December 7, 20**
3rd Person's POV
"Dalhin mo siya dito, ngunit wag mo siyang saktan." Sabi ng lalaki sa malamig na boses na maririnig sa gitna ng nakakabinging katahimikan.
"Iyon lang ba?" Walang emosyong sagot ng kaniyang tauhan
"Aasahan ko siya sa bahay bukas ng alas dyes, siguraduhin mong walang nakaka-alam na nawawala siya" Dugtong ng lalaking nakatalikod na nakaupo sa isang swivel chair ng kanyang opisina.
"Masusunod, asahan niyo bukas sa napagusapang oras" sagot ng kaniyang tauhan at marahang tumayo sa kinauupuan.
"Mauna na ako" Tuluyan na itong naglakad paalis. Unti-unting nawawala ang mga tunog ng yapak at maririnig ang pagsarado ng pinto.
Habang ang lalaki ay nakamasid parin sa labas. Na para bang ang lalim ng iniisip. Ang kanyang kaharap na salamin na dingding. Matatanaw ang mga naglalakihang gusali, umiilaw na poste at mga sasakyang tumatakbo.
Unti-unti niyang inaangat ang kanyang ulo. Ang mga kumikinang na bituin na para bang kay lapit sa iyo, ngunit ang hirap abutin at ang buwan na nagbibigay ng liwanag sa gabing ito.
"Para kang bituin, malapit ngunit ang hirap mong abutin" Sabi nito habang nakamasid sa mga bituin na nasa langit.
"Pero hindi ka naman bituin, kaya walang dahilan para ako ay sumuko, konting panahon na lang" Salitang dapat mong tandaan, dahil hindi siya susuko hanggang sa hindi niya nakuha ang kaniyang gusto.
Tumalikod siya, at tuluyang naglakad palabas ng kaniyang opisina