Mahimbing na natutulog si Kio nang may maramdaman siya na kung ano sa may binti niya, dahil sa magandang panaginip ay binalewala niya ang nararamdaman, ngunit nang mapagtanto niya kung ano ito ay agad siyang napabalikwas sa kanyang higaan.
Nagulat siya ng malamang katabi niya na pala ang kanyang kaibigan na si Lowie at nakadantay ang kanyang paa sa pribadong parte nito. Agad niyang inialis ang kanyang mga paa dahil nararamdaman niya ang katigasan nito.
"Pinapasok na naman ba ni Mama ang kupal na ito?" tanong niya sa kanyang isip.
Mabilis siyang bumalikwas ng bangon ngunit hindi ito natuloy dahil sa biglaang pagyakap ni Lowie sa kanya.
Noong una ay kumakawala siya sa yakap nito ngunit nang napagtanto niyang hindi siya nito pakakawalan ay hinayaan niya na lamang ito."Tsk. " sabi ng isip niya.
Inis siyang bumalik sa pagkakahiga dahil sa malalintang yakap sa kanya ni Lowie.
"Pasalamat ka mahal kita. Kung hindi, nasipa na kita paalis sa kama ko," bulong ng kanyang isip, "ikaw lang ang hinahayaan kong yakapin ako," dugtong nito.
Muling siyang bumalik sa pagtulog upang ipagpatuloy ang naudlot na panaginip.
....
Lowie's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagalung sa labas ng pintuan.
"Ikaw na kasi ang magbukas" ang sabi ni Miko, nakababatang kapatid ni Kio.
"Ayoko nga! Baka mapagalitan ako ni Ate no! " angil naman ni Niko, ang kakambal nito.
Bumangon na ako sa kama para pagbuksan ng pinto ang dalawa. Dahil hindi sila titigil sa pagtatalo hangga't walang magpapaubaya sa kanilang dalawa. Lagi na lang ganito ang dalawa tuwing gigisingin kaming dalawa ni Kio.
"Kuya Lowie! Gising ka na pala," gulat na sabi ng dalawa pagbukas ko ng pinto.
"Pshhh! Bakit ba ang ingay niyo. Alam niyo namang natutulog kami ng ate niyo," singhal ko sa kanilang dalawa.
"E-eh kuya, p- pinapagising kasi kayo n-ni mama e-eh" nauutal na paliwanag ni Miko.
" Kakain n-na daw po kasi" dugtong naman ni Niko.Si Tita talaga hindi na nasanay. Tsk tsk.
"Sige, sabihin niyo kay Tita bababa na kami ni Kio, ako na lang ang gigising sa ate niyo"
"Sige K-Kuya," mabilis na sagot ng dalawa at dali daling bumaba sa may kusina.
Pumunta ako kay Kio, na mahimbing na natutulog. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako hinahayaan ng magulang ni Kio na matulog dito sa kwarto niya, well kung hindi niyo itatanong, ako lang naman ang kaisa-isa niyang pinakagwapong kaibigan. Hahahaha. Biro lang, pero gwapo talaga ako. Ang totoo niyan magkababata kaming dalawa ni Kio kaya malaya akong nakakapasok dito sa bahay nila maging dito sa kwarto niya. Simula pa noong mga bata pa kami, magkatabi na talaga kaming natutulog ni Kio at hanggang ngayon ay hindi nagbabago yun. Magkaibigan kasi si Mama at Tita Kei nung mga kabataan nila kaya may tiwala sa akin si Tita na wala akong gagawing masama kay Kio, kaya hinahayaan niya rin ako rito sa kwarto niya. At saka hindi siya kagandahan para mapagnasaan ko. Napakapangit ng kababata kong ito.
"Kioooooooo!" sigaw ko sa may tenga nito. Napabalikwas ito ng bangon dahil sa pagkagulat.
"Hahahahahaha," malakas kong tawa dahil sa nakakatuwang reaksiyon nito. Pero bigla ko itong napigil nang dumapo ang nanlilisik na mata ni Kio sa akin.
Patay. Sabi ng isip ko. Mukhang nagalit ko ata siya. Kailangan ko ng lumabas dahil paniguradong mabubugbog ako nito.
"A-ahh, K-Kio m-mabuti nam-man a-at g-gising k-ka na," natatakot kong sambit.
Kung hindi niyo kasi maitatanong ay masamang magising ang isang to lalo na kung ginigising siya sa masamang paraan. At mukhang nakalimutan ko yon, dahil sa lagay niya ngayon ay wala akong kawala kaya naman.
"A-aa e-e Kiobababanakokakainnadawkasisabinitita" mabilis kong sabi at kumaripas ng takbo pakusina.
"Loooowwwwwiiiiiiieeeeeeee!"rinig kong pagalit na sigaw nito.
"Mukhang masama ang pagkakagising mo kay Kio, Lowie," nakangiting sabi sa akin ni tita.
"Haha. Mukhang napasobra nga po ako Tita," nahihiyang sabi ko.
Kio's POV
Mabilis akong napabalikwas dahil sa lakas ng sigaw ni Lowie sa aking tenga.
"Lowiiiiieeeeeeee!"pagalit kong sigaw sa kanya habang tunatakbo siya pababa.
"Siraulo ka talagang hinayupak na tukmol ka, dapat pala sinipa kita ng nakita kita sa kwarto kong hayop ka! Wala ka talagang kwenta, palagi mo na lang akong iniinis" mahaba kong sabi habang bumababa pakusina.
"Kung sipain ko kaya yang dalawang itlog at hotdog sa pagitan ng mga hita mo. Ha!" singhal ko habang hinahampas siya.
"Aray. . Teka. Tama na Kio."sagot nito.
"Anong itigil? Yan ang nababagay sayo! Bakit ko ba kasi hinayaang dito ka matulog!"
Tarantadong to, matapos kong hayaang matulog siya sa kwarto ko ay wawalanghiyain niya na ako. Hindi porke mahal ko tong ungas na to ay hahayaan ko na siya sa mga kabaliwan niya. Pinaka-ayoko pa man din sa lahat ay ang pagsigaw sa tenga ko para lang magising.
"Hehe. Sorry na, Bebe Kio," malambing na sabi ni Lowie sa akin.
"Yan, ganyan, manlalambing ka lang kapag may nagawa kang kasalanan," sagot ko "pasalamat ka talaga, mahal kita," pabulong kong habol.
"Anong sabi mo?Hindi ko narinig" tanong niya sa akin habang patuloy sa paglalambing sa akin.
"Wala, ang sabi ko, ang pabebe mo"
"Weh? Parang hindi naman yung sinabi mo eh," pangungulit nito," mas mahaba pa dun".
"Yun nga yung sinabi ko, bakit ba ang kulit mo? Gusto mo bang magalit ulit ako ha" angil ko sa kanya.
"So, pinapatawad mo na ako? " nakangiting wika nito.
"Ayaw mo?"
"Siyempre hindi", "kaya mahal na mahal kita eh" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Natigilan ako sa sinabi ni Lowie
"Itigil niyo na nga yang paghaharutan niyong dalawa, ke aga aga nagbabangayan na naman kayo. Halika na kayo at kakain na"
Bumalik ako sa huwisyo sa sinabi ni mama.
"Haha, kayo naman tita, di na kayo nasanay," sagot ni Lowie "alam niyo namang bugnutin tong unica iha niyo".
"Siya siya. Halina kayong dalawa, dito ka na kumain Lowie"
"Hindi na po Tita, baka po hinahanap na rin ako ni mama, tumakas lang po kasi ako kagabi papunta dito. Hehehe"
"Naku! Ikaw talagang bata ka, nagmana ka talaga sa tatay mong maloko" nakangiting saway niya kay Lowie, " O siya sige, mauna ka na at baka hinahanap ka na ng nanay mo. Ang laki laki mo na napakapasaway mo pa rin."
" Sige po Tita una na po ako" paalam niya kay mama sabay halik sa pisngi nito.
" Hoy! Panget!" sinamaan ko siya ng tingin ng tawagin niya akong panget.
"Huwag ka nang malungkot, babalik din ako," dugtong niya habang papalabas ng pinto.
" Psh. Asungot! Bakla! " bulong ko habang paalis siya " madulas ka sana! " dugtong ko pero kabaliktaran ang nangyari dahil nahulog ako sa upuan ng bumalik siya sa may pinto para lang kindatan ako at sabihing "wag mo kong masyadong mami-miss , hindi ako magtatagal" at tumawa pa ang kupal nang makitang nahulog ako sa upuan.
" Uggghhhh! Walanghiya ka talagang hayop ka! Umalis ka na! Wag ka ng babalik! Hindi kita mami-miss! Ughhhh!"
.....