SIMULA

21 3 11
                                    

Shit-shittttt!!!' Sigaw ko habang hinihipan ang napaso kong kamay.

Kundi ba naman ako tanga't kalahati e binuksan ang kawali ng wala man lang pot holder.

Syunga syunga ka talaga  Chinie.

Di ko na lang pinansin pa ang namumula kong daliri dahil sa paso kanina.

Agad-agad ko na lang dinala yung noodles kay Mama.Malamang gutom na 'yun.

Nakita ko syang tulala na naman at tila malalim ang iniisip.

Hayssss.. Habang tinitingnan ang kalagayan nya ngayon pinipigilan ko ang mga nagbabadyang pagpatak ng mga likido mula sa mata ko. Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang ginawa 'to.

Kailangan kong maging matatag.

'Inay. Ito na po ang noodles. Higupin nyo na hangga't mainit pa' sabi ko habang pinapakita ang pag ngiti ko. Alam kong ito na lang ang tanging paraan upang gumaan ang loob nya.

Inalalayan ko namang maka ayos ng tayo si Inay.

'Chinie, alam kong ayaw mong sabihin ko ulit ito sa'yo pero gusto kong sabihin sayo dahil baka ito na ang huling pagkakataon . Chinnie anak magpakatatag ka lagi mong tatandaan ang lahat ng sinabi ko sa'yo. Alam kong alam mo na hindi nako magta---' agad ko syang pinutol sa balak nyang sabihin.

Ito na naman kami. At ito na naman sya sa mga sinasabi nya.

'Ma , ito na naman ba tayo? Ma, alam kong ayaw mo ding  iwan ako. Nagpapaka tatag ako para sayo ,Ma. Kaya sana 'Ma magawa nyo ding lumaban para sakin . Please naman 'Ma oh.'  hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Hindi ko magawang isipin ang mamuhay ng wala si Mama sa tabi ko parang nagsisimula nang gumuho lahat ng pangarap ko. Lahat ng pangarap na sinabi nyang tutuparin namin ng magkasama .

Pero bakit ganyan sya? Bakit parang ... parang gusto nya nang magpa--

Hindi. Alam kong hindi pa.

Oh, Lord please. Pleaseeee.

'Chinnie ,Anak' sabi nya habang hinahaplos ang mukha kong puno na ng luha .

'Walang permanente dito sa mundo. Kahit buhay ng tao hindi din. Pero isa lang ang sinisigurado ko sayong hindi magiging permanente .' sabi nya habang nakangiti sakin.

' Yun ay ang pagmamahal ko sa'yo Anak. Mahal na mahal ka ni Mama' hindi ko na napigilan . Bumigay na lahat sakin.  Napahikbi ako ng sobra.

'Mahal na m-mahal din k-kita 'Ma'  huling sinabi ko sa kanya.

Di 'ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Psh. Nakalimutan ko palang isarado kagabi.

Napatingin ako sa tabi ko. Tulog pa si Mama.

Gigisingin ko na sana siya pero naramdaman kong sobrang lamig ng kamay nya.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

A-anong n-nangyayari?

Inalog ko si Mama.

'Ma . G-gising k-kana.' pero no response.

H-hindi. G-God pleaseee. Wag .

Inalog ko ulit sya ng ilang beses. Pero wala pa din.

Nagb-blur na ang paningin ko.

Wala nakong nagawa. Napaluhod na lang ako sa sahig habang umiiyak.

B-bakit 'Ma?

Naalala ko. Magkausap lang kami kagabi.

Hindi ko matanggap na tuluyan na 'kong iniwan ng taong tanging meron ako.

Iniwan na 'ko ng taong kasama kong mangarap.

Wala na siya.

Wala na...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Control This FeelingWhere stories live. Discover now