Chapter 1

48 1 0
                                    

"Adelina Marie! Sa table number 4 daw oh!" Napalingon siya gawing kanan ng sumigaw ang baklang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Nakasuot ito ng mahabang bistida na kulay green. Marami ring alahas na nakasabit sa katawan nito. Ganitong oras kasi marami naring tao sa bar kaya lumalabas rin ito sa sariling opisina para magmanman sa mga nagtatrabaho o kung maayos ba ang bar.

Pumunta naman agad siya sa sinabing table para kuhanin ang mga order. Doon niya nadatnan ang ilang lalaki na mukhang galing pa sa trabaho dahil tinanggal na nito ang coat at nakalagay lang sa gilid. Nagkekwentuhan ang mga ito at nagtatawanan. Malalakas ang mga boses.

"Damn, man. There are so many high-end bars around the town but why here?" Rinig niyang sabi ng isang singkit na maputing lalaki na inililibot ang tingin.

Mukhang mayayaman.

"Just order your drink, jackass." Rinig niyang sambit pa ng isa nitong kasama.

Tumikhim siya para mapansin siya ng mga ito. Hindi pa naman ganoon kalakas ang tugtugin sa bar kaya maririnig siya nito. Nagsilingunan ang mga ito sakanya.

"S-sir. Kukunin ko po order n-niyo." Nauutal niyang sabi dahil naiilang siya sa mga tingin ng mga ito. Tama nga naman yung singkit na lalaki dahil marami namang mas magagandang bar kesa dito. Hindi kasi ito kagandahang bar pero dinadayo din ng mga manginginom. Lalo't na tuwing hating-gabi ay nagpapa-show si Mamang ng mga babae. Kaya mas maraming parokyano ang napunta sa mga ganong oras.

"Miss, we would like to take five beers, five grilled liempo and five sisig. Thank you." Sabi ng lalaki na parang kabisado na ang mga pulutan rito. Nginitian siya nito. Sinulat naman niya ito sa maliit na notebook at binalingan ulit ang mga ito. Nakita niyang nakatitig sakanya ang isang lalaki pero nagiwas siya ng tingin.

"I-seserve nalang po namin ang order niyo, sir." Sabi niya. Aalis na sana siya ng tawagin siya ng lalaking nakatitig sakanya.

"Hey, miss ganda! Would you mind if you could also serve it to us?" Sabi ng lalaki na may paglarong ngiti. He has this spiky hair style but looks good on him, auburn eyes, pointy eyes and prominent jaw. Masasabi niyang maganda ang pangangatawan nito dahil sa hapit nitong dark blue long sleeves.

"Fucker. You can go now miss." Sabi ng lalaki kanina na nagbigay sakanya ng order. Tumango lamang siya at umalis na.

Napailing-iling siya dahil hindi narin naman bago sakanya iyon. Nagiingat rin siya dahil minsan ang mga customer nila ay mga walang modo at bastos.

Binigay niya naman sa katrabaho niya ang mga order na nakuha niya. Nilibot niya rin ang paningin niya sa buong bar.

4th year college na siya sa kursong Business Administration. Nakapag aral siya sa isang unibersidad dahil kumuha siya ng scholarship. Nag-exam siya at nakapasa naman siya roon. Kumuha siya ng scholarship dahil sa kapos sila sa pangangailangan sa pang araw-araw. Kasama niya ang nanay niya na namamasukang labandera sa mga kapitbahay nila sa baranggay na tinitirhan nila. Wala naman siyang ibang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. Hindi rin naman niya kasi nakilala ang tatay niya dahil sabi ng mama niya ay iniwan daw sila nito nung pinagbubuntis pa siya. Hindi narin naman niya ito hinanap dahil ano pa bang gagawin niya kung ang mismong tatay niya ang umalis sa buhay nila ng kanyang nanay? Wala naman siyang galit o sama ng loob dito.

Kaya ang gawain niya sa pang araw-araw ay nag-aaral siya sa umaga at pagdating naman ng hapon hanggang alas diyes ng gabi ay nagtatrabaho siya.

"Del, sabay na tayong umuwi ha? Trenta minutos nalang naman ay out na natin." Sabi sakanya ni Gecka na katrabaho niya dito. Ilang oras narin siyang nakatayo at naglilinis ng mga lamesa na pinag-iwanan ng nga customer nila. Tumango naman siya at pinunasan ang pawis niya sa may noo. Napabuga siya ng hangin dahil sa pagod.

"Sige. Doon na muna ako." Nginitian niya ito at pinagpatuloy ang pagkuha ng mga basyo ng bote sa lamesa at nilalagay sa may itim na malaking plastic box.

"Miss g-ganda! Hindi kana bumalik sa table namin!" Napaharap siya sa nagsalita mula sa likod at nakita niyang yung lalaki kanina sa table number 4 iyon.

