Chapter 1: NBSB

95 2 2
                                    

Chapter 1: NBSB

("When will you come and find me?")

Ang buhay ay puno ng sorpresa. Walang makakasabi kung anong mga numero ba talaga ang lalabas sa lotto, kung matatalo ka nanaman ba o kung ikaw na ang makakakuha ng jackpot prize o kung ikaw ay isa nanaman sa karamihan na hanggang ngayon ay nangangarap na sana ay magbago ang takbo iyong ng buhay. Hindi natin masasabi kung ano ba ang mangyayari bukas. Kahit ang isang manghuhula sa Quiapo ay hindi naman kaya sabihin ang mga eksakto na mangyayari sa iyo. Ang tangi lang nila masasabi ay mga clues na hindi ka naman mapapakali kung kailan mangyayari ang mga ito.

Ikaw ba ay matatakot? Matutuwa? Ma-eexcite? Well ganyan ang nangyari sa akin. I don't know what kind of reaction I should give pagtapos na magpahula ako. Saan pa nga ba ako nagpahula? Sa Quaipo lang naman, syempre.

"Laika ayoko natatakot ako mangpahula," ang sabi ko habang si Laika todo hikayat sa'kin na magpahula ako. Pakiramdam ko nga sales lady siya sa mall na todo promote ng produkto na binebenta niya eh.

"Come on Miyu. Hula lang naman to eh. It's just an assumption kung ano ang mangyayari. Hindi naman porket nagpahula ka mangyayari kagad."

"Ikaw nalang kaya ang magpahula? Bakit ako pa." Tanong ko.

"No need. Nagpahula na ako before."

"Teka bakit di ko alam yan?"

"Eh pano mo ba malalaman kung lagi ka nalang busy sa school? Minsan nalang tayo makapag bonding noh." Yamot na sabi ni Laika sakin.

Ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Lagi nga pala ako busy sa school. Isa nga pala akong student assistant ng aming eskuwelhan. I'm actually a scholar sa labas ng school namin (iskolar ako ng kaibigan ng kapatid ko sa abroad). But since mas madiming privileges kung magiging student assistant pa ako, I grabbed the opportunity. Libre na tuition ko, libre na mga supplies ko sa school, may allowance pa ako. Doble allowance dahil scholarship plus student assistant equals more profits! Hindi ko pinagkakakitaan yung pag-aaral ko kung yan naiisip niyo. Nag iipon kasi ako. Paano ba naman. Dalawa nalang kami ni Kuya dito sa mundo. Iniwan na kami na kami ng aming beloved parents. Dahil doon ay kailangan ko mag sumikap para naman hindi lang si kuya ang nag kakanda ugaga na alagaan ako sa araw-araw.

"Nakakapagtampo ka naman minsan Miyu. Ako na nga nalang ang iyong one and only bestfriend hindi mo pa kaya mag laan sa akin ng oras. Huhuhu."

Ay hala nagdrama ang bestfriend ko. That's my sweet loving bestfriend Laika dela Paz. She is the only daughter of the well known Dra. Lila dela Paz and Dr. Kalvin dela Paz. Pareho sila na nasa field ng cosmetology and dermatology. Madaming artista ang nagpapa appointment sa kanila. Mostly para mag pa retoke. Si Laika ang magmamana ng family business nila kaya heto siya todo aral para makapag doctorate. She is my only friend in our school. Well kahit sa labas ng school siya lang. Eh pano ba naman kung maka obvious makalayo yung mga ka-iskuwela ko sa akin napaka wagas. They just don't want to talk to me because they say that I'm a weird nerd. Weird? Hindi ba weird lahat ng nerd? Anyway, wala ako pakialam kung ano iniisip nila tungkol sa akin. Wala akong time para makipag-usap ng kung ano anong bagay (tulad ng mga walang katuturan na tsismis) kasi busy ako lagi. Well these busy bees always look at me from head to toe. Alam ko naman kung ano ang ibig nilang sabihin eh. Wala rin akong time para mag ayos dahil para sakin there is no need to primp myself up in this school kasi wala naman ako dapat pagandahan kasi wala naman ako na crush este mas maigi na yung simple noh. Tsaka mahal ang make-up. Mahal!

Nung bumili kasi ako ng make-up sa bangketa hindi na naulit kasi mura nagkatigidig ako. Grabe itchura ko nun para ako na-infest ng mga kagat ng lamok sa mukha. Napaka kati pa. Sabi ni Laika sensitive daw yung balat ko kaya hindi pwede sa akin yung nasa bangketa kelangan yung branded daw na nasa mall or yung mga dermatologist tested daw. Ma? Pa? Bakit ba naman pangkutis mayaman po ang balat ko?

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon