~

405 6 0
                                    

~

Hindi parin ako umiimik.

Siguro na mangha ako sa mga nakikita ko ngayon.

Ang laki ng bahay nila.

Mas malaki keysa sa kubo naming tinitirahan ni lolo.

*Flashback end*

Tinuro nya na saakin kung nasaan ang kusina.

Ang kwarto nilang mag asawa.

Ang banyo.

At ang mga dapat kong gawin.

Pero ang pinaka bilin sa akin ay,

*Flashback*

"Eto si Sarah. Anak namin yan ni Ate Roxy mo, ang gusto ko kapag wala kami dito, sya lang ang aasikasuhin mo. Sya lang ang iintindihin mo.

Kasi Ang Ate Roxy mo ay sa gabi nag tratrabaho, ako naman umaga, pero mga 4pm andito na ako. Kaya aalagaan mo ang anak namin ah?"

Paliwanag ni Kuya Allan, Habang Dala dala si Tricia Na 6months palang.

"Opo kuya."

*End of flashback*

So ayun, tinuro na nya saakin ang magiging kwarto ko, okay lang naman sya, maayos.

Di masyadong maliit di rin naman masyadong malaki.

Kaso wala syang pintuan, Kurtina lamang ang nag tatakip sa kabuuan ng kwarto ko.

5 months na ang nakalipas mabait parin ang amo ko saakin.

Kaso, dumating yung time na.

*Flashback*

Matutulog na ako,

Pero biglang pumasok si kuya Allan sa Kwarto ko.

Bigla akong napabangon sa kama ko.

"Oh bakit kuya? May uutos ka po ba?"

Bigla syang umupo sa kama ko na ikinagulat ko.

Natatakot ako sa ikinikilos ni Kuya Allan.

"Meron, Wag kang gagalaw, wag kang gagawa ng kahit na anong ingay, at wag na wag ka mag susumbong sa Ate Roxy mo, Kundi papatayin ko ang Lolo mo."

Nanginginig ako sa takot.

Pero wala akong magawa.

"Kuya Wag po, Pleaseeeee! Maawa naman po kayo sakin!"

Mangiyak ngiyak na sabi ko.

Pero hindi nya ako tinigilan, kundi tinutukan nya ako ng kutsilyo sa leeg.

Wala na akong magawa , kundi manahimik at hayaan sya sa gusto nyang mangyare.

Hinubad nya ang damit ko.

Binaboy nya ang pag katao ko.

Natakot ako na baka may masama syang gawin sa lolo ko.

*End of Flashback*

Hindi ko alam kung ilang beses ako pinasok ni Kuya Allan sa kwarto ko.

Paulit ulit nya din akong tinakot na kapag nag sumbong daw ako,

Papatayin nya si lolo.

Hanggang Sa,

Nabuntis nga ako.

Pinalayas nya na ako bago pa man magising si Ate Roxy.

Hindi nila ako pinasahod.

Wala rin akong kapera pera , Dahil ipinapadala ko kay lolo.

Nakiusap nalang ako sa mga bus o sa mga sasakyan na dumadaan para lang makauwi.

Nang makarating ako sa amin,

Sinalubong agad ako ni Lolo.

Hindi ko kaagad na sabi sa Lolo ko ang Nangyare saakin.

Pero napansin nya ang pagsusuka ko.

Sinubukan din naming mag sampa ng kaso sa barangay namin.

Pero balewala lang, kaylangan daw na sa manila pa kami mag reklamo.

15 years old ako ng ilabas ko ang si Patricia.

Nahirapan ako palakihin sya ng maayos dahil mahirap lang naman kami.

May time din na sumusuko na ako dahil sa hirap ng buhay na meron ako.

Sinisi ko din ang mundo dati, dahil Ganito ang ibinigay na buhay saakin.

Wala akong magawa kundi pilitin mabuhay ang sarili ko at ang anak ko.

Madami akong pag hihirap na dinanas dahil kay Patricia.

Hindi ako makatulog tuwing gabi dahil sa ingay nya pag umiiyak,

Sa umaga naman kaylangan kong pag sabayin ang pag bubukid at pag aalaga sa kanya.

Minsan di narin ako kumakain para makabili ng gatas nya.

Masaya ako kasi lumaki syang Maganda at matalino.

Oo, pinag aral ko sya.

Sa tulong ni Patrick.

Si Patrick?

Asawa ko.

Tama kayo, kasal na ako.

Nakilala ko sya sa bukid namin.

Sya ang bumili nun.

Napamahal na kami sa isat isa.

Hanggang sa umabot na kami sa Altar.

Tanggap nya ako, tanggap nya kami.

Masaya ako kasi may pamilya na ako.

At natagoyod ko si Patricia.

Na kahit na maraming humuhusga saakin noon.

Kinaya ko.

At masaya ako, kasi ngayon, hindi na kami nag hihirap.

May magandang trabaho na ako.

Nag papatakbo na kami ni Patrick ng kompanya.

Si Lolo naman, may sariling bukid na.

Mas malaki sa dati naming pinag tratrabahuhan.

Si Patricia naman, Isang Batang Model.

7years old palang sya pero parang mature na ang utak.

"Bilib na bilib naman po ako sa inyo Ma'am, dahil sa lahat ng hirap na natamo nyo noon, hindi kayo sumuko."

"Ganun talaga, kapag mag isa ka nalang sa buhay. Kapag alam mo na kaylangan mo lumaban."

Sabi ko sa mga batang kinekwentuhan ko ng Storya ko.

"Alam nyo Ma'am, Ikaw po ang magiging inspirasyon namin dito. Dahil sa tapang nyo."

Masayang sabi ng Isa sa mga bata dito sa school na ni sponsor-an namin.

"Salamat, sana wag kayong sumuko sa buhay nyo. Kahit na Nahihirapan kayo. Wag kayong papayag na maapi.

Hindi man mabigyang hustisya ang lahat ng bagay na dapat mabigyan, wag kayong susuko.

Kayanin nyo lahat ng problema na dadating sa inyo, kasi lahat ng yan ay may sulosyun."

Paliwanag ko.

"Opo Ma'am."

Sabay sabay na sagot nila.

"Ohsige Una na ko."

Paalam ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Authors Note:

Dito nag tatapos ang kwento ng buhay ni Trixie, Nahirapan man sya nung una, pero napalitan din ito ng saya dahil sa pag sisikap nya.

Kaya kayo, Wag kayong PBB TEENS! XD

Mahirap ang buhay ngayon, tapos Mag P-PBB pa kayo? Ay bongga talaga! :D

Pero thank you po sa pag babasa, hanggang sa uulitin! ;*

IM 15 & IM A MOTHER :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon