Isa. Dalawa. Tatlo.
Isa.
Ilang lalaki na nga ba ang nagustuhan ko at di ako nagustuhan pabalik? Ilang lalaki na nga ba ang nagkagusto sakin na hindi ko nagustuhan pabalik?
Ang tragic no? Kasi kahit anong pilit natin, hindi nila tayo magugustuhan at kung anong pilit nila satin, ay hindi nila tayo magugustuhan.
Dalawa.
Karma? Tama. Yan siguro ang best word to describe yung nagiging kapalaran natin ngayon.
Tatlo.
Baka kasi kinakarma tayo kasi di natin nagugustuhan yung mga taong nagkakagusto satin. Eh anong magagawa natin? Hindi naman natuturuan ang feelings na magkagusto sa taong hindi mo gusto?
Maaring napaka ironic nga talaga. Kasi di natin pwedeng turuan yung damdamin natin, at di rin pwedeng turuan ng mga gusto natin yung feelings nila.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Paano nga ba natin masasabing tama na ang lahat? Na sa plot twist ng buhay natin ay yun na yung ending? Paano nating masasabing tama na yung taong nagugustuhan natin at nagugustuhan tayo pabalik?
Ilang bilang at numero pa ba ang kailangan para masabi kong tama na... dahil nahanap mo na ang taong kukumpleto sa bilang ng buhay mo.