"Ice cream?" alok ng isang batang lalaki sa isang gusgusin na batang babae.
"Sino ka?" tanong ng gusgusing batang babae sa batang lalaki. Napakamot na lamang ang batang lalaki sa inis. "Siya na nga binibigyan ng ice cream, ayaw pa?" rant ng batang lalaki.
"Ayaw mo ba? Ako na nga nagmamagandang loob?!" bawi ng batang lalaki sa kamay niyang nang-aalok ng ice cream sa batang babae. "Nangangalay lang ako..."
"Pero sabi kasi ng Mommy ko, kapag 'd ko kilala, 'wag ako tatanggap ng kahit na anong bigay sa'kin." sagot naman ng batang babae.
"Ano?!" inis at hindi makapaniwalang tanong ng batang lalaki.
"Lalo na kapag kahina-hinala..." dugtong pa ng batang babae.
'kung anime lang ang reyalidad na ito, umuusok na siguro ang tenga ng batang lalaki na pulang-pula na ang mukha sa sobrang inis.
"Ako ba 'yung tinutukoy mo na kahina-hinala?!" yamot na tonong tanong ng batang lalaki, "Tignan mo nga suot mo sa suot ko?!"
Napatingin naman ang batang babae sa suot niyang madumi at napahawi ng pawis sa noo.
"Sabi ng tutor ko 'don't judge a book by its cover' kaya 'wag mo ako hinuhusgahan." kalma at inosenteng sagot lang ng batang babae habang naglalaro sa sandbox.
Ibinaba ng batang lalaki ang mga balikat patunay ng pagsuko niya sa wirdo'ng kausap.
Inilahad ng batang lalaki ang kanang kamay sa nakayuko at seryosong bata'ng babae na naglalaro sa sandbox, "Kim nga pala." pakilala niya na naging dahilan ng batang babae na mag-angat ng ulo at makita ang nakahayag na kamay ng batang lalaki. "Sabi ng Mama ko, dapat nagshe-shake hands para magkakilala kayo ng taong gusto mo makalaro."
Tumigil at tumayo ang batang babae mula sa pagkaka-upo sa sandbox, nagpagpag ng mga dumi sa damit at kamay, "Neth." abot niya sa kamay ng batang lalaki.
"Tatanggapin mo na?" patukoy ng batang Kim sa ice cream na hawak niya.
Ngumiti ang batang Neth at inabot ang ice cream na inaalok ni Kim.
"Salamat! Favorite ko, chocolate flavor!"
Umupo ng walang pasabi ang batang si Kim at naglaro sa sandbox.
"Igagawa kita ng castle." simula niya habang kumukuha ng malaking parte ng buhangin, "Dahil friend na kita, ikaw na ang prinsesa ng castle ko."
Nakangiti na tumabi ang batang si Neth sa tabi ng batang Kim. "Ako ang prinsesa ng castle mo?" tanong nito.
Tumango lang ng paulit-ulit ang batang Kim at nagpatuloy sa pag-ipon ng mga buhangin.
Malipas ng ilang sandali-- kasabay ng pag-ubos ng ice cream na kinakain ni Neth-- masayang sumigaw si Kim at nag-anunsyo na tapos na niya ang castle na tinutukoy sa bagong kaybigan.
"Ayan na 'yung castle na sinasabi mo?" disappointed na tanong ng batang Neth.
"E-eh? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ng batang Kim.
"H-hindi..." kamot sa ulong sagot ng batang Neth.
"Ano'ng hindi? Hindi mo nagustuhan, o ayos lang, hindi ko kaylangan mag-alala?"
Ngiti lang ang naisagot ng batang Neth sa batang si Kim.
*DEEP SIGH*
"wag ka mag-alala... pangako, pagtanda natin igagawa kita ng magandang castle!"
BINABASA MO ANG
BFF = BoyFriend Forever [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ ♕ ɢ]
Truyện NgắnStory para sa malnading si Ate Janneth. Haba ng smooth and silky hair eh~ xD 'WAG BASAHIN! BORING, PROMISE!