~simula~

22 4 3
                                    

"Pagkatapos mo maglaba dyan cadi ay linisin mo ang sala dahil nagkalat ang mga kasama ko dun,naiintindihan mo?" taas kilay na utos ni auntie napabuntong hininga nalang ako at tumango

"Opo auntie"

Nakakapagod na itong buhay ko.napakaboring at wala man lang ka thrill-thrill. kung hindi utusan, tagalinis naman, minsan nga may action pa eh!

Nang matapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin ay naligo na ako at nagbihis kinuha ko ang bag ko at inilagay doon ang mumurahin laptop na napundar ko sa pagtratrabaho sa cafe. pupuslit ako para sa trabaho ko. isa kasi akong writer sa isang kumpanya at 4pm-8pm ang oras ko dahil may proyektong ibinigay saakin, buti nalang at mga 12 noon umuuwi si auntie dahil sa club nya at kung minsan ay mas matagal pa dyan.

Maingat akong bumaba sa puno malapit sa pader at tumalon. dito ako lagi dumadaan para di ako makita ng mga guard na nakabantay sa gate at mahigpit na ipinagbawal ni auntie na wag daw akong papalabasin kahit anong mangyari.

Inayos ko na ang t-shirt at pants ko bago tumuloy sa pupuntahan ko. hay basta pag sapat na ang pera ko aalis na konsa puder ni auntie.

Trinabaho ko ang mga dapat kong trabahuin tulad ng pagiisip sa plot sa movie ng nagbigay saakin nitong proyekto at pinaliwanag sa kanila ito. sa totoo lang talagang naisip at napagaralan ko na rin ang mga mangyayari kaya parang inexplain ko lang talaga sa kanila ito at nagustuhan naman nila kaya ayos na. sisimulan na ang movie sa lalong madaling panahon at talagang mga sikat at batikang aktor at aktres ang mga gaganap dito kaya siguradong malaki ang ibabayad saakin at sakto na makakaalis ako sa puder ni auntie!

"San ka galing!" matigas na tanong niya at lumapit sa akin.napaatras ako ng isang beses at napalunok ulit.

"A-auntie" utal na sabi ko at bago ko pa masundan ay sinampal nya kaagad ako ng malakas kaya napaupo ako, pinilit naman nya kuhanin ang bag ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ibigay sakanya ito.

"Ano toh?!" tanong ni auntie habang hawak ang laptop ko.

"A-auntie" nagmamakaawang sabi ko.

"Natuto ka na bang magnakaw para makabili neto!" sigaw nya at umiling agad ako.

"H-hindi po auntie"

"Anong hindi!halika ipapapulis kita" bigla naman akong kinabahan ng sobra dahil sa narinig.

"A-auntie hindi!maniwala ka auntie hindi ako magnanakaw" nagpumiglas na sabi ko.

"At talagang dine-deny mo pa?!" galit na sigaw nya

"Auntie hindi talaga!" pilit ko pa.nagulat naman ako ng makita ko na biglang kumalma ang itsura nya at binitawan nya na ako

"Sige hindi na kita isusumbong sa pulis pero sa isang kundisyon" ani nya at medyo kumalma ako pero kinakabahan parin.

"Maligo ka sasama ka saakin mamaya may pupuntahan tayo.ipapadala ko na lang ang susuutin mo" ani nya .

"O-opo"

Taste of LoveWhere stories live. Discover now