Mapula ang pisngi nito at mapungay ang mga mata. Halatang lasing na ito.

"S-sir." Sambit niya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Tinignan naman niya ang table nito at nakita niyang andoon pa ang mga kaibigan nito na abala sa pakikipag-usap sa mga kasamang babae.

"I didn't get to know your name." Buhol-buhol nitong sabi at umabante papunta sakanya. Napaatras naman siya at napahawak sa lamesa.

"S-sir. Lasing na po kayo."

Tumawa ito at muntikan ng mabuwal kung hindi niya pa hawakan sa braso nito.

Nagsasalita ito pero hindi naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Iniingatan niyang huwag iting matumba dahil pati siya ay matutumba rin panigurado.

"Your name, ganda." Pangungulit pa nito at hinapit siya papalapit dito. Nabigla naman siya sa ginawa nito.

"M-m-marie po, sir. Marie." Sabi niya nalamang dito para tumigil na. Ngumiti naman ito sakanya ng malapad pero nakapikit na ang mga mata. Walang pagkakaila na gwapo itong lalaki at mukhang modelo.

"Damn you, dude! Stop harrasing her!" Biglang sulpot ng kaibigan nito at hinila ito.

Tatawa-tawa naman ito at nginitian siya.

"Fck. Lasing kana, gago!" Sabi pa nito at binatukan. Bibigwasan naman sana ito ng lalaking lumapit sakanya ng muntikan ng itong bumagsak.

"Seb, I know her name already." Sabi pa nito sa kaibigan at ngumiti sakanya. Lumingon naman yung lalaki sakanya.

"I'm sorry about him, miss. He's drunk. Did he do something to you?" Sabi pa nito. Mabilis naman siyang umiling.

"Wala po, sir. Tinanong lang niya po ako kung anong pangalan ko." Tumango naman ito. Inalalayan naman ito ng kaibigan nitong si Seb.

"Get up you punk. Jack, c'mon." Pasuray-suray itong bumalik sa table nito. Nang makaalis na ito ay nilinis niya ulit ang mga basyo ng alak.

Habang nagpupunas sa mesa ay iniisip niya kung may nakaligtaan ba siyang gawain sa school. Kailangan niyang ayusin ang pag-aaral niya lalo na't huling taon niya narin naman ito.

Hindi rin naman nagtagal ay nag-out na sila at lumabas na sila sa bar ng kaibigan niyang si Gecka. Naglalakad sila papuntang sakayan ng jeep. Parehas naman kaming sasakyan ng jeep kaso mas mauuna akong bumaba kesa sakanya.

"Nakakapagod! Hay!" Sabi ni Gecka na may kasama pang buntong hininga at unat ng braso. Tinawanan naman niya ito ng onti dahil sa reaction.

"Masanay kana, Gecka. Ganito talaga kailangan magkayod para may pang-mattikula." Sabi niya.

"Paano kaya kung pinanganak akong mayaman? Hindi siguro ako nagtatrabaho ngayon ng ganito at nahihirapan makakuha ng pera pang-matrikula." Sabi pa nito at nakatingin sa may langit. Maiitim. Walang kang makikitang bituin.

Kahit kelan ay hindi siya naghangad na maging mayaman dahil kahit ganito sila kahirap ng nanay niya ay hindi niya ito ipagpapalit sa iba. Nakukuha niya ang pagmamahal na kailangan niya kahit pa wala siyang ama. Punong-puno ng pagmamahal at maligaya na siya doon.

"Mahirap maghangad ng ganyan, Gecka." Sabi niya rito. Ngumuso naman ito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hindi naman masama mangarap, Del. Gusto ko lang pag nagkapera ako ay maibibigay ko sa mga kapatid ko ang mga gusto nila. Yung mga laruan na gusto nilang bilhin, yung mga damit at iba pang gamit. Mahirap yung ikaw lang ang tumatayong magulang sa mga kapatid mo. Yung tipo na mawawarak ang puso mo pag hindi mo nabigay ang gusto nila? Pero alam nilang wala kaming pera kaya kahit gustong-gusto nila iyon ay ngingiti nalang sila sayo sabay iling." Garalgal nitong sabi.

Hinawakan niya ito sa kamay at pinisil iyon.

"Magtyaga tayong makatapos at makahanap lang ng trabaho. Maiibibigay natin sakanila iyon ng paunti-unti. Sabay tayo ha? Hanapin natin ang isat-isa kung kelan tayo nawawalan ng pag-asa." Sabi niya rito. Nginitian naman siya nito at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay niya.

Tumingala siya sa langit. Itim na kalangitan na may kahalong asul. Mahirap man aninagin pero alam mong maganda kung sakaling makita mo ang liwanag.

Heart VacancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon