Calia POV.
"Mommy alis na po ako"- ako
" kain ka muna anak, nag handa ako ng pagkain"-Mommy Kath
"pero mommy late na ko"- ako
" okay lang na malate ka wag lang mag palipas ng gutom"-Mommy Kath
"ang sweet naman ng mommy ko yiieee kinikilig ako "-ako
Nagsimula na ako kumain habang si mommy nakangiti lang na pinagmamasdan ako
My name is Calia Santos, mayaman may sweet na pamilya, maayos na tirahan, may magandang pamumuhay at lahat ng gusto ko nakukuha ko at ito ang aking................. mga pangarap.
Nakapasok na ako sa aking school, school na puro pang mayaman lang pwede.....narinig ko ang mga bulungan ng schoolmates ko at lihim akong napangiti
" ang ganda talaga ni Calia"- Girl1
"balita ko nanliligaw si Calix sa kanya yiiieeeee"-Girl2
" oo nga, swerte sila sa isa't-isa"-Girl3Ilan lang yan sa naririnig, kilala kasi ako bilang isang Campus Princess. Matalino, Mabait, at Maganda DAW AKO hahaha
Si Calix naman? Campus Prince siya bukod kasi na gwapo siya, matalino rin siya at mayaman, PERFECT FOR ME DAW
Natanawan ko si Calix sa lobby,hinihintay ako actually pinagkamalan na kami kahit hindi hahah.....Nang makalapit ako bigla siyang umakbay sa akin at nag kwento ng nag kwento walang katapusan hahah
Ang swerte ko sa buhay ko na toh...
.
.
.
.
.
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sapat na ito para mamulat ako sa katotohanang panaginip ko lang ang lahat.....
"IKAW NA BABAE KA, TANGHALI NA !!! BUHAY PRINSESA KA NA NAMAN!!! WALA KANG KWENTA SA BAHAY NA TOH..."-Nanay
piningot niya ako dahilan para tuluyan na akong umiyak
" aray ma...tama na"-ako
"hindi mo ako nanay, HAMPAS LUPA KA!!!"-Nanaykinaladkad ako ng aking SARILING INA palabas ng bahay habang hawak ang aking buhok....bulungan ng mga kapitbahay namin ang aking naririnig lahat ng sinasabi nila ay mapang husga
" LUMAYAS KA ! HINDI KITA ANAK, WALA KANG SILBI SA PAMAMAHAY KO,"-Nanay
Pumasok na si mama, habang ako
tahimik lang na umiiyak habang naka-upo sa daan, ako si Calia Santos, isang mahirap na babae, binubugaw ng sariling ina, ako ang babaeng mataas pa sa bituin ang pangarap, ako ang babaeng nangangarap lamang,
hanggang pangarap lang