KASALANAN KO BA?(short story)

254 9 5
                                    

malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko ng hapong iyon habang aking unti-unting binubuksan ang pinto ng munting apartment ni marlon. Nais ko siyang sopresahen sa balitang pagpayag ng aking mga magulang sa plano naming magpakasal. Inaasahan kong naroon na naman  siya sa harap ng computer o libro, nagbabasa ng mga bagay na hindi ko naman pinag-aksayahang tanungin kung ano-tulad ng madalas niyang pagkaabalahan nitong nagdaang mga linggo.

ngunit napapitlag ako sa nadatnan. Yakap siya ng isang babaeng hindi ko kilala kung sino.

"ma...marlon?"

ang pag hikbi kong nasabi na bunsod ng di ko pansing pag-agos na pala ng masaganang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na hinintay ang pagkalas ng aking kasintahan sa braso ng babaeng iyon. Nagtatakbo akong palayo sa lugar na iyon ngunit di alam kung saan ba dapat magtungo.

binagtas ko ang daan na hindi pansin ang mga nasa paligid. ayokong makita ang tingin ng mga taong nasa labas ng kanilang tahanan. mula sa likod, naririnig ko pang may sumisigaw ng pangalan ko. kilala ko ang tinig na iyon ngunit ayokong huminto at pakinggan ang sasabihin ng nagmamay-ari ng boses. ayoko!

"liezel.liezel.sandali!" ang pagwari ko'y hingal na niyang pakiusap.

ilang oras na ba akong tumatakbo? hindi pa ako nakakalabas ng compound pero bakit parang ang tagal ko nang tinatahak ang kahabaan niyon?

sa wakas!kalsada na!

diretso ang takbo ko patawid. palibhasa'y alam kong bihirang daanan iyon ng sasakyan.

hindi pa ako gaanong nakakalayo nang umalingawngaw ang sigaw ng isang babae. hindi ko na sana iyon papansinin kung di lang sana dumami ang mga taong umusyoso sa tumili. nilingon ko iyon at nakita ang kumpol ng mga taong  doon rin nakatira.

"anong nangyare?"

"nasagasaan."

"ambulansya.tumawag kayo ng ambulansya"

mga bulungang bumasag sa kainga'y nagpupuyos kong damdamin. nanlamig ang aking katawan kahit pa walang hangin na umiihip sa palgid. bumilis ang tibok ng aking puso.

"diyos ko"

nangangatal kong nilapitan ang kumusyon. pilit na iginagalaw ang tila nasimentong mga paa. takot sa katotohanang maaring lumantad sa akin sa oras na makita ang dahilan ng bunto ng mga tao.

"hi..hindi"

lumuhod ang nanlalambot kong mga tuhod nang makita ang bangkay na nakabulagta sa gitna ng mga tao.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ok cut!

hahaha ok guys what can you say.. bitin ba? dont worry may kasunod pa yan.. sino kaya ang nasagasaan? anu kayang mangyayare kna marlon? bkt sya my kayakap that time?anu kaya ang ang gagawin ni liezel pg nalaman nya ang katotohanan? watch out for the next part :) revelation...tinamad lng ako mgtype so bear with me.. hahhaha .. this is my first ever story in wattpad.. napagtripan lng nameng mgkakapatid.. hahaha .. pls. leave some comment and might as well click the button to vote if you like the story..

KASALANAN KO BA?(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon