(play nyo yung music sa gilid .. :))
kapansin-pansin ang namumugtong mga mata ng aking nobyo-kasimputla ng dugong tumutulo mula sa kanyang ulo. nangingibabaw ang hagulgol ko. kung bakit naman may araw pa, nagkakakarerahan na nag mga hayop!
.
.
.
sa libing, isang babae ang lumapit sa akin matapos sulyapan ang laman ng kabaong. kilala ko siya. hindi ako maaaring magkamali.
" anung ginagawa mo rito?" timpi kong tanong pinipigil ang maaaring pagsambulat ng aking niloloob.
"nakikiramay ako" ang sagot nitong sa patay nakatingin. ngunit hindi ko iyon pinanasin.
"masakit isiping ang inaasahang kamatayan ay hindi naganap. bagkus, isang hindi pagkakakunawaan ang kanyang ikinasawi," tinig ng isang nanghihinayang.
"inaasahan?" may kuryosidad kong paglingon sa kanya.
"ilang buwan na rin mula ng magtungo siya sa aking klinika at magpatingin. may hinala na siya noon na may cancer siya sa baga at nakumpirma lamang matapos ang ilang tests," tinitigan niya ako ng diretso sa mata.
"ayaw niyang ipaalam sa iba lalo na sa siyo ang tungkol sa sakit niya upang mabawasan ang emotional sress, tumayo ako bilang isang kaibigan.pinupuntahan ko siya sa apartment at nagsasagawa ng orientation ukol sa kalagayan niya. at bilang tulong niya sa sarili, nagreresearch siya ng mga bagong technology na maaaring lumunas sa kanyang karamdaman. ngunit masyadong maselan ang anumang mabilisang gamutan sa cancer at ayaw nya rin niyang may makahalata sa kalagayan niya ng dahil sa epekto ng mga pagdadaanan niya.noong makita mo kaming magkayakap, kinakalma ko siya mula sa balitang six months na lamang ang kanyang itatagal. tinangka ka niyang habulin ngunit aksidente ang humagip sa kanya"
kung ganon, siya ang nagdala sa amin ni marlon sa ospital nang himatayin ako.
wala ako sa sariling nakatayo na sa rooftop ng naturang funeral home. ako talaga ang dahilan ng pagkamatay nya. kung nakinig lamang sana ako, sana'y hindi siya tumakbo at sumunod. sana'y nalaman ko ang totoo at natulungan ko siyang maghanap ng ikakagaling nang sa gayon ay tumagal pa ang buhay niya ng higit sa taning nya. mahal niya talaga ako.
hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang akyatin ang pader na harang at damhin ang malamig na hangin sa taas na iyon.
ilang saglit pa, naramdaman ko nalang ang pagpikit ng aking mga matang pagod na pagod na sa .. pag-iyak...
.
.
.
.
.
.
.
...at isang mainit at sinserong yakap ang nagpaalab sa nanlalamig at nagluluksa kong puso. yakap na hindi man literal na bumubuhay sa nalulugmok kong pagkatao. yakap na bukal ng pag-ibig.
ngayon, habambuhay ko nang mararamdaman ito. wala kahit ang pinaka-malubhang sakit o pinaka-maiklinh taning ang makakapaghiwalay sa akin sa .. kasiyahang ito..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ok ! THE END..
what do you think guys.. hahahha.. read between the lines. hmmmmmmm..
leave your comments and ofcourse vote if you likE this :)
ciao!
=DEMUNYITA -_-=