Ang saya talagang maging matalino! Alam mo yun? Yung lumalaban ka sa sandamakmak na quiz bees! Tapos, may instances pa na mapapadpad ka sa ibang bansa dahil sa katalinuhan mo.
well, that's my lifestyle. ansaya nga e! Yung puro medals na yung isang room sa mansion namen gawa ko. May trophies pa! *dreamy sigh*
So, eto ako ngayon, inaawardan na naman bilang Math Olympiad International.. The taste of victory~~yihii~
Andami na namang nagccongratulate saken oh. puro flash pa ng camera.. -___- kaya lumabo mata ko e. T_T walang pakundangan mga photographer dito sa mundo.. puro flash nalang..MALIWANAG NAMAN E!! >__<'
"Zianne!" Medyo nagulantang naman ang beauty ko dun! hahaha! Bestie ko yan, ang babaeng hindi napapagod maghatid sundo saken sa airport pag may gantong instances. Kaya nga fond ako na mapunta sa paligid nan e!
Maganda sya, matangkad, yun bang model type mga ganun. Tas mabait sweet at maingay -.- Minsan ang hirap nang ihandle.
"Huwaw! Naks naman bestie! nanalo ka na naman!"
Napakunot noo ko dun ah. Pano nya nalaman??
"Pano mo nalaman?"
"Shunga ka ba? E nakafeature ka kaya sa news tv pati dyaryo!" o talaga? astig.
"A ganun ba? tara McDo tayo. My treat..Mam! sama ka nadin." ayun, sinama ko na din yung chubby kong coach na mabait.
Kain lang kami ng kain sa mcdo tas daldal nang daldal nang biglang may kumulbit saken sa likod ko..
Pagharap ko, isang lalaking nakaheadphones na nakapoker face.
"Pwede pakihinaan ng boses mo? Ang ingay masyado e." sabay talikod.
Like what the hell? tsk. naguusap lang naman kami ni Marie at mam e. tas may pahabol pang sinabi yung ugok,"Nakaheadphones na ko't lahat, nangingibabaw parin yung boses mo. Halikan kita jan nang manahimik ka e."
Di ko nalang inintindi, kase para syang shunga na bubulong bubulong dun. konti lang tuloy naintindihan ko -.-
***
kinabukasan
NAKAKAIRITAAAAAAA!!!!!!
di nagalarm phone ko.. T.T lowbat pala.. huhubels! so heto ako ngayon, gahol na gahol sa oras!
nang makapagsuklay ako at makapagbihis, deretso na punta ko sa pinto without bothering to make some toast para sa agahan ko. tsk. buhay walang parents sa bahay. HAYNAKO. hinablot ko na yung skateboard ko at saka nag papadyak papunta sa school.
bwisit! kahit gano ko pa bilisan pagpadyak, wakwents! late na talaga ko. depende nalang kung may sasakyan akong mahihitchan. e mukang wala. FAAAAK!
ang aga aga, sira na araw ko. nakakaiyak naman.
**
nakarating ako sa school, tas wala sila sa form room. tas may nakita kong note sa pinto,
please proceed to the auditorium for announcements.
huwaaaw~ *o* ngayon lang ako natuwa sa announcement. e pag ganto wala nang attendance attendance pa.
"HIIYYEEEEES!!!" may air fist pa!
"Kahit kelan talaga ang ingay." -__-'
huh? dahu itey? o.O
pagtingin ko, yung..sino nga ba to??
"ahhh. ikaw pala.. late ka din?"
"di ba obvious?" aba antaray! may pataas taas pa kilay.. -_-
tas naglakad na ko papuntang auditorium nang biglang may umakbay saken.
"bat mo ko inaakbayan?" tas narinig ko syang bumulong,
"ang shunga talaga.."
"ako?shunga? asa!"
***
nakalipas na ang ilang araw tas lagi kong nakakausap tuwing lunch yung lalaki..which is Brandon. Ayun, tawa here and there. masaya naman pala syang kausap e, di lang halata. pero di mo mapagkakaila na may pagkamasunget.
minsan nga bigla nya kong ihahatid sa bahay namen e. sabay kaming nagsskateboard. tas minsan race pa.
dahil din sa kanya, naranasab kong kumain nung..tukneneng? ewan basta yung orange na masarap! tas lagi nya kong sasabihan ng shunga pag natatalapid ako. pag may makakalimutan akong gamit.
grabe!
pero alam nyo ba kung ano yung mas nakakagulat??
yung bigla nya kong niyakap nung kagabi. kase nasa rooftop kami ng bahay namen, tas nagsstar gazing habang nakatayo sa may railings.
nung niyakap nya ko galing sa likod..biglang humigpit yun nung ibinaba nya ulo nya sa may bandang tenga ko at bumulong,"Alam mo Zi?"
"hmm?"
"Ang hirap magmahal ng shunga." Medyo nagulat ako. simple lang. kase ngayon, alam ko nang di nya ko mahal. may mahal syang iba..ang swerte siguro nun. tas nagulat ako nung nagpanic sya,"hala! uy Zi! bat ka naiyak!?"
"h-huh?" paghawak ko sa pisngi, basa. di ko naman alam e! -_- T_T ikaw kaya!
yung taong minahal mo, biglang bubulong sayo na may mahal na sya, di ka ba magbbreakdown? asa naman na hinde no.
"wala to. sus! so, anong mahirap magmahal sa shunga? e mabait ka naman, tapos cute, tapos makulit na ewan. basta. kaya dont worry, mamahalin ka nun pabalik." pagiiba ko ng usapan. tas bigla syang nang"tsk!"
"okay ka lang?"
"hinde!"
"hala..shunga lang? bigla kang maiinis saken kase di ka mahal nung mahal mo. anlabo mo."
"Yun na nga e! Ang shunga shunga mo talaga kahit kelan! di mo ba nararamdaman!? antagal ko nang nagpaparamdam sayo! tapos ganyan? ganyan ka na ba kamanhid at kashunga? na di ka aware sa feelings ko!? nakakainis ka Zianne! ang tagal ko tong tinago tago dito sa loob ko! pero ngayon di ko na kaya..kase, the more na tinatago ko, the more na nagffall ako LALO sayo! mahal kita Zi! mahal! tas di mo alam! ansakit at ang hirap magmahal ng shunga!" litanya nya sabay sabunot sa buhok nya. grabe. ako pala...
a-ako!? *Q* sheeet!
"Multo ka ba para magparamdam? ansaya pala Brandon malaman na mahal ako ng mahal ko.." sabi ko pabalik habang nakatingin sa kanya. at kitang kita ko yung pagkagulat na ekspresyon nya. ang cutie!
"T-talaga Zi?"
tumango lang ako bilang tugon. di ko kase alam na ganto pala kasaya yung mga narardaman ng mga napapanood ko sa tv. akala ko sa kanila lang pwede mangyare yun. yung mga "Pangarap Lang Kita" ang peg ko dati. tas ngayon, BuKo na. ansaya lang.
tas ikinatuwa ko pa,
nang bigla nyang halikan ang mga labi ko..napakalambot ng labi nya..ramdam na ramdam mo yung pagkatender nya sa kiss na to. first kiss ko to e. mabagal na ang sweet. idagdag mo pa na full moon ngayon..haayyy..
nang maghiwalay labi namin, pinagdikit namin ang noo namin at ngiting ngiti kami sa isat isa, yung parang muka na kaming joker.. ^_____^
"Tayo na ba?"
"nakatayo naman tayo ah?"
bigla syang humiwalay at sinabing,
"aaaiiish! sabi na sayo ang hirap magmaghal ng shunga e!"
THE END