Chapter 10: The play

21 0 0
                                    

Chapter 10: The play

("What did just happened?)

 

After a week tinanggal na din sa akin yung casts ko na napaka-kati! Yung midterm exams ko naman kahapon ko lahat kinuha. Grabe muntikan na mag short circuit yung utak ko kasi isang bagsakan lang lahat ng exam ko. Naintindihan ko naman sila kasi one week na daw nila ko na-delay kasi na-aksidente daw ako. Kaso pag di pa daw ako nag exam baka mag-karoon daw ng problema grades ko kasi time sensitive yung computer ng school namin. With this kind of policy hindi ka talaga makakapang-daya. After ng whole day exam ko kahapon, parang nahihilo-hilo pa din ako. Kahit sabihin na scholar ako syempre tao rin naman ako marunong din naman mapagod itong utak ko.

Anyway, two weeks nalang! Kailangan na ni Prof. Ryan yung script! Dahil na-aksidente daw ako, sabi nung librarian bibigyan daw niya ako ng one week day off sa pagiging student assistant ko. Ang bait niya pala. Akala ko napaka-sungit niya kasi madalas siya manita ng maiingay na estudyante sa library.

Andito ako ngayon sa classroom. Walang klase. As usual, kapag tapos naman yung exams lagging may isa o dalawang araw na pahinga kaming mga estudyante kasi busy yung mga prof namin sa pag-checheck ng mga papers namin. Heto ako nakatulala iniisip kung anong magandang ilagay sa script. Tinitignan ko yung ginawa ko na draft last week. Habang nakatitig ako sa draft hindi ko namalayan na may nakatingin pala na iba sa hawak ko na papel.

"The Heartless Prince." Sabi ni Kaito.

Nagulat ako. Kulang nalang mapatalon ako sa upuan ko. Natawa naman siya sa akin ng hindi inaasahan.

"Ha ha. That reaction is so cute."

Napatitig ako sa kanya ng seryoso. Napansin ko na naka-glasses ulit siya. Wait...glasses? Prince? Heartless...prince? Si Kaito naman takang-taka kung bakit titig na titig ako sakanya ng walang sali-salita.

"H-hey? Don't stare at me like that. You are freaking me out." Nag-blush siya bigla.

"Alam ko na!" Sabay sabi ko ng bigla. "Looking at you like that just gave me an idea! Thank you." Sabay alis ako.

Nakita ko naman na naiwan ko siya na mukhang confused.

(After a couple of days)

Finally after ng ilang araw ng hindi ko pagtulog natapos ko na din. Natapos ko na!!! I think I was too inspired para matulog kaya hindi ko tinantanan itong pag-gawa ng script na to! It's finished! My Le Masterpiece. Ha ha. Grabe nakakabaliw pala yung ganito. Yung tipong ilang araw ka ng hindi nakakatulog. Teka parang nakakahilo ng onti.

Nagmadali ako pumasok para ipakita kay Sir Ryan yung ginawa ko. Medyo kabado pa ako nung una. Si Sir Ryan kasi yung head ng drama club kaya ine-expect ko na madami siyang side comments na kung ano.

"Okay. I read your script and...it was very good! We'll use it for the foundation day! I'll talk to the drama club about this immediately para ma-practice na nila kagad yung roles nila."

Ang sarap sa pakiramdam na yung pinaghirapan mo worth it naman. Sa sobrang saya ko tinawagan ko si Laika sa phone kaso sabi niya busy daw siya kasi may problema nanaman daw siya sa isa niyang subject. So heto ako pinuntahan ko si Kaito sa rooftop. Alam ko kasi na lagi siya andoon. Nang makarating na ko sa rooftop, wala siya. Nagtaka naman ako kasi bukas yung pinto. Umupo ako sa may sulok, malinis naman yung sahig eh kaya okay lang. At tsaka wala naman siguro mamboboso sakin kahit naka-palda ako kasi ako lang ang andito. Napasandal ako sa pader. Ang banayad ng hangin. Parang ang sarap matulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon