Ako ..
* Blink Blink *
Ang daming pagkain sa lamesa .
At may note pa sa baso .
' Go to the front door '
Naglakad na ako papuntang front door at pagbukas ko nun ..
* Sabog confetti *
May nalaglag na papel mula sa second floor at may nakataling lobo doon .
Nabasa ko yung note na nakadikit sa lobo .
' Putukin mo ako '
Pinutok ko yung lobo
* Boom *
At may kwintas na nalaglag .
Isang silver necklace na may pendant na picture naming tatlo . Ako , si Ysa , at ang papa niya . Tapos may nakaengrave sa likod na HAPPY FAMILY .
Isinuot ko yun sa likod ko pagkatapos ay kinuha ko yung sulat at binasa .
' To : Mama
- Happy Mother's Day ! Kahit makulit ako , love na love kita <3 . Pasensya na sa kwintas , yan lang ang kinaya ng budget ko .
( NOTE : Go to our GARDEN ) '
Pinahid ko agad ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko at pumunta na ng hardin .
" HAPPY MOTHER'S DAY ! "
O__________O
" J-Jed ? "
Siya ang papa ni Ysa . At nagtatrabaho siya sa malayong lugar mula dito at sa susunod na taon pa daw siya makakauwi .
Paanong nangyari na nandito siya ?
" Haha , wag ka ng magtaka hon . Pinauwi ako nito ni Ysa eh * pat sa ulo * Nakiusap pa siya kay boss na payagan akong umuwi kahit isang araw lang . " - Jed
" S-salamat honey .. "
Naiiyak na ako pero pinipigilan ko .
" Wag mo akong pasalamatan honey , si Ysabelle ang nagplano ng lahat ng ito . "
Napatingin ako kay Ysabelle na nakangiti lang sakin .
" Happy mother's day mom ^____^ "
" A-Anak .. "
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit .
" Mom , halatang mahal na mahal mo ako ah . Hahaha . " - Ysa
" Syempre anak mahal kita . I love you nak . "
" I love you too , mom . Happy Mother's Day . "
BINABASA MO ANG
Happy Mother's Day
Short StoryHappy Mother's Day ( ONESHOT ) By: MissChrysanthemum Ang INA ang ating ILAW NG TAHANAN , Gaano man tayo KAKULIT at PASAWAY , Gaano man tayo KATAMAD at makagawa man ng KAMALIAN , Sila parin ang IINTINDI at UUNAWA sa atin . Sa buwan ng MAYO , Ginagana...