Chapter 7

40 3 1
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Oo marunong rin naman ako magdrive trip ko lang tlga minsan na magbiyahe para naman makaranas ako at malaman ko kung ano feeling.

Pinaharurot ko yung sasakyan ko. Pero shocks! Di ko natanong kung saang ospital. Tinabi ko muna ang kotse sa gilid ng daan at hinanap ang cellphone ko. Pero malas nga naman naiwan ko!

Di bale! Hahanapin ko na lng sya sa mga ospital dito. Dun ako pupunta sa malalapit na ospital sa village namin. Siguro nandun sya nakaconfine. Pinaandar ko na rin yung sasakyan at nagsimula ng maghanap. Tumigil ako dito sa may ****** hospital.

Sana nandito siya *cross fingers*

Pumunta ako sa may nurse station at nagtanong.

"Excuse me miss meron po bang pasyente dito na nagngangalang Ren?" Geez! Di ko pala alam surname niya.

Tumingin muna siya sa computer niya bago magsalita.

"Sorry po mam wala po kaming pasyente na Ren ang pangalan."

Naknang tokwa naman. Wait pano kung palayaw lng pala niya yung Ren? At short cut lng pala yun sa pangalan niya?

"Umm miss. Pwede patingin lahat ng pasyenteng nagsisimula sa letter R ang pangalan?"

"Sige po mam. For a while po"

After ilang minutes. Binigay niya na sakin yung listahan.

"Rony, Rederick, Romeo... Blah blah blah." Mukhang wala atang katunog nung pangalan ni Ren dito. Haay.

Binalik ko na lng ying listahan at nagpasalamat sa nurse.

How can I find him? I don't even know his surname.

Agad agad akong lumabas ng ospital at nagmadaling istart ang kotse. Yung susunod na ospital naman na malapit dito ang pupuntahan ko.

Pinaharurot ko na ang sasakyan. Singit ako ng singit sa mga kotse. Kailangan ko magmadali at baka hindi ko na siya abutan. Oa na kung oa pero nakakakonsensya naman tlga diba? Ikaw na nga dahilan kaya naospital kukupad kupad pa ako. My conscience is killing me.

May secret ako. Wag na wag niyong ipagkakalat ah.

I'm not a typical driver ng kotse na mabilis ang takbo dahil nagmamadali ako.

Right now I'm using my racing skills.

Yes. I'm a racer. Nagrarace ako sa different events kaso malimit nga lang. Napunta lang talaga ako pagmalaki ang premyo. Walang nakakaalam ng identity ko pag nagrarace ako. Well except for one. He's my friend back there in states. Actually kuya-kuyahan ko siya tpos ako naman binibaby niya. Actually babygirl nga tawag niya sakin eh. Kung nagtataka kayo kung bakit nagrarace ang isang manang na pa-good girl na katulad ko ay dahil. Oi! Secret lang natin uli to ah!

Tomboy ako dati pero hindi ung tomboy na pumapatol sa kapwa babae ah. Eww lang.

Saka bata pa lang ako nun talagang mahilig na ako sa mga laruang panglalake. The way I look dati. The way I move. Panglalake. Kaya naman ang puro naging kaibigan ko sa states mga lalaki. May brotherhood pa nga sila eh at sinali nila ako! Pero meron ako naging closest friend dun kumbaga parang bff. Mataba nga siya eh ang cute. Oh san kayo bata pa lang may brother hood na agad. Sila ang dahilan kaya nahilig ako sa racing. You know naman nung bata ako ang hilig kong laruan ay kotse. At ang hilig kong panoorin sa tv eh ung mga racing. Kaya pinangarap ko tlga na makapag race.

At ito nga nakapag racing ako dito sa 'pinas. Buti na lang at ung isang kabrother hood ko ay umuwi rin sa 'pinas. Which is yung kuya' kuyahan ko nga. Siya ang nag aasikaso sa mga event na pwede akong sumali. Actually pinilit ko lang talaga siya na pasalihin ako sa mga car race events dahil nga di rin ako pinapayagan ng mga magulang ko. Siya lang talaga ang nakakaalam na sumasali ako sa mga racing events.

The Not-So-Good-GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon