8 Seconds

42 5 5
                                    

First of all. This is gonna be my FIRST EVER STORY! So one-shot muna ang ipapatikim ko sa inyo! Enjoy reading.

-8 Seconds

Sabi nila pag binaligtad mo ang number 8, infinity sign ang lalabas? So pwede kaming maging FOREVER? Pero sino ba naman ang maniniwala dun? Eh sabi-sabi lang naman yun.

Naguguluhan ka kung ano pinagsasabi ko dito? Scroll down lang dre! Para malaman mo ang susunod na mangyayari.

May qoute kasi na GM ng isa kong kaklase na di ko makalimutan!

*When Someone Look at you in the eyes for more than 8 seconds, He or She Likes you* --

Totoo ba yan? Parang Nanggogood time lang kayo eh. Mahirap maniwala sa sabi-sabi lalo na sa wala pang nagpapatunay..

Pero gusto ko.. ako ang UNANG makapagpatunay nyan. Na maging FOREVER kami . Sana. Wish ko lang.

---

Ang init dito sa loob ng bahay. Ramdam na ramdam ko ang tag-init. Ultimo Singit at Kili-kili ko ay pinagpapawisan! Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa may balkonahe. Nang makaramdam ako ng kaginhawaan . Nakapikit pa ako habang sinasamyo ang hanging humahampas sa aking balat.

Maya-maya....

Sa unti-unting pagmulat ng aking mata ay nakakita ako ng isang napakagandang mukha ng isang lalaki. Nasa langit na ba ko?

Ang gwapo niya. Matangos ang ilong, Kissable lips, Medyo may kalakihan ang mga mata, Napakakinis ng mukha niya , wala man lang siyang tigyawat! Kaso nga lang pandak siya. Hindi naman sobrang liit, pero mukhang mas matangkad pa ko.

Hindi siya nakatingin sakin. Dahil sumasayaw siya sa bakuran ni Aling Mara. Ang galing niya sa sumayaw. Habang pinapanood ko siya nagulat ako ng tumigil siya at napatingin sa gawi ko.

Susko! Di ko alam gagawin ko. Nalaman ko na lang na nakikipagtitigan ako sa kanya. Sa mga titig niya parang binibilang niya ang mga butlig sa mukha ko. Nakakahiya naman!

Ito na ba yung 8 seconds?

1.........2........3.........4..........5..........6..........7....--

"MARIA AYNA!!! Nananaginip ka na naman ng gising!" sigaw ng kapatid kong bruha sa tainga ko.

"Ayy Leche! Ano ba naman?! Istorbo to kahit kaylan." nanggugulat pa. Samantalang iharang niya lang ang mukha niya sa paningin ko tiyak mas magugulat ako.

"Magsaing ka na doon ate! Tanghali na. Nagugutom na ko."

"Oh siya sige! Magsasaing na ko. Mauna kana pumasok doon" sabay tingin ko sa lalaking anghel. Ngunit wala na siya doon. Sayang

---

Papunta ako kela Aling Tasing para bumili ng napkin. Bakit ba naman kasi ang layo-layo ng tindahan dito. Aakyat ka pa ng 5 bundok, tatawid ng 3 ilog at lalakad pa ng 100 kilometro. At siyempre! Joke lang yun. Nandyan lang ang tindahan sa may kanto. Kaso sa sobrang kalayuan baka natagusan na ako.

Nang makarating na ko, may mga nakatambay na lalaki. Ehh?? Pano yan? Nakakahiya pa naman bumili ka ng napkin na may mga lalaki sa paligid! Take note! Andyan pa yung Anghel na lalaki. Wala pa namang ibang tindahan dito. Bahala na nga!

Papunta na ko sa tindahan ng tumahimik ang mga barkada ni Anghel.

"Aling Tasing! Pabili nga po ng n-n-a-a-p-" utal-utal kong sabi. Na siya namang pinutol ni Aling Tasing.

"NAPKIN?! Ikaw talagang bata ka! Ayaw mo pa diretsuhin! NAPKIN lang naman eh! With Wings?" pasigaw niyang sabi. Naku naman!

"Non-wings" sabay lapag ng bayad.

Paalis na ko ng tawagin ako ni Anghel.

"Ate. Ano po pangalan mo?"

ATE?!!!!! MUKHA NA BA KONG MATANDA? KINSE ANYOS PA LANG AKO TOL!

Ayoko naman magmukhang suplada no! Hindi naman ako kagandahan.

So humarap ako sabay ngiting pagkatamis-tamis.

"Ayna." sabay talikod. Narinig ko ang mga "WOAAHH!" ng barkada niya. Adik lang?

---

Nakadungaw ako sa bintana nang may sumulpot sa paningin ko. Si Anghel. Nananadya ba siya? Tss. Papansin. Nararamdaman ko nakatitig siya sakin. Kaya tumingin ako sa kanya. At ng magkasalubong ang mga mata namin.

1

2

3

4

5

6

7

8

8?????!!!!! Naka-8 seconds! Ibig sabihin ba nito--

"Hi Ayna!" nakangiti niyang bati sakin.

"Hello!"

"Ahm. James nga pala" pakilala niya sa sarili niya. Takte! Ang pogi! makalaglag panty ngiti ng mokong.

"May sasabihin sana ako sayo.." sabi ni James na Anghel.

"Ano yun?"

"I think I like y--"

"You like me?" putol ko sa sasabihin niya. Nagniningning ang mga mata ko habang sinasabi yan.

"Hindi no! Hindi tayo talo GIRL!

Ang sasabihin ko sana. I think I likr your Dress! Ang ganda ng design. Siguro bagay sakin yun no?" sabi niya ng pilit na Boses pambabae.

Nanlumo ako sa nalaman ko... BAKLA SIYA??!!!! Sa gwapo niyang yan? Sa lalaking lalaki kung kumilos at sumayaw. Pusong babae pala ang Bruho na to!

Sa panahon ngayon. Hindi na talaga natin malaman kung sino ang Tunay na lalaki . Kahit Gaano kagwapo yan! Kahit lalaking lalaki kung Pomorma, Sa pagsasalita, sa kilos. Di mo masasabi. Kayo dyan! Wag kayo paloloko Girls ha!

8 seconds? Wala na yan. Hindi yan katotohan. Tanging DIYOS AMA lamang ang totoo . Siya lang ang sasagot sa kahilingan, panalangin mo...

At ito ang aral ko sa buhay.

Dito nagtatapos ang aking kwento.

-The end-

~~

HELLO THERE! NGAYON PALANG NAGPAPASALAMAT AKO KASI KAHIT PANO NAG-AKSAYA KA NG ORAS MO. SORRY KUNG NADISAPPOINT KO KAYO. SUPER DUPER SALAMAT TALAGA SA PAGBABASA NITO. NA-APPRECIATE KO YUNG PAG-ADD SA LIBRARY MO. SA BAWAT PAGSCROLL DOWN O PAGCLICK MO. AGAIN SALAMAT NG MARAMI.

I LOVE YOU GUISE♥♥

-Nikayl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

8 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon