Para Kay Bi (One Shot)

74 1 0
                                    

Sumulat ako ng letter para sa kanya. 

Sa taong 10 years ko na kilala pero ngayon ko lang narealized na gusto ko pala.

Para Sa'yo 'To Bi.

Now Playing:  Rhythm of Love - Plain White T's

June 7, 2014,  12:13am

Bi,

Masaya ako ngayon. Bakit? Kasi, matapos ang isang taon nakita ulit kita. Nakakwentuhan. Nakasamang lokohin at igood time si Bam about Mathematics. Ewan ko ba, feel kitang sulatan ngayon.

Sa totoo lang, marami akong gustong sabihin. Di ko nga lang alam kung san magsisimula. Pero sige, since araw mo ngayon, babatiin kita. Happy 18th Bi! Debut? Jk. Sa 21 pa nga pala kayo. Boys. Tsk.

Di ko rin alam bakit ba letter, pwede namang message thru fb or simpleng tweet sa twitter. Basta alam ko, mas madadama mo yung sasabihin ko dahil sa piraso ng yellow paper na 'to. Di ko rin maintidihan ang sarili ko, ang daming pasakalye. Hindi direct to the point mga sinasabi. 

Sa letter na 'to, sige didiretsuhin na kita. Gusto kita, Bi.

Di ko alam kung bakit pero alam ko gusto kita. After kaya 'to nung gig niyo nila Bam? O nung naglaro kayo sa village namin? Baka naman nung kinder pa lang pero ngayon ko lang narealize. Well, ganun naman talaga ko. Late reaction. Basta alam ko isang araw nung summer may nagZing.

Isang gabi, bigla ko na lang binisita yung profie mo. Pero knowing you, di ka mahilig magstatus sa fb. Natuwa naman ako na cover photo mo yung pic natin kasama teammates nyo gamit monopod ko. Yung twitter mo naman, inaamag na. Puro unfollowers.me lang nakikita ko. Sa IG, omg, ikaw na. Sapatos? Really? Puro sapatos at pagkain lang nakita ko. Kahit ganun, pinallow pa rin kita. 

Nagtataka ka siguro. Hindi bagay sakin ang confession letter na ganito. Pwede mo naman itigil na rito ang pagbabasa kung bagot ka na. Wag na wag mo nga lang pipintasan sulat ko. Alam kong di maganda pero mas okay na to kesa sa hieroglypics mo.

Hindi tayo close na close noon. Casual instances lang kung bakit tayo nagkakausap. Buti na lang dahil kay Pan naging close tayo. One time pa, nainis ako sayo. Para kasing inaagaw mo si Pan, oo pareho kayong lalaki pero damn, dahil sayo kaya di nagpunta ang bestfriend ko nung Halloween 3rd year. Di namin nagawa ng magkasama yung trick or treat ritual namin. Naalala ko rin nung elementary. Bully ka. Badtrip ako nun. Di dinala ni mama lunch ko at ikaw bilang isang dakilang bully, niloko-loko mo ko, nakipaghabulan naman ako sayo at yung binili kong sandwich nalalaglag. Sakto sa alikabok na winawalis ni Risa na cleaners noon. Sa sobrang inis ko sinigawan kita, at dumukdok na lang sa desk. Simula non, medyo naging off ka na sakin.

High school, parang hangin lang tayo sa isat-isa. Pero dahil nga kay Pan, ayun madalas na kitang nakasama. Bumalik na rin yung insults mo at comebacks ko. Tuwing nasa basketball court, tinatawag mo kong negra, pakyu naman, parang maputi ka ah. Tapos pag nasa band room nila Pan, pinapalabas mo ko, sabi mo bawal ang batang walang alam. No sissy allowed. Badtrip, kaya sa kusina na lang ako pupunta at lalapang.

Inisa-isa ko rin ang good points mo: (1) Math Wizard. Ikaw na. (2) Basketball Player. Kahit di ka member ng varsity nung high school alam ko na may ibubuga ka. (3)  Drummer. Need I say more?

Ideal guy sabi nga nila. Pero wala dyan sa mga yan bakit kita nagustuhan. Nung huli tayong nagkausap about college stuffs, natawa ko sa sagot mo kung bakit di ka nagmarine or nagpiloto. Sabi mo, di arawan ang uwi nun. Kawawa naman misis ko. Wow. Dahil don, lalong tumaas tingin ko sayo. Kaya pala di ka nagdorm.

On the other side, nasabi ko na lang sa sarili ko na ang swerte niya.

Kahit on and off ang relationship nyo, kayo pa rin. Nakakaya mong balikan siya kahit alam mong siya naman ang may kasalanan. Apakaswerte niya sayo Bi. Hindi na 'ko makikipagkumpitensya sa kanya. Sino ba naman ako? Ako lang naman yung EIC nyo na walang ginawa kundi hingin yung mga delayed articles mo. At siya? Ang babaeng nasa kanya na ang lahat. Na sa kanya Ka.

I'm totally out of your league, out of your limit. Kahit sa mga exes mo. Walang-wala ako. Lahat sila? Beauty and brains. Yung tipong kayang-kayang mong ipagmalaki kila Pan at Bam. Na maaatim kong hawakan ang bewang habang naglalakad. Ako? Wala. Kaibigan. Kaibigan na laging nasa tabi mo pero kahit kelan hanggang don na lang. 

Martir na kung martir. Ipapaubaya na kita sa kanya. Dun ka naman mas sasaya. Pero if ever na umiyak ka, wag kang magdadalawang isip na lumapit sakin. Pero wag mo ring isipin na di kita sasabihan na sana ako na lang. Na di ko ieenumerate  sayo lahat ng katangahan mo kung sakali. 

Bi, dahil birthday mo naman ngayon. Kahit na alam kong masakit hihilingin na sana tumino na siya. Bat naman kasi ganyan ka? Napakatalino mo pero pagdating sa kanya napakatanga mo. Huhu. Hard? Alam kong sanay na kayo sakin.

Anyways, sobrang haba na talaga ata nito. Di na rin ako nag English, grammar nazi ka eh. Malaman ko na lang binalik mo to na may pulang ink dahil sa correction. Hiya naman na EIC ako kung ganon. Sana umabot dito ang pagbabasa mo, alam ko kasi na reading is not your thing. Kahit ito lang sana.

Wait, may hihilingin pa pala ko. Sana ikaw lang makabasa nito. Sana wag maging awkward. Sana, sana ako na lang. Joke lang yun. Pero pwede rin. Lol. 

Geh. 

- X

PS. Happy 18th ulit Pareng Bi!

PPS. Last wish: Wag kang magdrummer minsan. Vocalist. Marinig lang kitang kumanta, kahit na para sa kanya talaga yung kanta. :)

Time Check: 1:26am

Now playing: Misery - Maroon5

So scared of breaking it, that you won't let it bend..

And I wrote  two hundred letters I will never send..

- Fin -

Para Kay Bi (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon