Chapter 1

204 3 0
                                    

Jimin

"Hoy! Jimin bumangon ka jan!" Jin

Ay langya aga pa ah. Nu ba meron?

"Hoy! Walanghiya kang unano ka! Malolosyang na ang precious face ko sayo!" Jin

"Hmmm.... Ano ba meron?!" Me

"Nandito si Pdnim!" Jin

Bigla akong bumangon sa higaan ko.

"Nasaan yung Banyo?!" Me

"Ayan sa sobrang taranta kahit nasa harap na yung banyo di pa makita" Namjoon

"HAHAHAHAHAHA!" Kookie

"Kookie? Pinagtatawanan mo ang first love mo?" Me

"Guys tara na galit na si Pdnim" kookie

Pumasok na agad ako si CR. Bwiset ang aga kasi kung dumating kala mo may pupuntahan.

Pagkatapos kong maligo bumaba na agad ako.

"Jimin the pogi! Present!" Me

"Asan si Pdnim?" Me

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Sila

"Mamaya pa siya darating." Yoongi

"Jin! Bakit mo ko ginising agad" me

"Eh paano pagkagising ko naririnig kong pinagpapantasyahan mo ang anak ko!" Jin

"May pa'I love you kookie' ka pang nalalaman jan! HAHAHAHAHA" Taehyung

"CHE!" Me

"Boys"

"It's liver lover bo-" Namjoon

"Atay tayo jan" Kookie

"Oh ano na? May sasabihin ka Pdnim?" Yoongi

"Oo. Di ba concert niyo ngayon?" Pdnim

"Ah concert....." Jin

"CONCERT?!" kami

Dali-dali kaming nagsipasok sa mga kwarto namin. Ay? Naligo na ko ah?

Bumaba ako.

"Naligo na ko eh" me.

Pumunta na lang ako sa wardrobe namin at  tiningnan kung anong susuotin namin ngayon.

Pagkatapos kong magbihis pumunta na ko kay Pdnim.

Lumabas na rin yung ibang members kaya pumunta na kami sa van.

"Aba! Aba! Jimin bakit ikaw ang katabi ni kookie ha?!" V

"Eh paki mo? Ako nauna eh. First come,first sit." Me

"Tanga serve yun!" Jin

"Hayaan niyo na bakit ba?" Me

Pinikit ko na lang yung mata ko.

Bianca

"Ahhhh!!!! Ngayon concert ng Bangtan!" Me

Yan agad ang sinabi ko pagkagising ko. Aba first time ko yatang umattend ng concert. Bias group ko pa. HAHAHA.

Naligo na ko at kumain. Bumaba ako para batiin si mama.

"Hi ma! Bye ma!" Me

"Hi nak! Bye nak!" Mama

Oh di ba. Ganyan ako sa nanay ko.

"Hoy! Teka nga Bianca! Baka hindi mo ako bilhan ng poster ni Jungkook ha!" Mama

Oh ha! Fangirl din si mother Earth.

"Opo inang kalikasan!" Me

Umalis na ko at dumiretso sa MOA arena.

Pagdating ko sa Arena binigay ko na agad ang VIP ticket ko. You heard me right. VIP!

"ARMYS!" Namjoon

"Ahhhhhhhh! Namjoon! Mukha ka talagang badjao na pogi!!" Me

Nasimula na silang kumanta. Ay shet! I need U ang inuna peyburet ko yan!!!!!

Ayan na ayan na chorus na!

"I need u, girl wae honja saranghago honjaseoman ibyeolhae!" Me

Ay shet wala pa pala.

"Teh. Wag kang advanced." Girl.

"Sarreh huh? Sarreh. Bat ba excited ako eh"

Natapos na silang kumanta syempre hindi ako makukuntento sa ganito lang. Kukuha ako ng damit mula kay Jimin.

Pumunta ako ng backstage. Nakitang nagbibihis si Jimin. Syempre pinigilan ko ang kilig ko.

Nag-ala spy ako papuntang wardrobe ni Jimin. At doon ko nakita ang briefs,boxers,damit, shorts. Shet kasya kaya sa kin yung brief niya? Gusto ko suotin. Sa ulo kaya?

Ay Bianca good idea. Ang talino ko shet. Kumuha ako ng 2 brief ni Jimin. Inamoy ko pa yung isa. Shet bakit amoy downy? Ay syempre nilalabhan yan.

"Hoy! Sino ka?!"


WE GOT MARRIED JiminWhere stories live. Discover now