Find the Murderer

19 0 0
                                    

"Hey guys! Wala daw si Ms. Enriquez ngayon, nagkaroon daw kasi ng urgent meeting ang mga teacher. Kaya walang lalabas ng room!" anunsyo ni Jillian, ang presidente ng klase.

Pagkatapos ng anunsyo, nagsariling mundo na ang lahat. May nagkukwentuhan at tawanan, may naghahabulan at naghaharutan, may kumakanta at naggigitara, may sumasayaw, may nagdodrawing, may nagbabasa sa isang gilid, may nakatutok sa cellphone, may nagseselfie, may nakikinig ng music, may natutulog at may nakatulala sa gilid.

Ilang minuto ring ganon ang eksena sa loob ng silid ng biglang magreklamo si Mika, ang queen bee sa klase.

"Argh! I can't take it anymore! Seriously guys? Wala ba tayong ibang gagawin? Like duh! It's kindda boring na kaya~"

"Yeah, I agree with you."

"So, anong gagawin natin?" tanong ni Christine.

"Let's play!" Kiel suggested.

"Huh? Eh anong lalaruin natin? Truth or dare?"

"No. Masyadong common na."

"Two truth, one lie? Pass the message? Tagu-taguan? Bingo? Patintero? Piko?"

"Pambata naman nyan! Maglaro na lang tayo ng..."

"FIND THE MURDERER!" sabay na sambit ni Jillian at Kiel.

"Huh? Ano yun?"

"Ang creepy naman nyan! Wag na yan!"

"Huh? Anong klase ng laro naman yan?"

"Its just simple. Kailangan natin bumunot ng kapalaran natin sa larong ito. Tatlo lang ang posible mong mabunot. It's either your the murderer, the detective, or the witness.

Ang kailangan gawin ng murderer is to murder by winking at the witnesses, nang hindi nahuhuli. Once na kayo ay makindatan, just say 'I'm dead' and your out of the game..." lintanya ni Jillian.

"Ang detective naman ang huhuli sa murderer. Pero kung siya naman ang makikindatan ng murderer, matatapos na ang laro dahil alam na niya kung sino ang murderer. And kapag nangyari yon, the detective will say 'I got you' " pagpapatuloy ni Kiel.

"The witnesses can accuse who is the murderer but kapag mali ang accusation niya, automatic out na siya sa game. Matatapos lang ang laro kapag nahuli na ang murderer. Any question?"

"Pwede rin bang maki-accuse ang detective?" Hannah asked.

"Yes. Pero kailangan tama yun kundi out na sya. So, game?"

"Paano mahuhuli ang murderer kung wala ng detective?"

"Andyan naman ang witness para tumistigo"

"Mukhang masaya yan. Tara!"

"Hindi naman pala creepy. Game!" at bumilog na nga sila. Mukhang masaya ang laro pero ayoko.

"Kath! Tara sali tayo! Masaya ito promise!" yaya sa akin ni Shiera.

"Ayaw. Hindi mo nga alam ang larong yan eh. Tapos sasabihin mong masaya?"

"Alam ko kaya! Ikaw lang ang walang alam. Kaya sumali na tayo para malaman mo kung gaano kasaya yung laro. Dali!"

"Ayoko nga. Kayo na lang"

"KJ neto. Dali na~" pangungulit nya pa. Aayaw na sana ulit ako ng magsalita sya.

"Tara Kath sali ka na sa amin" yaya ni Kiel. Shems~ totoo ba ito? Niyaya nya ako? No choice na lang ako at sumali. Magpapakachoosy pa ba ako? Si crush na nagyaya sa akin eh.

Find the MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon